Limang katao ang arestado habang umaabot sa halos P150 milyon ang halaga ng mga hinihinalang shabu na nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs Manila International Container Port-Intelligence and Investigation Service (BOC MICP-CIIS), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa magkasunod na operasyong ikinasa sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City kamakalawa ng hatinggabi. Ayon kay PDEA Assistant Secretary at officer-in-charge Gregorio R. Pimentel, na nanguna sa pagsalakay, nag-ugat ang operasyon sa natanggap nilang…
Read MoreCategory: METRO
PBBM NANAWAGAN SA WORLD LEADERS PARA SA DIGITALIZATION NG MSMEs
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng world leaders na palakasin ang suporta para sa digitalisasyon ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs), na aniya’y prayoridad ng kanyang administrasyon. Sa kanyang naging interbensyon sa isinagawang APEC Economic Leaders’ Meeting (AELM) Retreat Session, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang “importance of adapting to e-commerce” kasabay ng pagtukoy sa papel ng MSMEs na gagampanan sa muling pagbuhay sa ekonomiya, paglikha ng employment opportunities, at pagpapagaan sa kahirapan. “However, they continue to face systemic problems and structural challenges heightened by the…
Read MoreSa pagbisita ni US VP Harris MPD NAKAALERTO VS KILOS-PROTESTA
BUONG puwersa ng Manila Police District ang naka-alerto kaugnay ng posibleng kilos-protesta hinggil sa pagbisita ni US vice President Kamala Harris sa bansa. Ayon kay MPD Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon, kasado na ang kanyang mga tauhan sa pagbisita ng bise presidente ng Estados Unidos, at nakaantabay na ang District Mobile Force Battalion, sa pangunguna ni Police Colonel Julius Anoñuevo. Iniutos nito ang mahigpit na pagbabantay hinggil sa posibilidad na pagsasagawa ng kilos-protesta mula sa hanay ng militanteng grupo. Gayunman, sinabi ng heneral na ipatutupad ng mga awtoridad…
Read MoreANOMALYA SA FDA MULING PINUNA
MULING kinalampag ni Senador Raffy Tulfo ang Food and Drugs Administration (FDA) kaugnay sa mga isyu ng katiwalian sa ahensya partikular sa pag-iisyu at renewal ng certificate of product registration. Sa impormasyon ni Tulfo, nasa P5 milyon hanggang P20 milyon ang naging ‘asking price’ mula sa isang pharmaceutical firm para mapadali ang renewal ng CPR mula sa FDA na natengga na ng tatlo hanggang limang taon. Aminado naman ang bagong talagang FDA director general Samuel Zarate, na nakakadismaya ang naturang impormasyon at nangako na agad itong paiimbestigahan. “Kung ‘yan po…
Read More‘EARTH-SHAKING REFORMS’ HAMON SA CHED
HINAMON ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Biyernes ang Commission on Higher Education (CHED) na lumikha ng panibagong “earth-shaking” reforms sa higher education sector upang gawing mas competitive ang mga unibersidad kasama ang college graduates ng bansa kumpara sa mga kasabayan nito sa Asya. Sa isang manifestation sa Senate debate hinggil sa 2023 CHED budget, nanawagan si Cayetano sa opisyal ng komisyon na sikaping gumawa ng mas makabagong polisiya para sa sektor ng edukasyon, katulad aniya ng Unified Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST). “We want to challenge CHED,…
Read MoreKALIGTASAN NG MGA ESTUDYANTE SA F2F CLASSES PINATITIYAK SA CHED
BAGAMA’T suportado ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang panibagong memorandum ng Commission on Higher Education laban sa full online classes sa tertiary level, muling iginiit ng senador na dapat iprayoridad pa rin ang kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante. Kumpiyansa si Go na nakabatay sa good science ang desisyon ng CHED at dapat tiyakin na hindi rin maipapasa sa mga estudyante ang responsibilidad na matiyak ang maayos na mga hakbangin sa pagbabalik sa normal ng pag-aaral. Muling binigyang-diin ng senador na dapat manatili pa ring sumunod sa health protocols at…
Read More3 SMALL TIME DRUG PUSHERS IBINALIBAG SA SELDA
IBINALIBAG sa selda ang tatlong hinihinalang small time drug pushers makaraang matiklo sa buy-bust operation sa Malabon City. Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek na sina Josefino Almocera, 56; Marilou Perez alyas “Loloy”, 51, at Marlon Dela Cruz, 44, pawang ng Caloocan City. Bandang 1:45 ng umaga noong Nobyembre 16 nang isagawa ang operasyon sa M.H. Del Pilar St., Brgy. Tugatog, Malabon City at agad dinamba ang mga suspek nang paiskorin ng P500 halaga ng umano’y shabu ang isang undercover cop. Kinumpiska sa…
Read More4 TULAK NASILO SA DRUG DEN
APAT na hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang sinakote sa nilansag na isang drug den sa Valenzuela City. Arestado ang itinuturong drug den maintainer na si Anthony Dalida, 42; at sina Reynaldo PJ Tadaya, 28; Mark Anthony Buan, 32, at Randy Peteza, 34, sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad dakong alas-7:30 ng gabi sa Villa Barretto, Barangay Canumay West, ng lungsod noong Martes, Nobyembre 15. Ilang buwan umanong minanmanan ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga galaw ng target na si Dalida bago isinagawa ang buy-bust…
Read MoreBIKER, NAPISAK SA TRACTOR HEAD
NAMATAY noon din ang isang 19-anyos na binatilyo makaraang mabundol at pumailalim sa tractor head na may hatak na trailer, sa southbound lane ng Mel Lopez Boulevard sa panulukan ng Gate 6, Port Area, Manila noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktimang si Allen Baraguir ng Meneses St., Bagong Lupa, Baseco Compound, Port Area. Samantala, kusang-loob namang sumuko sa tanggapan ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, commander ng Manila Police District- Baseco Police Station 13, ang driver ng truck na si Marvin Alcubilla, 40, binata, ng Talon 1, Las Piñas…
Read More