4 KALABOSO SA P.2M SHABU

KALABOSO ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang makumpiskahan ng mahigit P.2 milyong halaga ng umano’y shabu sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa Navotas City. Dakong alas-7:30 ng gabi nang masakote sa operasyon sa Langaray St., Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), Dagat-Dagatan sina John Claudy Labongray alyas “Daboy,” 20, at Thelma Israel, 52, kapwa ng Tondo, Manila, at nakumpiskahan ng 10.2 gramo ng shabu na P69,360 ang halaga, at P300 marked money Bandang alas-7:45 ng gabi naman nang isagawa ang operasyon sa Tanigue Ext., Brgy. NBBS, Dagat-dagatan…

Read More

NAGSUGAL KAHIT UNDAS, 8 SABUNGERO SWAK SA REHAS

NADAKIP ang walong sabungero sa ikinasang operasyon ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Manila Police District sa isinasagawang tupada sa Aroma Compound, Barangay 105, Tondo, Manila, noong Martes ng umaga, habang ginugunita ang Araw ng Undas. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (d) ng Presidential Decree 448 (Cockfighting Law of 1974) na inamiyendahan sa PD 1602 (illegal gambling) ang walong sabungero na pawang mga residente ng Aroma Compound at Vitas sa Tondo, Manila habang nag-iisa lamang ang residente ng Navotas City. Batay sa ulat ni Police Major Rommel…

Read More

LALAKI TIKLO SA P100K SHABU

KALABOSO ang isang lalaki nang makumpiskahan ng mahigit P100,000 halaga ng umano’y shabu sa Caloocan City. Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Act of 2002 ang suspek na si Mahid M.Condaraan, 33, ng Barangay 188, Tala, ng lungsod. Dinamba ang suspek sa MRH Site Four, Barangay 188, ng lungsod, dakong alas-2:30 ng madaling araw noong Nobyembre 1. Nasamsam sa dinakip ang 15 gramo ng umano’y shabu na may presyong P102,000, at buy-bust money. (ALAN AJERO) 411

Read More

Grupo ng kababaihan nangangalap na ng pirma PETISYON KONTRA 12% VAT SA PAGKAIN IKINASA

MANGANGALAP ng lagda ang grupo ng kababaihan para sa ihahaing petisyon sa Palasyo ng Malacanang para igiit kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sertipikahan bilang urgent ang panukalang batas na alisin ang 12% value added tax (VAT) sa pagkain. Bukod dito, isasama sa petisyon ang House Bill (HB) 4898 o pagkakaroon ng national minimum wage sa pribadong sektor sa gitna ng lumalalang krisis sa pagkain dahil sa pagtaas na presyo ng mga pangunahing bilihin. Ayon sa grupo ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, mula noong Huwebes ay inilunsad nila…

Read More

OBRERO BUKING SA BARIL, PEN GUN

TIMBOG ang isang 33-anyos na construction worker makaraang makumpiskahan ng baril at pen gun sa isinasagawang “Oplan Galugad” ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Manila Police District sa Isla Puting Bato, Tondo, Manila noong Sabado ng hapon. Kinilala ni MPD Director Brigadier General Andre Perez Dizon ang suspek na si Ronilo Jay Cacharo, ng Purok 2, Isla Puting Bato, Barangay 20, Zone 2 sa Tondo. Base sa ulat ni P/Major Rommel Purisima, hepe ng DSOU ng MPD, bandang ala-1:00 ng hapon nang mamataan ang suspek na kahina-hinala…

Read More

TOP 4 MOST WANTED PERSON, NASILAT

ARESTADO ang isang ginang na top 4 most wanted person sa kasong ilegal na droga, sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation ( SACLEO ) ng mga operatiba ng Intelligence and Warrant Section ng Manila Police District sa Sampaloc, Manila. Bukod sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), nahaharap din ang ginang sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act (RA 10175) at theft. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Wilson Villareal, commander ng MPD-Sampaloc Police Station 4, ang hindi na pinangalanang suspek ay pang-apat sa…

Read More

1 PATAY, 10 SUGATAN SA VAN VS TRUCK

LUCENA CITY – Patay ang driver ng passenger van habang sugatan ang 10 pang biktima matapos na salpukin ang nasabing sasakyan ng kasalubong na wing van truck sa Lucena City Diversion Road, Barangay Domoit, noong Huwebes ng hatinggabi. Sa inisyal na report ng Lucena PNP, patungo sa direksyon ng bayan ng Pagbilao ang passenger van na minamaneho ni Arjay Dela Cueva, 33-anyos, nang salpukin ito ng kasalubong na wing van dakong alas-12:00 ng hatinggabi. Sa lakas ng pagkakasalpok parehong nawasak ang unahang bahagi ng dalawang sasakyan at naipit sa manibela si Cueva. Isinugod ito…

Read More

MISIS BINARIL SA ULO NG PULIS, PATAY

patay

RIZAL – Kalaboso ang isang tauhan ng Tanay PNP nang barilin sa ulo ang kanyang live-in partner makaraang magselos ang ginang at pinagbintangan na may ibang babae ang suspek, sa bayan ng Tanay sa lalawigang ito. Kinilala ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, ang arestadong pulis na si P/Cpl. Romie Gie Legasi, nakatalaga sa Tanay Police Station. Habang kinilala naman ang biktimang si Rodaville Maguete, live-in partner ng suspek. Ayon sa ulat ng pulisya, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa dakong alas-5:30 ng hapon noong Oktubre 26. Nagselos…

Read More

OBRERO HULI SA PAGNANAKAW, DALAGA TINARAKAN

CAVITE – Sugatan ang isang 36-anyos na dalaga nang saksakin ng isang obrero nang mahuli nitong nanloob at tinangay ang kanyang laptop sa kanilang bahay sa bayan ng Carmona sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Nilalapatan ng lunas sa Carmona Hospital and Medical Center ang biktimang si Marisol Aguilar y Marasigan, ng Brgy. Lantic, Carmona, Cavite, dahil sa tama ng saksak sa katawan. Hawak na ng pulisya ang suspek na si Raymundo De Guzman, 45, isang construction worker at residente sa nasabi ring barangay. Ayon sa ulat, dakong ala-1:00…

Read More