UMABOT sa 13 construction workers ang nadakip sa ikinasang anti-narcotics operation ng Philippine Army Intelligence Team, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa construction site sa loob ng Headquarters ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Metro Manila na sinasabing ginawa ring drug den ng mga obrero. Ilang heat sealed plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P100,000, ang nasamsam sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad. Katuwiran ng nahuling construction workers, nag-aambag-ambagan lamang sila para makabili ng shabu para mapanatiling alerto sila at aktibo sa…
Read MoreCategory: METRO
HEPE NG PNP CUSTODIAL CENTER SINIBAK
SINIBAK kahapon ni Philippine National Police (PNP) General Rodolfo Azurin Jr., ang hepe ng PNP Custodial Center kasunod ng tangkang pagtakas ng tatlong detainees at hostage-taking kay dating Senator Leila de Lima kamakalawa ng umaga. Ni-relieve sa pwesto si Lt. Col. Patrick Ramillano habang iniimbestigahan kung ano ang mga pagkukulang o pagkakamali na humantong sa trahedya na ikinasawi ng tatlong detainees na pawang miyembro ng Abu Sayyaf Group. Naka-heightened alert pa rin ang buong Kampo Crame matapos ang insidente. Aminado si Azurin na may pagkukulang sa ipinatupad na seguridad sa…
Read MoreSECURITY PROTOCOLS SA PNP-CUSTODIAL CENTER PINAREREBISA
NAIS ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na rebisahin ng Philippine National Police ang security protocols sa kanilang custodial center matapos ang hostage taking incident kay dating Senador Leila de Lima. Iginiit din ni Go na dapat magkaroon ng malalimang imbestigasyon sa insidente upang pag-aralan ang security protocols dahil wala anyang dapat nasasaktan lalo na sa loob ng piitan dahil ito ay secured area. Dapat din anyang matukoy kung sinu-sino ang nakakulong sa Custodial Center. Samantala, maging si dating Senate Minority Leader Franklin Drilon ay iginiit na dapat marebisa ang polisiya…
Read MoreNataranta sa busina LALAKING TUMATAWID NABUNDOL NG TREN
NASA 50-50 ang tsansang mabuhay ng isang hindi pa kilalang lalaki makaraang mabundol ng tren sa riles sakop ng Osmeña Highway, San Andres Road, Sta. Ana, Manila nitong Lunes ng umaga. Tinatayang nasa edad 50 hanggang 60-anyos ang biktima, may taas na 5’5 hanggang 5’9 , katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng asul na jacket at short na camouflage. Base sa ulat na nakarating kay Police Lieutenant Colonel Orlando Mirando Jr., commander ng Manila Police District-Sta. Ana Police Station, bandang alas-9:20 ng umaga nang mangyari ang insidente sa riles ng tren…
Read More22 TIMBOG SA ILEGAL SABONG SA PAROLA
HINDI na nakaalpas ang 22 indibidwal na umano’y pawang mga sabungero nang salakayin ng mga awtoridad ang isang tupadahan sa Parola Compound, Tondo, Manila noong Linggo ng tanghali. Batay sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng District Special Operation Unit ng Manila Police District, kay Police Brigadier General Andre Perez Dizon, bandang alas-12:35 ng tanghali noong Linggo nang salakayin ang tupadahan sa loob ng Gate 7, Parola Compound, Area – A, Barangay 20, sakop ng Tondo. Ayon kay Major Purisima, isang impormasyon ang kanilang natanggap hinggil sa nasabing tupadahan.…
Read MoreBANGKA ITINAOB NG ALON, LOLO PATAY
CAVITE – Bangkay na lumutang ang isang 70-anyos na karpintero nang itaob ng malakas na alon ang kanyang bagong bangka na ipinalaot upang subukan ang kapasidad nito sa dagat sa Cavite City noong Sabado ng hapon. Hinihinalang may ilang oras nang patay nang natagpuan ng ilang mangingisda ang bangkay ng biktima sa gilid ng dagat, na kinilalang si Rolando Camasoza ng Cavite City. Ayon sa ulat ng Cavite City Police, dakong alas-5:45 ng hapon nang magpaalam ang biktima sa misis nitong si Edna De Silos, na papalaot ito sa dagat…
Read MoreMAGPINSAN PATAY SA PAMAMARIL SA QUEZON
QUEZON – Patay ang isang 14-anyos na estudyante at pinsan nito matapos na pagbabarilin ng kanilang kaalitan sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga napatay na sina Jimber Perez, Grade 8 student, at Alexander Perez, 18-anyos, parehong residente ng Brgy. Masin Sur. Batay sa report ng Candelaria Police, nangyari ang pamamaril sa vulcanizing shop na pinagtatrabahuan ng biktimang si Alexander sa Cabuñag Street, Brgy. Poblacion dakong alas-08:20 ng gabi. Dumating umano ang suspek na si John Peter De Villa, 23, taga Brgy. Pahinga Sur, na armado ng…
Read MoreSEGURIDAD SA CUSTODIAL CENTER PINATITIYAK NI PBBM
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine National Police (PNP) na tiyakin na wala nang mangyayaring karahasan sa pasilidad nito matapos i-hostage ng tatlong inmates si dating Senator Leila de Lima, Linggo ng umaga. Hinostage ng tatlong preso si de Lima matapos saksakin ang pulis na nagrarasyon ng pagkain sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa loob ng Camp Crame. “President Ferdinand R. Marcos Jr. has directed Camp Crame to enforce all measures necessary to ensure that no act of violence in said facility and all other PNP…
Read MorePulis, 1 pa arestado 990 KILO NG SHABU NASAMSAM SA MAYNILA
PINAKAMALAKING bulto ng shabu na tinatayang halos isang tonelada ang nahuli sa isinagawang anti-drug operation sa lungsod ng Maynila nitong Linggo. Itinuturing nina Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police chief General Rodolfo Azurin Jr., na pinakamalaking huli ito ng kapulisan dahil tinatayang umaabot sa P6.7 bilyon ang halaga ng nasamsam na shabu na nakuha sa isang high value target. “This afternoon will be historic in our country. This is probably the biggest drug haul in the history of the Philippines… Halos isang toneladang droga (o)…
Read More