BUKOD sa kasong kriminal, sinampahan din ng kasong administratibo ng pamilya ng tricycle driver na biktima ng hit-and-run, ang dating hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD) na si P/Lt. Col. Julio Abong. Si Abong ay kinasuhan ng mga kapatid ng biktima na sina Arlene Laroa Buenvenida, Annale Laroa Alba at Armida Laroa Carbonel ng grave misconduct, grave neglect of duty and conduct unbecoming of a police officer sa People’s Law Enforcement Board-QC (PLEB-QC). Bukod kay Abong, hiniling nila na sibakin sa police service ang iba…
Read MoreCategory: METRO
2 TIMBOG SA P2-M SHABU, BARIL
NATIMBOG ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District Station 9 ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng mahigit P2 milyong halaga ng umano’y shabu at baril sa Malate, Manila noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang suspek na sina Joel Gan Jr., 28, ng Tanza, Cavite , at Micaela Malto, 26, dalaga, ng San Andres Bukid, Malate, Manila. Si Gan na target ng operasyon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article II ng Republic Act 9165…
Read MorePLANONG PAG-IMPORT NG 300,000 METRIC TONS NA ASUKAL WALANG BASEHAN – ES RODRIGUEZ
PINANINDIGAN ni Executive Secretary Victor Rodriguez na walang basehan ang plano ng Sugar Regulatory Administration na mag-import ng 300,000 metric tons ng asukal kaya ito rin ang dahilan kung bakit walang inilabas na awtorisasyon hinggil dito ang Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Ayon kay Rodriguez, wala pang polisiya hinggil sa ‘sugar importation’ dahil hindi pa malinaw ang mga datos kung bakit at gaano karaming asukal ang dapat iangkat ng Pilipinas sa labas ng bansa. “We have yet to establish the factual basis for importing the needed quantity of sugar to…
Read MoreSa ‘pang-aapi’ ng DPS at pulisya MANILA VENDORS NAGPAPASAKLOLO
KUMPLIKADO ang mga kinakaharap na kaso ngayon ng isang police major ng PNP-Station 11 at mga opisyal ng Department of Public Services (DPS) matapos ireklamo ng paglabag sa karapatang-pantao, pangingikil at pag-abuso sa tungkulin ng mga manininda sa iba’t ibang palengke sa Maynila. Base sa salaysay ng mga vendor mula sa Quiapo at Recto, Maynila, walang palya sa loob ng dalawang taon ang panghihingi umano sa kanila ng isang Police Major ng mga prutas na halos nagkakahalaga ng P50,000 hanggang P80,000 kada linggo kapalit ng hindi paghuli sa kanila sa…
Read MorePOLICE CHIEF NA TAMAD SIBAK AGAD – PNP CHIEF
PARA kay Philippine National Police Chief General Rodolfo Azurin, walang lugar sa pulisya ang mga hepeng tamad at bingi sa dulog ng mamamayan. Panawagan ni Azurin sa publiko, isumbong ang mga pulis na hindi gagalaw sa mga dulog ng sumbong at reklamo, kasabay ng pagtitiyak na kakastiguhin ang sinumang pulis – kesehodang heneral o ordinaryong pulis. Babala pa ni Azurin, hindi siya magdadalawang isip na sibakin agad-agad ang mga pabaya sa sinumpaang tungkulin. Bukod sa nagkabisalang ordinaryong pulis, kabilang din ang kanilang hepe sa mananagot at posibleng dalhin sa kangkungan…
Read MoreCOLEGIO DE SAN LORENZO STUDENTS TATANGGAPIN SA QCU
MARIING tiniyak ng Quezon City government na tutulungan ang mga mag-aaral, magulang, guro at empleyado ng Colegio de San Lorenzo matapos ipahayag ng paaralan ang permanenteng pagsasara nito noong Lunes, Agosto 15. Binanggit ng pamunuan ng paaralan ang kawalang-katatagan ng pananalapi at kawalan ng kakayahan nito sa pinansyal dulot ng patuloy na pandemya at pinalala ng pare-parehong mababang turnout ng nagpapatala (enrollment) bilang dahilan ng pagsasara. Kaugnay nito, inatasan ni Mayor Joy Belmonte ang City Legal Department na pinamumunuan ni City Attorney Orlando Paolo Casimiro, na mabilis na tingnan kung…
Read MoreGUNMAN TODAS SA ENGKWENTRO
HINDI na nagawa pang isugod sa pagamutan ang isang pinaniniwalaang gunman na pinili na lang makipagbarilan kesa sumuko sa mga pulis-Quezon City. Kinilala lamang ng pulisya ang napaslang sa pangalang Jojo Muslim na di umano’y nagtangkang pumatay sa isang ginang sa Barangay Culiat, Martes ng madaling araw. Sa imbestigasyon ng pulisya, nabigo umano ang suspek na paslangin ang isang 32-anyos na ginang na si Maricar Umayam Escalera ng Purok 2, Bayanihan St. sa Barangay Culiat ng nasabing lungsod. Batay sa inisyal na imbestigasyon nina Cpl Prince Joy Rivera at Cpl…
Read More3 MANILA COPS DINAKIP SA PRESINTO
INARESTO ng mga tauhan ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ng Camp Crame ang tatlong miyembro ng Paco Police Community Precinct ng Manila Police District sa inilatag na entrapment operation sa kasong extortion sa loob mismo ng nasabing PCP sa panulukan ng Pedro Gil at Linao streets sa Paco, Manila noong Lunes ng gabi. Kinilala ang mga inaresto na sina P/SSgt. Erwin Licuasen y Basilan, 34; P/Cpl. Chimber Rey Importa, 32, at Pat Leopoldo Tuason y Nival, 39-anyos. Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-10:15 ng gabi nang isagawa ang entrapment…
Read MoreFire truck tumagilid, 4 sugatan 1 PATAY SA PACO FIRE
PATAY ang isang hindi pa kilalang residente makaraan ang nangyaring sunog sa isang kabahayan sa Paco, Manila noong Lunes ng madaling araw. Habang apat namang bombero ang bahagyang nasugatan nang tumagilid ang sinasakyang fire truck habang nagreresponde sa nasabing sunog. Base sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, sumiklab ang sunog sa residential area sa Fabie Street sa Brgy. 815, Paco, Manila bandang ala-1:17 ng madaling araw. Dakong ala-1:27 ng madaling araw nang ideklara ng BFP ang sunog sa ikalawang alarma at dakong alas-2:04 ng madaling araw nang tuluyang…
Read More