HIWALAY NA PAG-AANGKAT NG ASUKAL NG INDUSTRIYA NG INUMIN PANUKALA NI REP. ROBES

SA gitna ng kontrobersiyang bumabalot sa naudlot na planong pag-aangkat ng asukal, hiniling ni San Jose Del Monte Rep. Florida Robes na magkaroon ng hiwalay na pagpapahintulot na makapag-angkat ang industriya ng inumin upang hindi makaapekto sa halaga ng asukal sa merkado na ngayon ay lumobo na sa mahigit P100 kada kilo. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Rep Robes, na siyang Chairperson ng House Committee on Good Government and Public Accountability na nanguna sa pagtalakay sa naunsiyaming importasyon ng asukal, kasama ang Committee on Agriculture, na hiniling niya ang panukala…

Read More

AFRICAN SHABU COURIER, TIMBOG SA NAIA

NA-INTERCEPT ng mga tauhan ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) sa tulong ng Bureau of Customs (BOC) Anti-Illegal Drugs Task Group (AIDG), sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang may-ari ng 21,215 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu, na tinatayang umabot sa P144.3 milyon ang halaga. Ayon sa report, kinilala ang suspek na si Mark Wienand, 60-anyos, isang African national, dumating noong Biyernes ng gabi sa NAIA Terminal 3, via Doha, Qatar galing sa South Africa. Batay sa impormasyon, itinago ang shabu sa kanyang dalawang luggage na may marking “Power…

Read More

MOST WANTED, 1 PA KALABOSO SA P.6-M DROGA, ARMAS

ARESTADO ang dalawang lalaki, kabilang ang nangunguna sa talaan ng most wanted persons ng National Capital Region Police Office (NCRPO), makaraang mahulihan ng tinatayang P.6 milyong halaga ng marijuana, shabu, baril at pampasabog sa buy-bust operation sa Navotas City. Ayon sa ulat, dakong alas-12:20 ng madaling araw noong Agosto 19 nang arestuhin sa Judge Roldan St., Brgy. San Roque sina Roberto Huelba y Felix alyas “Kevin Huelba/Mucho” at Jaymee Dionisio y Ruiz alyas “Imoy”, top 1 most wanted person ng NCRPO, at kasapi ng Legaspi drug group. Nakuha sa pag-iingat…

Read More

WANTED SA RAPE, ROBBERY HULI SA VALENZUELA

NALAMBAT ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang isang lalaking wanted sa kasong attempted rape at isang pinaghananap dahil sa kasong pagnanakaw. Nadakip dakong alas-5:00 ng hapon noong Biyernes sa kanyang bahay si Reynaldo Menes, 44, ng Barangay Maysan, Valenzuela City, ng mga pulis na armado ng warrant of arrest para sa kasong attempted rape in relation to Republic Act 7610, na inisyu noong Agosto 18, 2022 ni Judge Evangeline Mendoza-Francisco ng Regional Trial Court, Branch 270 ng Valenzuela City. Samantala, arestado rin ng pulis Valenzuela si Matthew Ramirez,…

Read More

‘RAPIST’ SA PARKE NASAKOTE

NASAKOTE ng Valenzuela City Police sa isang parke ang isang rapist habang umano’y naghahanap ng bagong bibiktimahin. Noong Agosto 16 nang madakip sa Valenzuela City People’s Park sa McArthur Highway, Barangay Karuhatan, Valenzuela City ang suspek na si Leo Gutierrez, 37, may nakabinbing kasong two counts ng rape at two counts ng acts of lasciviousness in relation to Republic Act 7610. Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Mateo Altarejos ng Valenzuela City Family Court Branch 16, na may petsang Agosto 12,…

Read More

1 PATAY, 2 KRITIKAL SA RIOT SA BASKETBALL COURT

PATAY ang isang 24-anyos na binata habang nasa malubhang kalagayan ang isang kasama nito gayundin ang isang 17-anyos  na dalagita na tinamaan ng ligaw na bala makaraan ang labo-labo ng dalawang grupo sa loob ng basketball court noong Huwebes ng gabi sa Tondo, Manila. Sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Gene Licud, commander ng Manila Police District – Raxabago Police Station 1, nabitag ang itinuturong suspek na kinilalang si Joseph Ariola y Lagurin, 40, may asawa, negosyante at residente ng Brgy. 96 sa Tondo. Batay sa…

Read More

6 TULAK KALABOSO SA P1.1-M SHABU

ARESTADO ang anim katao makaraang makumpiskahan ng mahigit P1.1 milyong halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operations sa mga lungsod ng Caloocan at Valenzuela. Kinilala ang mga arestado na sina Arjay Borja y Perez, Abegail Torres y Bagtas, Morris Bacod y Espeño, Geoffrey Cardinez, Jr. y Brillabrelle, Enrico Rosales, Jr. y Julian, at Erwin Manuel y Ramores. Natiklo ang mga suspek dakong alas-10:30 ng gabi noong Agosto  17, at dakong alas-12:00 ng madaling araw noong Agosto 18 sa Brgy. 120, Caloocan City, at Brgy. Gen. T. de Leon, Valenzuela City. Umabot…

Read More

MISSING TEENAGER NATAGPUAN SA HUKAY

NATAGPUAN sa malalim na hukay ang isang nawawalang 16-anyos na binatilyo sa isang construction site sa center island ng EDSA, Quezon City noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang biktimang si Raniel Riano, 16, residente sa nasabing  lugar. Ayon sa ina ng biktima, apat na araw nang nawawala ang kanyang anak at hindi nila alam kung saan ito nagpunta. Noong Miyerkoles ng umaga, napansin umano ang tsinelas ng biktima sa tabi ng naturang hukay sa construction site sa center island ng EDSA North Avenue. Nang silipin ay dito nakita ang bangkay…

Read More

SEMENTERYO NG MUSLIM SA BAWAT BAYAN AT SIYUDAD IPINANUKALA

BUNSOD ng hirap na pinagdadaanan ng pamilya ng mga Muslim na namamatay, nais ng Mindanao congressman na magkaroon ng sementeryo para sa mga ito sa bawat bayan at siyudad. Sa ilalim ng Muslim Filipino Public Cemeteries Act na nakapaloob sa House Bill (HB) No. 3755 na inakda ni Basilan Rep. Mujiv Hataman, nais nito na maglaan ang lahat ng local government units (LGUs) ng lugar para sa sementeryo ng mga kapwa nito Muslim. “Sa aming pananampalataya, kailangang mailibing ang pumanaw sa loob ng 24-oras. Grabeng hirap ang pinagdadaanan ng mga pamilya…

Read More