SINDIKATO NG AGRI PRODUCTS PINAKAKALOS

“DAPAT nang kalusin.” Ito ang galit na binitawan ni Agri party-list Representative Wilbert Lee laban sa mga sindikato hindi lang ng agri products kundi sa lahat ng gumagawa ng ilegal na transaksyon sa bansa. Reaksyon ito ni Rep. Lee kasunod ng napaulat na illegal importation ng puting sibuyas na ang pangunahing biktima ay ang maliliit na magsasaka. Sinabi ng mambabatas na talagang wala nang sinasanto ang mga nasa likod ng illegal importation na pumapatay sa kabuhayan ng mga magsasaka kung kaya’t nararapat lamang na mas pabigatin ang parusa sa mga…

Read More

BALASAHAN SA PNP PAPLANTSAHIN SA NAPOLCOM

NAGLABAS ng paglilinaw kahapon si Philippine National Police chief Police General Rodolfo Azurin Jr., hinggil sa kontrobersyal na balasahang ipinatupad niya kamakailan na kinasasangkutan ng may 30 police officers kabilang ang command group. Ayon kay Gen. Azurin, hindi ito ang unang pagkakataon sa police organization na ginalaw ang mga police officer na nasa top key position. Nakatakdang makipag-usap sa Napolcom si Azurin para maplantsa ang kontrobersya. Ipinaliwanag din ng opisyal na ang pagsibak niya kina Lt. Gen. Rhodel Sermonia at Lt. Gen. Vicente Danao ay bahagi lamang ng kanyang policy…

Read More

2 BOYONG CRIME GROUP MEMBERS, TIMBOG SA CIDG

DALAWANG hinihinalang miyembro ng Boyong criminal group na sangkot sa gunrunning at robbery in band activities ang nadakip ng mga tauhan ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group-NCR Regional Director, Col. Randy Glenn Silvio sa kanilang inilunsad na PNP-CIDG Oplan Paglalansag Omega noong Sabado ng gabi. Ayon kay Col. Silvio, isang confidential informant ang nagbulgar sa mga ilegal na aktibidad ng dalawang nadakip na may kaugnayan sa bentahan ng baril, pagnanakaw at ilegal na droga  kaya naglatag sila ng gun buy-bust operation laban sa isang alyas “Robin” na miyembro ng Boyong…

Read More

2 BEBOT SWAK SA SELDA SA P3.4-M SHABU

SWAK sa selda ng Manila Police District ang dalawang babaeng hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng P3.4 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Sta. Cruz, Manila noong Linggo ng hapon. Kinilala ang mga suspek na sina Ainnah Salgan y Ali at Norhanna Canapia y Salgan, kapwa nasa hustong gulang. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., commander ng MPD- Binondo Police Station 11, bandang alas-2:00 ng hapon nang ilatag ng kanyang mga tauhan ang buy-bust operation sa isang sangay ng fastfood restaurant…

Read More

JOBLESS LALONG DUMAMI SA PAGKAWALA NG E-SABONG

PINANINIWALAANG nakaapekto nang malaki sa bilang ng mga walang trabaho sa bansa ang pagkawala ng e-sabong. Sa June 2022 Labor Force Survey ng PSA, lumitaw na mahigit sa 2.9 milyong Pilipino ang jobless. Karaniwan sa kanila ay galing sa maliliit na negosyo tulad ng retail online o direct sales. Ayon sa Nagkakaisang Samahan ng Game Fowl Feed Millers at Agri-vet Suppliers, P19 bilyon ang kanilang industriya na napilay ng suspensyon ng e-sabong. Sa panig naman ng United Association of Cockpit Owners and Operators of the Philippines, Incorporated (UACOOP), ang pinagsamang…

Read More

NCR COVID POSITIVITY RATE BAHAGYANG TUMAAS

BAHAGYANG tumaas ang COVID-19 cases makalipas lamang ang 3 araw, subalit hindi umano klaro sa OCTA Research Group na nag-peak na ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR). Sa isang tweet, ipinaliwanag ni OCTA fellow Dr. Guido David na may arawang 17.9% positivity rate ang NCR na naiulat nitong nakaraang Huwebes, Agosto 11.”With slight increases over the past 3 days, it is not yet clear if the positivity rate has already peaked in the NCR, but the trendline looks flat at the moment,” ayon pa dito. Ang positivity…

Read More

Car loan scam nabisto 3 TIMBOG NG CIDG SA ROBBERY EXTORTION

INARESTO ng mga operatiba ng Southern MMDFU NCR CIDG (lead unit) kasama ng DMFB SPD, ang tatlong empleyado ng isang kumpanya, isang third party na accredited ng East West Bank, dahil sa pagkakasangkot sa robbery extortion activities na bumibiktima ng car loan owners. Kinilala ang mga suspek na sina Ronald Flaviano y Palad, 46; Joel Berdin y Buenaobra, 49, at Florence Mendoza y Mabuti, 28, pawang skiptracer/repossesor ng EGY Company. Napag-alaman, modus operandi umano ng mga suspek na humingi ng pera mula sa car loan owners, kasabay ng pagbabanta na…

Read More

Spa may extra service 2 ARESTADO NG CIDG SA HUMAN TRAFFICKING

NAHAHARAP sa kasong human trafficking ang dalawang babae makaraang mahuli sa akto ng mga awtoridad na gumagawa ng extra services ang kanilang mga attendant sa loob ng isang spa sa Quezon City. Habang 10 kababaihan naman ang nasagip ng operating units kabilang ang dalawang menor de edad. Ang mga arestado ay kinilalang sina Jennifer Barameda, 32, ng Mangga St., Camarin, Caloocan City, umano’y bugaw at manager ng spa, at Recy Mae Tapalla, 25, cashier, 25, ng Antipolo City. Ayon sa report, nagsagawa ng OPLAN OLEA at SALIKOP ang mga operatiba…

Read More

P10-M SHABU NASABAT SA HOLDUP SUSPECT

HINDI pa man nahahatulan sa kasong robbery hold-up, muling naaresto ang 38-anyos na lalaki nang makumpiskahan ng mahigit sa P10 milyong halaga ng umano’y shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Quezon City nitong Biyernes ng madaling araw. Ang suspek ay kinilalang si Jayson Estrada Espinar, residente ng Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City. Ang suspek ay may nakabinbin pang kaso ng paglabag sa Sec. 11, Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at robbery hold-up. Ayon sa report ng Quezon City Police District…

Read More