RESIBO WALA NANG VALIDITY PERIOD

EPEKTIBO sa Hulyo 16, 2022 ang official receipts at invoices ay mawawalan na ng validity period kung kaya’t tuloy-tuloy na itong magagamit hanggang sa maubos. Sa pamamagitan ng inisyung Revenue Regulations (RR) No. 6-2022 kamakailan, ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay gumawa ng hakbang para ipawalang bisa ang ‘five-year validity period’ sa lahat ng printed at system-generated receipts/invoices. Ito ay nakalinya sa Republic Act (RA) No. 11032 o mas kilala bilang “Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018” at bilang bahagi na rin ng ‘Bureau’s…

Read More

MGA OPISYAL NG DA PINULONG NI PBBM

PINULONG na rin ni Pangulong Marcos Jr. ang key officials ng Department of Agriculture pagkatapos niyang pangunahan ang ikalawang cabinet meeting kamakalawa. Kabilang sa mga napag-usapan sa virtual meeting ang Rice Tariffication Law, kasalukuyang estado ng bigas at livestock production at ang pagtataas sa produksiyon ng high-value commercial crops at iba pa. Dumalo sa naturang meeting sa hanay ng DA sina Undersecretary Leocadio Sebastian, Undersecretary-designate Kristine Evangelista, Assistant Secretary-designate Engr. Arnel De Mesa at Ms. Imelda Arida, Executive Assistant of Undersecretary Sebastian. Nasa pulong din sina Executive Secretary Victor Rodriguez,…

Read More

3 MIYEMBRO NG JERICO CRIMINAL GROUP LAGLAG SA CIDG-NCR

TATLONG kilabot na miyembro ng Jerico criminal group na sangkot sa gun for hire, gun running at illegal drugs activities ang nasakote ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group-Regional Field Unit NCR sa No. 35 CMLI Compound, Sitio Belmonte, Brgy. Bagong Pag-Asa, Quezon City. Ayon kay PNP-CIDG-NCR Regional Field Unit chief,  Police Col. Randy Glenn G. Silvio, ipinatupad ng kanyang mga tauhan ang kanilang CIDG Flagship Project on OPLAN PAGLALANSAG OMEGA, OPLAN BIG BERTHA at Oplan  SALIKOP noong Martes. Nagresulta ito sa pagkakadakip sa tatlong suspek dahil sa…

Read More

GRADUATION NG NEOPHYTE SOLONS PURNADA SA COVID?

covid

NAPURNADA ang graduation ng neophyte congressmen matapos magpositibo umano sa COVID-19 ang isa sa mga participant sa orientation seminar. Ito ang kumalat na impormasyon sa Kamara kahapon subalit ito ay itinanggi ng liderato ng Kamara. “We were just advised postponed today (ang graduation). As to the reason, wala pa pong disclosed reason ang organizers,” pahayag ni Celine Buencamino ng House of Representative Information Center. Nakatakda sana kahapon, Miyerkoles, ang graduation ng ikatlong batch ng mga bagitong mambabatas na dumaan sa orientation seminar mula noong Lunes. Sa kanilang graduation, bibigyan ang mga ito…

Read More

BIDA KID CAMPAIGN PARA SA SAFETY PROTOCOLS, INILUNSAD NG DEPED

BILANG bahagi ng 124th Founding Anniversary ng Department of Education (DepEd), isinagawa ng ahensya ang National School Launch ng BIDA Kid Campaign sa San Roque National High School (SRNHS) sa Antipolo City upang mapalakas ang ‘safe return to schools measures’ noong Hulyo 7, 2022. Kaugnay sa planong pagpapatupad ng face to face classes sa lahat ng mga paaralan sa susunod na school year, pinalakas ng DepEd ang panawagan nitong sundin ang health and safety protocols sa mga paaralan, kabilang ang BIDA Kid Campaign, na isinusulong ang 3Bs: Bakuna (Vaccination), Bayanihan (Solidarity), and BIDA behaviors.…

Read More

3 WANTED NALAMBAT SA CALOOCAN

PINURI ni Caloocan City Mayor Gonzalo Dale “Along” Malapitan ang pulisya ng lungsod sa dagling pagsisimulang linisin ang listahan ng mga most wanted person ng lungsod, matapos na iharap sa kanya ang ilang nasakoteng wanted suspects. Ani Malapitan, iprinesenta ng pulisya sina Christian Madrona, ikatlo sa most wanted sa kasong rape; Sonny Abrasaldo, high value individual sa kasong attempted murder, robbery hold-up at pagkakasangkot sa ilegal na droga, at Ricardo Dela Cruz, high value individual sa kasong pagnanakaw o theft at pagkakasangkot sa ilegal na droga. Ayon sa punong-lungsod, nagpapasalamat…

Read More

RIDING IN TANDEM PATAY SA TRAILER TRUCK

KAPWA itinanghal na bangkay ang magka-angkas sa motorsiklo nang mabundol ng trailer truck nitong Martes ng madaling araw sa panulukan ng United Nations Avenue at San Marcelino St., Ermita, Manila. Kinilala ang dalawang biktimang sina Jake Tiburania, nagmamaneho ng motorsiklo, at Brix Deuna Urot, backrider, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Rodriguez, Rizal. Batay sa ulat ng Manila Traffic Enforcement Unit, bandang alas-3:15 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa naturang lugar Ayon sa imbestigasyon, binabagtas ng dalawang biktimang lulan ng motorsiklo ang westbound ng UN Avenue habang ang…

Read More

WANTED SA 19 COUNTS NG RAPE TIKLO SA CIDG

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatala bilang no.8 most wanted person ng Ilocos Norte dahil sa kasong 19 counts ng rape, sa isinagawang Oplan Pagtugis sa Caloocan City noong Lunes ng hapon. Kinilala ang arestado na si Rodrigo Rafael alyas Jay-Ar Rafael, 39, electrician, ng Brgy. 178, Camarin, Caloocan City. Batay sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang CIDG RFU NCR hinggil sa pinagtataguan ng suspek sa Caloocan City kaya agad silang bumuo ng team na pinamunuan ni P/Lt. Col. Calvin Cuyag. Kasama ang mga tauhan ng 83rd Coy,…

Read More

STATE OF EMERGENCY ON FOOD CRISIS PINADEDEKLARA

UMAPELA kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang AGAP party-list na magdeklara ng state of emergency on food crisis kaugnay ng lumalalang kakulangan sa pagkain at pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa bansa. Sa isang breakfast meeting na ginanap sa Quirino Extension, Manila, iginiit ni Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Representative Nicanor Briones, na malaki ang magagawa ni Pangulong Marcos bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA) kung saan maaari nitong doblehin ang budget ng DA upang buhayin ang mga nagsarang nag-aalaga ng baboy at manok at tulungan ang…

Read More