NASORPRESA ang ilang supermarkets sa lungsod ng Maynila nang mag-inspeksyon ang Department of Trade and Industry o DTI kaugnay ng mga produkto na maaaring magkaroon ng price adjustments. Kasunod ito ng natatanggap na “request” ng DTI para sa “price adjustment” ng iba’t ibang mga produkto. Sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo, mayroon nang natanggap na hiling ang DTI ukol dito pero ginagawa pa raw ang review rito ng Consumer Protection and Advocacy Bureau. Gayunman, daraan pa aniya sa mabusising pag-aaral at kung ano man ang maging rekomendasyon ay isusumite kay DTI Sec.…
Read MoreCategory: METRO
Apela sa CA ibinasura AMPATUAN MANANATILI SA BILIBID
BIGO ang kampo ni dating Autonomous Region in Muslim Mindanao Governor Zaldy Ampatuan na mailipat sa medical facility sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City. Sa 9 na pahina na inilabas noong Hulyo 4, ibinasura ng Court of Appeals ang hiling ng abogado ni Ampatuan makaraan umanong hindi pumayag si Quezon City Regional Trial Court Judge Jocelyn Solis-Reyes noong 2020 sa gusto ng kampo ni Ampatuan na mailipat ng medical facilities ang dating gobernador. Umapela sa korte ang dating gobernador para umano sa kaligtasan nito noong kasagsagan ang pandemya. Ang desisyon ay bunsod…
Read MoreFOUL PLAY SINISILIP SA PAGKAMATAY NG POLICE COLONEL
NABABALOT ng misteryo ang pagkamatay ng isang opisyal ng Philippine National police (PNP) sa kanyang bahay sa Pateros noong Linggo ng umaga. Isang oras at kalahati nang nangyari ang insidente bago naipaalam sa himpilan ng pulisya ang pagkakabaril kay P/Lt. Col. Eugene Orate y Junsay sa bahay nito sa #22K M. Almeda St., Barangay Sto. Rosario Silangan, Pateros, Metro Manila. Ayon sa report ng pulisya, tinatayang alas-8:50 umaga noong Hulyo 10, 2022 nang mangyari ang insidente pero nai-report sa kanilang tanggapan bandang alas-10:20 ng umaga . Natagpuan si P/Lt. Col. Orate,…
Read MoreMASS HIRING NG TEACHERS HIRIT SA DEPED
MULING umapela ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Department of Education (DepEd) na magpatupad ng mass hiring sa teaching position ng departamento upang maipatupad nang maayos ang safety health protocols sa face-to-face classes sa susunod na school year. Ayon sa nasabing grupo na kinakatawan ni Rep. France Castro sa Kamara, kailangang maibaba sa 35 ang bilang ng mga estudyante sa isang klase mula sa 60 hanggang 70 bago nagkaroon ng pandemya sa COVID-19. Ipinaliwanag ni Vladimer Quetea na noong Pebrero 2021, umabot sa 26,000 teaching positions sa DepEd ang hindi pa…
Read MoreLGUs, barangay officials kilos na! LAHAT NG SAGABAL SA KALYE WALISIN -DILG
IPINAG-UTOS ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur’ Abalos sa local government units (LGUs) na gawing “free major roads and alternate routes” ang kani-kanilang hurisdiksyon mula sa lahat ng obstructions o sagabal na hadlang sa maayos na takbo ng trapiko. Ang paggamit aniya sa mga lansangan bilang parking slots para sa mga motorista kabilang na ang harapan ng ng mga business establishment at harap ng bahay ng mga motorista na walang sariling garahe ay nagdudulot ng ‘bottleneck’ sa mga major at alternative roads, lalo na…
Read MoreFUTURE DRUG BUYERS TUTUTUKAN NI ABALOS FUTURE DRUG BUYERS TUTUTUKAN NI ABALOS
ITUTUON ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang illegal drugs campaign ng pamahalaan sa pag-discourage sa future buyers mula sa paggamit ng shabu at iba pang illegal drugs substance. Sinabi ni DILG Sec. Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na ang special focus ay para sa mga kabataan, na para sa kanya ay paboritong puntiryahin ng illegal drugs syndicates. “Can you imagine, kung kasama mo lahat yung mga (illegal drug) buyers di ba. You will get let’s say to Metro Manila, you will go to the Visayas, you will…
Read More‘KRISTO’, ‘SANTO PAPA’ ARESTADO SA DROGA
WALANG inirekomendang piyansa ang korte sa isang 26-anyos na kapangalan ni ‘Jesus of Nazareth’ na nadakip sa bisa ng warrant of arrest sa San Andres Bukid, Maynila. Kinilala ang suspek na si Jesus Nazareth y Agao, binata, tambay at residente ng San Andres Bukid. Base sa ulat ni P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr., commander ng Manila Police District – Sta. Ana Police Station 6, bandang alas-10:00 ng umaga nang arestuhin ang suspek sa Dagonoy Street sa San Andres Bukid. Ayon ito sa direktiba ni MPD Director, P/Brigadier General Leo “Paco”…
Read MorePara makontrol paglaganap muli ng COVID VACCINATION SITES, BUKSAN SA LAHAT NG WALK-INS
UPANG makontrol ang paglaganap muli ng coronavirus disease 2019 o COVID-19, kailangang buksan na sa lahat ang vaccination sites para mabigyan ng boosters shot ang lahat. “We need to open our vaccination sites for walk-ins, for everybody, regardless of the city or province they are coming from,” giit ni Anakalusugan Party-list Rep. Ray Florence Reyes. Ginawa ng mambabatas ang nasabing pahayag nang umabot na sa mahigit 10,000 ang COVID-19 active cases sa bansa base sa report ng Department of Health (DOH). Sinabi ng mababatas, kailangan mabigyan ng booster shot ang…
Read MoreABU SAYYAF TIMBOG SA NAIA
ARESTADO sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG). Ayon sa report, kinilala ang suspek na si Hajar Binadbul Mubina alyas “Abu Asrie, Mhieradz, Muadz, Muhadz”, 30-anyos, tubong Bubua Island ng Basilan. Batay sa impormasyon, si Mubina ay dumating sa NAIA nitong Biyernes sakay ng Malaysian Airlines mula sa bansang Malaysia. Nadiskubre ng PNP na si Mubina ay mayroong nakabinbing warrant of arrest na inisyu ng Zamboanga City Regional Trial Court kaugnay sa pagkakasangkot nito sa…
Read More