Bahagi ng pagbabantay sa kaso kontra droga DILG MAGTATALAGA NG TAUHAN SA PISKALYA

SA hangaring tiyaking wasto ang proseso ng pagsasampa ng mga kasong may kaugnayan sa droga, plano ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magtalaga ng sariling kawani sa mga piskalya para magsilbing testigo laban sa drug suspects. Paniwala ni DILG Secretary Benhur Abalos, higit na kailangan bantayan ang mga isinampang kasong may kinalaman sa droga, kasabay ng giit na kailangang maiwasto ang maling prosesong nakasanayan ng Philippine National Police (PNP) sa pagsasampa ng asunto. Ayon kay Abalos, isa sa kanilang nakikitang dahilan sa likod ng kabi-kabilang…

Read More

RESSA AT DATING WRITER BIGO SA CA

NABIGO si Maria Ressa ng Rappler at ang kasama nitong dating writer na si Reynaldo Santos Jr. na mabaligtad ang naunang hatol ng korte kaugnay ng kasong cyber libel laban sa kanila. Ito ay makaraang hindi katigan ng Court of Appeals ang apela ng mga ito kaugnay ng hatol ng korte na pagkakulong ng anim na taon matapos mapatunayang guilty sa nasabing kaso. Una nang natalo sa Manila Regional Trial Court ang dalawa kaya umapela sa CA noong Hunyo, 2020. Umaasa sina Ressa at Santos na pagbibigyan ng Kataas-taasang Hukuman…

Read More

SALVAGE VICTIM ISINAKO

PINANINIWALAANG biktima ng summary execution ang natagpuang bangkay sa loob ng sako, na tadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nakatali ang dalawang kamay sa Baseco, Port Area, Manila, umaga nitong Huwebes Tinatayang nasa 25 hanggang 30-anyos ang hindi pa nakikilalang biktima na nasa 5’4 ang taas, nakasuot ng itim na t-shirt at asul na short pants. Base sa ulat ni P/Lt. Col. Rodel Borbe, commander ng Manila Police District-Baseco Police Station 13, bandang alas-6:00 ng umaga nang matagpuan ng isang tauhan ng Department of…

Read More

2 TIMBOG SA P1.5-M DROGA, BOGA

MAHIGIT sa P1.5 milyong halaga ng shabu, marijuana at baril ang nasamsam sa dalawang lalaki sa police operation sa Caloocan City. Paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act at Comprehensive Dangerous Drugs  Act of 2002 ang haharaping kaso nina Emmanuel Joseph Bendal, 31, at Jess Noriega, 41. Bandang alas-5:00 ng gabi nang ikasa ang operasyon laban sa mga suspek na nag-alok ng kalibre .45 caliber pistol sa halagang P10,000 sa 7th Avenue, Brgy. 54. Pagdating ng mga suspek sa pinag-usapang lugar, sinalubong sila ng undercover at iniabot ang…

Read More

BAGITONG PARAK ITINUMBA

BANGKAY na itinanghal ang isang bagitong parak nang ratratin ng suspek na lulan ng motorsiklo sa Caloocan City. Dakong alas-7:30 ng madaling araw noong Hulyo 4 nang likidahin si Pat. Jefferson Valencia, 24, ng Gen. Luna, Zaragoza, Nueva Ecija. Nagmamaneho umano si Valencia sa Clamor Ave., Brgy. 171, Bagumbong nang sumingit sa kaliwa ng kanyang sasakyan ang gunman na nasa 5’5 ang taas, nakasuot ng itim at pulang cap, itim na jacket, itim na shorts at niratrat ang biktima. Agad nagkikisay si Valencia at sumalpok naman sa poste ng kuryente…

Read More

Awtoridad inalerto ng BAN toxics MEGA SALE 7.7 TALAMAK SA ILLEGAL PRODUCTS?

INALERTO ng isang grupong lumalaban para protektahan ang kalikasan at mamamayan, ang mga awtoridad hinggil sa patuloy na bentahan ng e-commerce sites sa Pilipinas ng ilegal na mga produktong may mercury o asoge na mga pampaputi ng balat. Nagsagawa ang grupong BAN toxics ng online monitoring para sa 7.7 Mega Sale ng mga online shopping platform kung saan natuklasan ng kanilang BT Patroller na si Mary Kate San Juan ang 26 produkto ng mercury-containing sphygmomanometer, 6 na mercury thermometer, at 16 mercury dental amalgam mula sa Shopee, habang ang Lazada ay mayroong…

Read More

Sa Oplan Katok at Kontra Boga LIBONG ARMAS NASAMSAM NG EPD

MAHIGIT isang libong iba’t ibang armas ang nasamsam sa “Oplan Katok” at “Oplan Kontra Boga” na maigting na ipinatupad ng Eastern Police District (EPD-PNP). Ayon kay P/BGen. Orlando Yebra Jr., EPD District Director, resulta ito ng ikinasang operasyon ng apat na police station ng San Juan, Mandaluyong, Pasig at Marikina PNP mula Enero 2021 hanggang ngayong buwan. Nakumpiska ng pulisya ang 120 piraso ng iba’t ibang kalibre ng baril sa “Oplan Kontra Boga” na isinagawa para maiwasan ang paggamit ng mga loose firearm sa krimen. Resulta rin ito ng kaliwa’t…

Read More

PEKENG RECRUITER NG SUNDALO, ARESTADO

CAVITE – Arestado ang isang gang leader na pekeng recruiter ng militar, sa Purok 3, Brgy. Santol, sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito. Kinilala ni P/Lt. Col. Victor Sobrepena ng Criminal Investigation and Detection Group ng Laguna Provincial Field Unit, ang suspek na si Mark Cris Muega alyas “Jap”. Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) na ibinaba ni Judge Luvina Padolina Roque ng Regional Trial Court ng San Pablo City, isinagawa ang manhunt operation kay Muega Base sa ulat ng mga awtoridad, nagpapakilala si Muega…

Read More

P1.5-M DROGA, BOGA NASABAT NG CIDG SA 2 TULAK

MAHIGIT P1 milyong halaga ng shabu, marijuana at baril ang nakumpiska ng pulisya sa dalawang lalaki sa isinagawang Oplan Paglalansag Omega, Oplan Big Bertha at Oplan Salikop noong Martes ng hapon sa Caloocan City. Kinilala ang mga nadakip na sina Emmanuel Joseph Bendal, 31, at Jess Noriega, 41, umano’y sangkot sa pagbebenta ng hindi lisensyadong baril at ilegal na droga sa area ng CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela). Dakong alas-5:00 ng hapon nang ikasa ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group ng Northern Metro Manila District Field…

Read More