ARESTADO ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-Quezon City District Field Unit ang isang dating reservist ng Philippine Army at isa pa sa reklamong robbery extortion na isinampa ng dating live-in partner ng isa sa mga suspek sa Fort Bonifacio, Taguig City noong Hulyo 5, 2022. Kinilala ang mga suspek na sina Brendie de Guzman y dela Cruz, sinampahan ng kasong robbery extortion at qualified theft, at Giovani Santi Magbiray y Reyes, kinasuhan ng robbery extortion. Ang mga suspek ay inaresto sa pamamagitan ng CIDG Flagship Project OPLAN…
Read MoreCategory: METRO
Isusulong sa Kamara QC ‘HOLLYWOOD OF THE PHILIPPINES’
NAIS ng isang bagitong mambabatas na ideklara ang Quezon City bilang Film and Television Arts Capital of the Philippines o bilang ‘Hollywood of the Philippines’. Sa kanyang House Bill (HB) No. 475, sinabi ni Quezon City Rep. Arjo Atayde na panahon na para kilalanin ang Lungsod Quezon bilang Kapitolyo ng film, television and arts hub ng bansa dahil dito aniya nakasentro ang nasabing mga industriya. “Nagsisilbing creative hub ang QC lalo na sa film at tv, kaya napapanahon na kilalanin at gawing opisyal. Recognizing the city as the country’s Film and Television Arts…
Read MoreSEXUAL ABUSE SA MGA MAG-AARAL PINAAAKSYUNAN
NANANATILING walang komprehensibo at mapagpasyahang aksyon sa parte ng pamahalaan para mapagtuunan ng pansin ang napaulat na isyu ng pang-aabuso, panghaharas at iba pang uri ng marahas na insidente laban sa mga estudyante ng Philippine High School for the Arts (PHSA). Nauna rito, may lumutang umanong isyu ng pang-aabuso, panghaharas at iba pang usapin ng karahasan sa PHSA. Ang nasabing patuloy na pang-aabuso ay lumabas sa artikulo ng VICE World News noong nakaraang Hunyo 28. Ayon sa Child Rights Advocates sa ilalim ng Child Rights Network (CRN), labis ang kanilang pagkabigla…
Read MoreBIHASANG OPISYAL KAILANGAN NI PBBM SA DA
ITINUTURING na matibay na pundasyon at hudyat ng mga prayoridad ng bagong administrasyon sa pagpapalago ng agrikultura ng bansa ang pamumuno ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Kagawaran ng Agrikultura. Ito’y isa ring hudyat sa pag-unlad ng sektor na pinadapa ng COVID-19 pandemic at talamak na smuggling activities, ngunit ang Pangulo ay nangangailangan ng isang operations man sa Agriculture Department na titiyak sa pagkamit ng administrasyong Marcos sa adhikaing agriculture self- sufficiency at food security, ayon sa National Coalition of Filipino Consumers (NCFC). Sinabi pa ng grupo, maaaring hindi…
Read MorePULIS SIBAK SA PAMAMARIL SA QC
SINIBAK sa serbisyo ng Quezon City People’s Law Enforcement Board (PLEB) ang isang pulis dahil umano sa pamamaril sa isang lalaki habang umiiral ang election gun ban sa Barangay Greater Lagro, Quezon City. Sa 10-pahinang desisyon, hinatulang guilty ng PLEB si PSMS Chester Garchitorena ng Conduct Unbecoming of a Police Officer at Grave Misconduct, ayon kay Atty. Rafael Calinisan, Executive Officer ng PLEB. Sinabi ni Calinisan na si Garchitorena, na nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame, ay tumanggap ng parusa na dismissal sa serbisyo na…
Read MoreMARCOS WALA PANG NAPIPISIL NA PNP CHIEF
POSIBLENG ma-extend pa ng ilang linggo si Police Lt. General Vicente Danao Jr., bilang Officer-in-Charge ng Philippine National Police. Ilang araw na ang nakalipas mula nang opisyal na nanungkulan bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas si Presidente Ferdinand Bongbong Romualdez Marcos Jr., ay hindi pa naghahayag ang Malacanang kung sino ang itatalagang chief PNP ng administrasyon nito. Inihayag ni Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na maaaring abutin pa ng ilang linggo bago maitalaga ang unang hepe ng Pambansang pulisya sa sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. Ayon…
Read MoreMayor wapakels sa face mask? ACTIVE COVID CASES SA VALENZUELA SUMIPA
SUMIPA sa 47 ang active COVID-19 cases sa Valenzuela City batay sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) matapos na 13 ang nagpositibo sa virus at isa lamang ang gumaling. Ayon sa ulat ng CESU, hanggang 11:59 ng gabi ng Hulyo 4, sa nasabing 47 ay 34 ang naka-home quarantine, siyam ang nasa isolation facility at apat ang naka-admit sa ospital. Pumalo na sa 44,241 ang cumulative confirmed COVID cases sa lungsod, at dito ay 43,257 na ang gumaling at 937 ang namatay. Samantala, sa gitna ng…
Read MoreDENGUE CASES TUMAAS PA – DOH
MAS tumaas pa ang bilang ng mga kaso ng dengue ngayong taon kumpara sa nakalipas na kaparehong panahon noong 2021. Ayon sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH), mayroong 51,622 dengue cases na iniulat mula Enero 1 hanggang Hunyo 18, 2022. Sa kabuuan, ang mga kaso sa taong ito ay 58% na mas mataas kumpara sa mga naiulat na kaso sa parehong panahon noong 2021 (32,610). Karamihan sa mga kaso ng dengue ay iniulat mula sa Region III: 6,641 (13%); Region VII: 6,361 (12%), at Region IX: 4,767 (9%). Sa…
Read MoreBULONG PALIT PWESTO TABLADO KAY CONG. SANDRO
HINDI makikialam at walang planong sumawsaw ang kongresistang presidential son sa usapin ng pagtatalaga ng mga posisyon at chairmanship ng mga komite sa Kongreso. Pag-amin ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, may ilan na aniyang kapwa kongresista ang nagtangkang lumapit at nakiusap sa kanya para maitalaga sa pwesto o makasungkit ng isang komite sa Kamara. “Hindi ako nakikialam sa anumang appointment especially in Congress,” pahayag ng batang Marcos sa ambush interview kahapon matapos dumalo sa orientation seminar para sa mga bagitong mambabatas. Sa datos ng Kamara, tanging ang pwesto ng…
Read More