RE-ROUTING SA INAGURASYON NI PBBM PINASIMULAN NA

INIHAYAG ng pamunuan ng Philippine National Police na pinasimulan na nila kahapon ng umaga ang implementasyon ng rerouting scheme bilang paghahanda sa inauguration ni President-elect Ferdinand ‘Bong Bong’  Marcos Jr. sa Hunyo 30, 2022 na bahagi ng inilatag na security plan. Bahagi sa pagtiyak na magiging maayos ang makasaysayang panunumpa sa tungkulin ni PBBM bilang ika-17 Pangulo ng bansa, ay sinimulan nang isara nitong Linggo  ang ilang kalsada sa paligid ng National Museum sa lungsod ng Maynila gayundin ang Padre Burgos Avenue na nasa harapan ng pambansang museo. Kasabay ring…

Read More

PAGPAPALAKAS SA HEALTHCARE SYSTEM IGINIIT NI SEN. GO

BINIGYANG-DIIN ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go ang kahalagahan ng pagpapalakas ng healthcare system ng bansa, kasabay nang pagpuri sa ginawang pag-upgrade sa mga lokal na pagamutan sa lalawigan ng Iloilo. Birtwal na dumalo si Sen. Go sa inagurasyon ng Western Visayas Sanitarium and General Hospital (WVSGH) sa Santa Barbara at Don Jose S. Monfort Medical Center sa Barotac Nuevo (DJSMMC), kapwa sa lalawigan ng Iloilo. Sa kanyang video message, sinabi ni Go na, “Ipinaglaban po natin ito sa Senado dahil alam ko kung gaano ninyo kailangan ito. Sabi ko nga,…

Read More

CALOOCAN BJMP, BARANGAY TINURUANG MAGTANIM

MATAPOS ang mga pulis, mga miyembro naman ng Bureau of Jail Management and Penology at mga barangay sa Lungsod ng Caloocan ang sumailalim sa urban agriculture seminar. Sa pangunguna ng mga kawani ng People’s Law Enforcement Board at Caloocan City Parks and Administration Services, binigyan ng kaalaman ang mga dumalo hinggil sa tamang proseso ng pagtatanim maging sa siyudad. Layunin ng programang ito na patuloy na itaguyod ang urban agriculture project sa Lungsod ng Caloocan na malaki ang maitutulong sa kabuhayan at pagkain ng mamamayan. Noong 2020 ay lumagda si Mayor…

Read More

MAGDYOWA TIKLO SA P.7-M DROGA, ARMAS

IBINALIBAG sa magkahiwalay na selda ang sinasabing magdyowang tulak ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng halos P.7 milyong halaga ng shabu at baril sa buy-bust operation sa Caloocan City. Arestado sina Raymond Ejara, 36, at Arlene Gaspang, 24, kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, habang may karagdagang kasong illegal possession of firearms and ammunition laban kay Ejara. Bandang alas-1:30 ng gabi noong Biyernes nang isagawa ang operasyon laban sa mga suspek sa Phase 8B, Kaagapay Road, Barangay 176 kung saan isang undercover ang nakaiskor ng P37,500…

Read More

WANTED SA ATTEMPTED MURDER ARESTADO

HUMANTONG sa karsel ang isang babaeng wanted sa kasong attempted murder nang inguso sa Navotas City. Ibinalibag sa selda si Mirasol Carabio, 34, may asawa, ng Brgy. North Bay Boulevard North, ng lungsod. Napag-alaman, may nagnguso sa mga parak na naispatan si Carabio sa kanilang lugar kaya nagsagawa ang mga pulis ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa kanilang bahay dakong ala-1:05 ng hapon noong Biyernes. Hinuli si Carabio sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Emmanuel D. Laurea ng Regional Trial Court  Branch 169,…

Read More

NPA NAPATAY SA SAGUPAAN SA SURIGAO DEL SUR

CARMEN, Surigao del Sur – Patay ang isang kasapi ng New People’s Army kasunod ng naganap na engkwentro  sa pagitan ng mga tauhan ng 36th Infantry (Valor) Battalion ng Philippine Army at teroristang grupo sa kabundukan ng Lahi, Bagsac, sa bayan ng Madrid, sa lalawigang ito. Sa naturang engkwentro ay nakasagupa ng 36IB ang tinatayang 12 CPP-NPA kadre na pinamumunuan ni Noel Tumarlas Alacre. Una rito, nakatangap ng intelligence information ang mga sundalo sa ilang residente hinggil sa presensiya ng mga armadong NPA. Naglunsad agad ng combat patrol operation ang…

Read More

‘PALPAK’ NA SERBISYO NG IT CONTRACTOR NG LTO BINANATAN NG NETIZENS

MAINIT ngayon ang netizens sa Information Technology (IT) Contractor ng Land Transportation Office (LTO) na Dermalog dahil sa kapalpakan umano ng serbisyo nito. Hindi napigilan ng netizens na batikusin sa social media ang banyagang contractor makaraang maglabas ito ng video na nagsasaad na ginawa nilang “state of the art,” at ligtas ang technology platform ng LTO na Land Transportation Management System (LTMS). Sa naturang video, ipinagmalaki pa na mas makatitipid ang publiko dahil mas mabilis at episyente na ang sistema sa LTO dahil sa bagong teknolohiya. Kinontra ito ng isa…

Read More

FLOAT NG MPD NAGWAGI SA 451ST ANNIV NG MAYNILA

NAGWAGI mula sa 14 na kalahok ang float ng Manila Police District sa parada sa isinagawang pagdiriwang ng ika-451 anibersaryo ng Araw ng Maynila nitong Biyernes ng umaga. Unang parangal na may pabuyang P40,000 ang nakamit ng MPD, ayon sa ulat ni P/Major Philipp Ines, hepe ng Public Information Office (PIO) ng MPD. Nagsimula bandang alas-8:00 ng umaga ang parada at nilibot ang buong siyudad ng Maynila. Sa kabuuang 14 na lumahok sa parada ay nanalo sa unang puwesto ang float ng MPD. Ang naturang paligsahan ay pinamunuan ni P/Col.…

Read More

60 NEW BI OFFICERS, ITATALAGA SA NAIA

MAGTATALAGA ang Bureau of Immigration (BI) ng mahigit sa 60 newly-hired immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para makatulong sa bilang ng personnel na nagsasagawa ng pangunahing inspection ng international travelers na parating at palabas sa pangunahing port ng bansa. Ayon sa pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente, ang kabuuang 63 immigration officers ay matatapos na sa susunod na linggo sa isang buwang pagsasanay sa immigration laws, rules and procedures sa Philippine Immigration Academy sa Clark, Pampanga. Sinabi pa ni Morente, ang 63 personnel ay kabilang sa 195 recently-hired BI…

Read More