HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang mga paaralan at mga lokal na pamahalaan na paghandaan na ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccine booster shots sa mga menor de edad o ‘yung nasa 12 hanggang 17 taong gulang. Ito ay matapos aprubahan ng Department of Health ang paggamit sa Pfizer-BioNTech vaccine bilang booster dose sa naturang age group. Ayon kay Gatchalian, dagdag proteksyon ang naturang booster shots sa mga menor de edad, lalo na’t pinaghahandaan na ng Department of Education (DepEd) ang ganap na pagbabalik ng face-to-face classes. Binigyang diin din ng…
Read MoreCategory: METRO
HUNYO 24 IDINEKLARANG HOLIDAY SA MAYNILA
IDINEKLARA ng Malakanyang ang Hunyo 24, 2022, araw ng Biyernes bilang special non-working day sa lungsod ng Maynila. Ito’y kaugnay ng pagdiriwang sa ika-451 anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod. Ang holiday declaration ay nilagdaan noong Hunyo 22 ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ang kopya ay ipinalabas ng Malakanyang nitong Miyerkoles. “It is but fitting and proper that the people of the city of Manila be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion with the appropriate ceremonies, subject to the public health measures of the government,” ang nakasaad…
Read MoreGINANG KALABOSO SA INVESTMENT SCAM
SWAK sa selda ng National Bureau of Investigation ang isang ginang na umano’y sangkot sa investment scam makaraang arestuhin sa Kawit, Cavite. Kinilala ni NBI Director Eric Distor ang suspek na si Mary Ann Tee Hernandez. Base kay Director Distor, nag-ugat ang pagdakip sa ginang dahil sa mga reklamo ng mga biktima nito sa investment scam sa pamamagitan ng pag-solicit at pagtanggap ng pera bilang investment sa kanyang “non-existent business.” Sa social media umano nakakukuha ng bibiktimahin si Hernandez na nagpapakilalang may-ari ng Frontier Freight Forwarders (Frontier), isang lehitimong negosyo na humahawak ng…
Read MoreGUANZON AYAW TANTANAN
TILA ayaw tantanan ng kanyang mga kritiko sa Kamara si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon matapos bakbakan ang kanyang panunumpa bilang kinatawan ng P3PWD party-list. Si Guanzon ay pormal na nanumpa kay Court of Appeals Justice Edwin Sorongon kahapon bilang kinatawan ng party-list organization ng mga people with disabilities (PWD) sa Kamara. Ang panunumpa ni Guanzon ay ginawa ilang oras bago ibasura ng Comelec ang tangkang pagharang ni National Youth Commission (NYC) chairman Ronald Cardema sa kanyang substitution. Sa kabila nito, kinuwestiyon ni Duterte Youth party-list Rep.…
Read MoreNIA KINILALA SA PAGSUSULONG, PAGPAPAUNLAD NG SISTEMA NG IRIGASYON
KINILALA ni Senator Cynthia A. Villar ang mga nagawa ng National Irrigation Administration (NIA) upang maisulong at gabayan ang pag-unlad ng sistema ng irigasyon sa bansa. Sa kanyang pananalita sa 59th Anniversary celebration ng NIA, tinukoy ni Villar ang sama-samang pagtataguyod nina NIA Administrator Bong Visaya at ang kanyang team, at ang samahan ng mga magsasaka at irrigators sa pagsusulong sa higit na paglago ng ating sistema sa irigasyon at pagtulong sa mga magsasaka at komunidad. “It takes both knowledge in efficient engineering to develop and maintain irrigation systems in…
Read MoreDATING PILOTO NABITAG NG CIDG SA KIDNAPPING
ARESTADO ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group sa manhunt operation ang isang suspek sa kidnapping sa Hobbies of Asia, Pasay City noong Hunyo 21, 2022. Ayon sa ulat ni CIDG-RFU-NCR Director Police Colonel Randy Glenn Silvio kay PNP-CIDG Chief Police Maj. General Eliseo DC Cruz, kinilala ang nadakip sa ikinasang CIDG Flagship Project OPLAN PAGTUGIS and OPLAN SALIKOP, na si Nino Jorino Ocampo Ledesma alyas “Jino Ledesma”, nasa hustong gulang, dating piloto ng AirAsia at residente ng San Jose, Alabang, Muntinlupa City. Napag-alaman, nagsagawa ng manhunt operation ang…
Read MoreSa mga kaso ng Now Telecom, Newsnet DESISYON BINAWI NG ARTA
BINALIKTAD ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang posisyon ng nasuspindeng director general nito na si Jeremiah B. Belgica at iba pang opisyal sa pamamagitan ng pagsasaisantabi sa nauna nang ibinigay nito na Declaration of Completeness and Order of Automatic Approval. Sa magkahiwalay na resolusyon ng ARTA na may petsang Hunyo 17, 2022, binawi nito ang dati nang pagpabor nito sa magkahiwalay na reklamo na inihain noon ng News and Entertainment Network Corporation (Newsnet) and Now Telecom Company, Inc. (NOW Telecom). Ang mga resolusyon ay pirmado mismo nina Officer-In-Charge Anti-Red Tape…
Read MoreLIBRENG SAKAY HANGGANG HUNYO 30 NA LANG – LTFRB
TULUYAN nang tutuldukan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang programang Libreng Sakay sa hudyat ng pagbaba sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30,2022. Partikular na tinukoy ng LTFRB ang libreng sakay sa mga tren ng Metro Rail Transit – Line 3 at sa mga pampasaherong jeep na bumibiyahe sa nalalabing 28 ruta sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila. Katwiran ng ahensya – ubos na ang pondo para sa naturang programa. Ayon sa LTFRB, nasaid na ang P7-bilyong pondong mula sa national government. Anila, nasa…
Read MoreP11-B SHABU, NILUSAW NG NBI
NILUSAW ng National Bureau of Investigation ang P11 bilyong halaga ng shabu, itinuturing na pinakamalaking ilegal na droga na nasabat sa bansa sa operasyon sa Infanta, Quezon noong Marso 15, 2022. Ayon sa ulat ni NBI Director Eric Distor, sa memorandum na isinumite ng NBI Forensic Chemistry Division (NBI-FCD), ang P11 bilyong halaga ng shabu ay kabilang sa mga ebidensyang nilusaw, ayon sa utos ng Regional Trial Court. Ang paglusaw sa nasabing ilegal na droga ay tinunghayan ng mga kinatawan ng Philippine Drug Enforcement Agency, NBI-Forensic chemists, na kabilang sa…
Read More