EXPANDED NUMBER CODING IBINASURA NG MMDA

PARA sa Metro Manila Development Authority (MMDA), walang pangangailangan na palawakin ang kasalukuyang number coding scheme ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahilan naman ng pagkabawas sa bilang ng mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan. Sinabi ni MMDA Chairman Rolando Artes na habang ang mga sasakyan sa EDSA ay umabot na sa “above” pre-pandemic levels na 417,000 noong Mayo 5, bumaba na ito sa 390,000 “as of this week.” “Sa ngayon, wala tayong plano na magpatupad ng expanded number coding scheme dahil nakikita namin na walang pangangailangan…

Read More

PFIZER BOOSTER VACCINE SA EDAD 12-17 APRUB NA

INAPRUBAHAN na ng Department of Health (DoH) ang pagbibigay ng unang Pfizer booster sa edad 12 hanggang 17 taong gulang. Ito ang pagkumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nang tanungin ng mga mamamahayag kung aprubado na ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagbibigay ng nasabing booster shot na Pfizer sa mga menor de edad. Ayon kay Vergeire, binabalangkas na ng DOH ang guidelines nito at sa lalong madaling panahon ay mailalabas na. Maalala na ang paggamit o pagtuturok ng Pfizer vaccine para sa booster shots ng nasabing age group ay…

Read More

DAR SEC. CRUZ NAIS PAMUNUAN ANG PEACE PROCESS OFFICE

PARA magkaroon ng kapayapaan, muling sinabi ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Bernie Cruz na nais niyang pamunuan ang Peace Process office ng incoming administration. Sa telephone interview, sinabi ni Cruz na kung mabibigyan siya ng pagkakataon ni President Ferdinand Marcos Jr., tiniyak nito na makatutulong siya para sa peace process at gusto niyang pamunuan ito upang matapos na ang gulo. Magtatapos ang termino ni Cruz bilang DAR chief sa darating na Hunyo 30, ang huling araw rin ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte. “Nais kong pamunuan ang peace…

Read More

2.8M SENIORS ‘DI PA BAKUNADO

MAHIGIT 2.8 million senior citizens sa Pilipinas ang hindi pa nababakunahan ng COVID-19 vaccines bukod sa milyon-milyon umano ang hindi pa tumatanggap ng booster shot. Ito ang nabatid mula kay Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo Ordanez kaya umapela ito sa kanyang mga kapwa senior na magpabakuna na upang magkaroon ng proteksyon at tuluyang makawala ang bansa sa pandemya. “There are still 23% of the A2 population (senior citizens) who are not fully-vaxxed and many more not boosted, according to the latest DOH (Department of Health) data,” ayon sa mambabatas. Base…

Read More

SOLON NAGBABALA SA HINDI MAKONTROL NA PRESYO NG AGRI PRODUCTS

INAASAHANG mas lolobo pa ang presyo ng agri-products sa merkado kabilang ang lokal na karne ng baboy at manok dahil sa patuloy na pagtaas ng inflation rate sa bansa na halos umabot sa 40%, bunsod na rin ng giyera sa pagitan ng bansang Ukraine at Russia. Ito ang inamin ni AGAP Party-list at Presidente ng Federation of Pork Producers of the Philippines, (The Agricultural Sector Alliance of the Philippines) Congressman Nicanor Briones. Sinabi ni Cong. Briones na malala ang pagkalugi ng mga nag-aalaga ng baboy at manok dahil nahaharap ang…

Read More

KOREANO TIMBOG SA TELCO FRAUD

NAKATAKDANG ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang arestadong South Korean na pugante at wanted ng mga awtoridad sa kanilang bansa dahil sa telecommunications fraud. Ayon sa report kay BI Commissioner Jaime Morente ng bureau’s Fugitive Search Unit (FSU), kinilala ang Koreanong 42-anyos na si Jung Inhyeok, naaresto noong Hunyo 13 sa Brgy. Poblacion, San Fernando, Cebu. Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of deportation na inisyu ni Morente ayon sa summary deportation order ng BI board of commissioners na ipinalabas laban kay Jung noong nakaraang taon. Ayon sa…

Read More

150 PAMILYA HAGIP NG SUNOG SA PARAÑAQUE

TULIRO ang nasa 150 pamilya matapos lamunin ng apoy ang isang malawak na kabahayan sa lungsod ng Parañaque kahapon ng madaling araw. Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dalawa katao ang iniulat na nasaktan sa insidenteng tumupok sa tinatayang 80 bahay na pawang yari sa light materials sa Barangay San Isidro, sa kahimbingan ng tulog ng mga residente bandang alas-2:00 ng madaling araw. Pasado alas-4:00 ng madaling araw nang idineklarang “fire-out” ng nagrespondeng mga bumbero ang naturang sunog. Pansamantala naman inilagak ang mga pamilyang nawalan ng bahay…

Read More

PINOY NURSE NA GUSTONG MAGTRABAHO SA US DUMARAMI

PARAMI nang parami ang mga Filipino registered nurse ang gustong magtrabaho sa United States (US) kung saan mas malaki ang sahod kumpara sa Pilipinas. Ayon kay Cebu Rep. Eduardo Gullas, umabot sa 3,713 ang kumuha ng National Council Licensure Examination (NCLEX) mula Enero hanggang Marso ng taong kasalukuyan. Mas mataas umano ito ng 147 percent kumpara sa 1,501 na kumuha ng NCLEX sa parehong panahon noong 2021 kahit pa nagbabayad ang mga ito ng US$200 bilang exam fees. “Since passing the NCLEX is usually the final step in America’s nurse licensure…

Read More

LIMITASYON SA 2ND BOOSTER KINUWESTYON

HININGAN ng komento ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang National Vaccination Operations Center (NVOC) at Health Technology Assessment Council (HTAC) kung bakit ang ikalawang COVID booster ay ibinibigay lamang sa piling grupo. Sa kanyang liham, binigyang-diin ni Tiangco na maraming Navoteño na payag masaksakan ng second booster shot ngunit hindi pa “eligible” ayon sa mga panuntunan ng Department of Health (DOH). Nakasaad sa DOH Memorandum No. 2022-0206 na bukod sa immunocompromised individuals, tanging senior citizens at frontline healthcare workers ang maaaring bigyan ng second booster ng Moderna at Pfizer vaccines.…

Read More