TULOY-TULOY lang ang ayuda ng ACT-CIS Party-list sa mahihirap at mga nangangailangan na kababayan. Sa isang panayam, sinabi ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap, “hindi titigil ang pagbibigay ng ayuda ng grupo kahit wala na sa ACT-CIS si Sir Erwin Tulfo.” Matatandaang si Tulfo ay itinalaga ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos bilang bagong kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ayon kay Yap, Si Cong. Jeff Soriano na ang magpapatakbo ng ACT -CIS Action Center. Ani Yap, “tuloy ang pagbibigay nila ng mga gamot, hospital and burial assistance”…
Read MoreCategory: METRO
BAGONG COVID-19 CASES PUMALO SA HALOS 600
TALIWAS sa inaasahan, mas maaga pa sa pagtataya ng mga dalubhasa ang naitalang paglobo ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19, batay na rin sa datos ng Department of Health (DOH). Sa 585 bagong kumpirmadong kaso inilabas ng DOH nitong nakalipas na araw ng Sabado – ang pinakamataas mula Abril – nangunguna ang National Capital Region (NCR) kung saan lagpas pa sa target ang pasok sa kategorya ng bakunado. Kabilang rin sa mga may mataas na bilang ng mga bagong kumpirmadong kaso ang Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), Western…
Read More4S’ IPINAALALA KONTRA DENGUE
BINALAAN ang publiko ng pamunuan ng Philippine Red Cross (PRC) hinggil sa dulot ng mapanganib na dengue fever ngayong tag-ulan at pinayuhan ang mga Pilipino na mag-ingat, gayundin ay makipagtulungan sa mga interbensyon sa kalusugan upang maiwasan ang mga hotspot. Paalala ng PRC sa publiko na sundin ang “4S” protocol laban sa dengue: “search and destroy” mosquito-breeding sites, employ “self-protection measures, “seek early consultation” and “say yes to fogging/spraying operations.” “(For) search and destroy: cover water drums and pails; replace water in flower vases once a week; clean gutters of leaves…
Read MoreAGRICULTURAL MODERNIZATION NAKASALALAY SA NIA
NAKASALALAY sa National Irrigation Administration (NIA) ang agricultural modernization sa bansa na panlaban umano sa makulimlim na ekonomiya ng mundo. Ayon kay House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda, kailangang maisaayos ang pamamalakad sa NIA upang mapalawak ang coverage nito at magkaroon ng tuloy-tuloy na supply ng tubig sa mga irigasyon sa bansa. “The main problems in the Philippine agriculture sector are that there is not enough good irrigation and water management in the country, and that resources and government support are not devoted to the proper sectors,” ayon…
Read MorePCOO ASEC, 4 PA KINASUHAN
TINULUYAN nang sinampahan ng kaso ng dating actor/model ang isang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at apat na kasamahan nito dahil sa kabiguan ng mga itong bayaran ang P2.9 milyong kontrata sa isang proyekto noon pang 2018. Kamakalawa ay isinampa ng negosyante at dating actor/model na si Karl Ipong sa tanggapan ni Manila RTC Asst. City Prosecutor Gerald Co ang kasong estafa laban kay PCOO Asec. Ramon Cualoping III at sa mga kasamahan niyang sina Karl Louie Fajardo, Mary Joy Javines at Luz Cabrera at ang dating tauhan ni…
Read MoreInihanay sa ASG, Islamiyah leaders JALANDONI ITINUTURING NANG TERORISTA
TINAWAG na terorista ng Anti-Terrorism Council ang anim na high-ranking communist leaders na kinabibilangan ni National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultant Luis G. Jalandoni kasama ang limang figureheads ng Abu Sayyaf Group at Daulah Islamiyah matapos ang masusing beripikasyon at balidasyon. Sa kalatas ng ATC, ang nilagdaan na dalawang resolusyon ni ATC Vice-Chairperson Hermogenes Esperon, Jr. noong Mayo 25, 2022, ay alinsunod sa Section 25’s Paragraph 3 ng RA 11479 o Anti-Terrorism Act (ATA) of 2020, na nagsasaad na “The ATC may designate an individual, group of persons,…
Read MorePAGTATAYO NG ‘FOSSIL GAS’ TINUTULAN
“FOSSIL gas will not make our world better!” Ito ang ipinahayag ng consumers, environmental and energy advocacy groups kaugnay ng plano umanong pagtatayo nito ng San Miguel Corporation (SMC) sa ginanap na Annual Stockholders meeting nitong Miyerkoles. Dahil dito ay lumusob ang grupong Power for People Coalition (P4P) at Protect VIP sa SMC headquarters na may dalang San Miguel beer cans na kinortehan ng ‘fossil gas plant’ upang ihayag na ang SMC ay hindi lamang ‘iconic’ sa kanilang beer, kundi sila rin ang biggest developer ng fossil gas sa Pilipinas at…
Read MorePAGPUPUSLIT SA BANSA NG P4-M CARROTS MULA CHINA NAPIGILAN NG BOC
NAKUMPISKA ng Bureau of Customs (BOC) noong Martes ang may P4-milyong halaga ng illegally imported na carrots sa Manila International Container Port (MICP) matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa pagpasok ng mga misdeclared agricultural products doon. Nabatid na nakatanggap ang Customs’ Intelligence Group (IG) at Customs Intelligence and Investigation Service-MICP ng “derogatory information” hinggil sa shipment na posibleng smuggled agricultural products, partikular na ng carrots, mula sa China. Kaagad namang nag-request ang grupo ng Special Stop order, na nilagdaan ni MICP District Collector Romy Allan Rosales, upang ma-eksamin ang shipment,…
Read MoreNLEX NAGLAAN NG P1.2-B PARA SA TECHNOLOGY SYSTEM
NAGLAAN ang North Luzon Expressway Corporation ng P1.2 bilyon sa capital expenditures nito ngayong taon upang mapahusay at mapanatili ang kanilang sistema habang patuloy nitong binabago ang mararanasan ng mga motorista na dumadaan sa nasabing expressway. Ang nasabing tollway company ay nagtatakda ng iba’t ibang mga hakbangin para i-upgrade ang imprastraktura nito, sistema ng pagkolekta ng toll, at sistema ng pamamahala ng account. Ang mga proyektong ito na kinabibilangan ng pag-upgrade ng core system at kagamitan nito bukod sa iba pa, ay makatutulong sa pagpapabuti ng pagproseso ng mga transaksyon sa…
Read More