ARESTADO ang lima katao sa ikinasang Flagship Projects OPLAN OLEA and SALIKOP ng PNP Criminal Investigation and Detection Group dahil sa pagkakasangkot sa cybersex operation sa Heroes Del 96, Caloocan City noong Martes ng hapon. Ayon sa ulat na isinumite ni CIDG-RFU-NCR Director Police Colonel Randy Glenn Silvio kay PNP-CIDG Chief, Police Maj. General Eliseo DC Cruz, kinilala ang mga suspek na sina Carlos Carpio y Aquino alyas “Carla”, 25, gay; John Vincent Angeles y Agulto, 10, gay; Michael Legazpi, 18, gay; Joel Pascual, 24, gay; at Marc Ryan Carpio y Aquino,…
Read MoreCategory: METRO
NATIONAL ACADEMY OF SPORTS MAIN CAMPUS ININSPEKSYON NINA PRRD, SEN. GO
SINAMAHAN ni Senator Christopher “Bong” Go si Pang. Rodrigo Duterte sa pag-inspeksyon sa National Academy of Sports sa New Clark City, Capas, Tarlac kamakalawa nang maimbitahan ang Pangulo bilang guest of honor at speaker para sa naturang event. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Duterte na matagal nang pangarap ni Go, noong aide pa niya ito, na makapagtayo ng isang sports complex sa bansa na magpapasilidad sa pagsasanay sa mga aspiring athlete, kasabay ng pagbibigay sa mga ito ng de-kalidad na edukasyon. “At the time he was an aide, dream niya…
Read MoreNasa BI lookout bulletin NANAGASA NG SEKYU SUMUKO
NAPILITAN nang lumantad kahapon ang SUV driver na nanagasa ng isang security guard sa Mandaluyong City kamakailan, matapos maglabas ng ultimatum si Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. na dakpin ang suspek oras na hindi pa ito lumutang. Kinokonsidera ngayon ni Lt. Gen. Danao na “case solved” na ang kaso ng hit-and-run sa security guard na nagmamando ng trapiko sa lugar, makaraang personal na humarap sa kanya sa Camp Crame kahapon ng tanghali ang pangunahing suspek sa insidente. Dumulog sa tanggapan ng heneral si Jose Antonio…
Read MoreHK-BOUND COCAINE NA-INTERCEPT SA NAIA
NA-INTERCEPT sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Hong Kong bound cocaine na tinatayang P2.358 milyon ang halaga. Ayon sa impormasyong nakalap ng pahayagang ito, nakatakdang ipuslit ang ilegal na droga patungong Hongkong at idineklara bilang motorcycle mufflers, brake pads at radiator hose. Itinago ang ilegal na droga sa loob ng motorcycles mufflers upang malayang makalabas sa bansa sa lalong madaling panahon. Agad namang ikinasa ng dalawang ahensiya ng pamahalaan ang hot pursuit operation laban sa…
Read MoreDE LIMA, SASALANG SA MAJOR OPERATION
SASALANG sa major operation si Senadora Leila de Lima ngayong buwan. Kinumpirma ni Atty Filibon Tacardon, legal counsel ni De Lima na kailangang tanggalin ang ilang bahagi ng uterus ng mambabatas. Sinabi ni Tacardon na hiniling na nila sa dalawang korte na humahawak ng kaso ng senadora na pagbigyan ang kanilang petisyon para sa medical leave mula Hunyo 19 hanggang Hunyo 25 para maisagawa na ang surgery. Pinagbigyan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 ang petisyon noong Lunes, habang hindi pa nagdedesisyon ang Branch 256. “It is about the…
Read MoreSENATOR-ELECT PADILLA, HANDA NA SA DEBATE SA SENADO
SUMAILALIM na sa briefing ng Senado si Senator-Elect Robin Padilla bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa pagtupad sa bagong tungkulin sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso. Nagtungo sa Senado si Padilla at sumalang sa briefing ni Senate Deputy Secretary for Legislation Edwin Bellen, nitong Martes ng umaga. Samantala, muling kinumpirma ni Padilla na ang panukala para sa pagbabago ng saligang batas partikular ang pagsusulong ng Pederalismo ang kanyang prayoridad sa 19th Congress kasabay ng paghimok sa publiko na yakapin ang charter change dahil ito na ang kailangan ng bansa kung…
Read MorePAGGAMIT NG ORGANIC FERTILIZER ISINUSULONG NI VILLAR
SANHI ng masasamang gawain na nakapagpababa ng 38% sa sustansya ng lupa, isinusulong ni Sen. Cynthia A. Villar ang composting at paggamit ng organic fertilizer upang pangalagaan ito. Sa kanyang video message sa 71st anniversary ng Bureau of Soils and Waste Management (BSWM), binigyan diin ni Villar ang paggawa ng organic fertilizer mula sa agricultural residues gaya ng tangkay ng palay at mais, dumi ng mga hayop, at iba pang bagay na maaaring ipalit sa inorganic/synthetic o chemical fertilizers. “You are one with us in actively promoting organic farming methods…
Read MoreANTI-OVERLOADED TRUCK SCHEME IPATUTUPAD SA MANILA NORTH ROAD
(ELOISA SILVERIO) Mahigpit na pagpapatupad at pagsunod sa anti-overloading truck scheme ang unang pagtutuunan pansin ni Bulacan Fifth District Congressman-elect Mayor Ambrosio “Boy” Cruz Jr. ng Guiguinto, Bulacan para masolusyunan ang pagkasira ng national highways. Sa panayam kay Cruz, pangulo ng Bulacan Mayors League, sinabi nito na magsasagawa siya ng isang dialogue kasama ang samahan ng mga hauler o truckers association partikular na yaong mga dumadaan sa Manila North Road kilala bilang dating Macarthur Highway upang talakayin at resolbahan ang dulot nitong problema sa pagkasira ng mga kalsada. Nauna rito…
Read MoreLISENSYA NG NANAGASANG SUV DRIVER KANSELADO NA
KANSELADO sa loob ng 90 araw ang driver’s license ng nanagasang motorista sa Mandaluyong City kamakailan. Sa ulat, kinansela ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ni Jose San Vicente kaugnay ng kanyang hindi paglutang matapos sagasaan ang isang security guard sa Mandaluyong City. Sa pahayag ng LTO, epektibo sa loob ng 90 araw ang preventive suspension. Batay rin sa beripikasyon ng LTO, mayroon nang record si San Vicente ng tatlong apprehensions for reckless driving noong 2010, 2015, at 2016. Nakita rin na responsable ito sa kasong reckless driving at…
Read More