LAUDIANGCO MANANATILI BILANG COMELEC SPOX

MANANATILING tagapagsalita ng Commission on Elections (Comelec) si Director John Rex Laudiangco. Nakasaad ito sa memorandum na nilagdaan ni Acting Comelec Chairperson Socorro Inting na may petsang Hunyo 10 ngunit inilabas lamang nitong Lunes, Hunyo 13. Si Laudiangco ay nagsilbing tagapagsalita ng Comelec sa sandaling panunungkulan ni dating Comelec chief Saidamen Pangarungan. Si Pangarungan ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 9 ngunit ang kanyang appointment at apat na iba pa ay na-bypass ng Commission on Appointments. Si Inting ang itinalagang acting poll chairperson bilang pinaka-senior sa mga nakaupong…

Read More

198 LIVE TARANTULAS NASABAT SA NAIA

NA-INTERCEPT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 198 pirasong live tarantulas na tinangkang palusutin nang walang permit mula sa pamahalaan. Ayon sa report, ang endangered species (tarantulas) ay idineklara bilang mga thermos mug, at nakatakdang dalhin sa bansang Italy. Ngunit sa isinagawang 100 percent examination ng X-ray Inspection Project ng Customs Enforcement and Security Services (ESS), nadiskobre na taliwas ang naging deklarasyon ng exporter, sapagkat ang laman ng package ay iba’t ibang klase ng tarantulas. Agad na isinailalim sa seizure and forfeiture proceedings ang…

Read More

LORENZANA HINIMATAY SA INDEPENDENCE DAY RITE

NAHILO at hinimatay si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana sa 124th Independence Day celebration sa Luneta Park nitong Linggo ng umaga, na agad na isinakay sa naka-standby na ambulansya. Si incoming Manila Mayor Honey Lacuna na isang doktor, ang isa sa mga nagtakbo sa 71-anyos na si Lorenzana sa ambulansya na naka-park malapit sa lugar ng pagtitipon kung saan naroon din si Pangulong Rodrigo Duterte at ilang cabinet officials na dumalo sa selebrasyon. Agad din namang itinuloy ang pagdiriwang matapos na umalis ang ambulansya sakay ang kalihim. Habang…

Read More

NAVOTAS TECH-VOC GRADS BINIGYAN NG TOOL KITS

PINANGUNAHAN ni Navotas Congressman John Rey Tiangco, kasama si Rolando Dela Torre, District Director ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-CAMANAVA) ang pamamahagi ng tool kits sa Navoteño tech-voc graduates kamakailan. Umabot sa 48 pumasa sa Bread Making Leading to Bread and Pastry Production NC II ang tumanggap ng oven and baking tools gaya ng ng digital weighing scale, mixing bowl, at measuring cup and spoon sa ilalim ng Special Training for Employment Program. Ang ipinamahaging tool kits ay may halagang P5,000 bawat isa. Ang mga benepisyaryo ay nagsanay…

Read More

PAG-VETO SA VAPE BILL GIIT KAY DUTERTE

NAGKAISA ang mga magulang at cause-oriented youth groups sa panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang pinagsamang House Bill 9007 at Senate Bill 2239 o ang Vaporized Nicotine Products Regulation Bill, o mas kilala bilang “Vape Bill.” Ang nasabing bill ay parehas nang niratipikahan ng dalawang Houses of Congress noong Enero para maipasa Malacañang.  Subalit, may mga ulat na may mga taktikang isinasagawa para mabawasan ang oras ng pangulo na mapag-aralan ang lehislasyon. “As concerned parents, we are now sounding the alarm, Mr. President. Time is ticking. Call on Congress to…

Read More

PONDO SA RH LAW HILING IPRAYORIDAD

ISINISI ng isang mambabatas sa Kamara ang 51% unintended o hindi sinasadyang pagbubuntis sa Pilipinas, sa kakarampot na pondo na inilaan sa implementasyon ng Responsible Parenthood and Reproductive Health Act o mas kilala bilang RH Law. Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, pangunahing may akda ng nasabing batas, mula sa dating P2.5 billion na pondo ng RH law noong 2013 nang unang ipatupad ang nasabing batas, pababa nang pababa ito hanggang sa maging P842-million na lamang noong 2022. Dahil dito, mula 2015 hanggang 2019 aniya ay umakyat sa 51% ang hindi sinasadyang…

Read More

LADY ELECTION OFFICER NILIKIDA

ZAMBOANGA DEL NORTE – Dead on the spot ang isang poll officer ng Commission on Elections nang pagbabarilin sa bayan ng Piñan, sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Zamboanga Del Norte PNP, Huwebes ng gabi ng likidahin si Maricel Peralta, 45, Comelec officer sa Mutia, ng nasabing lalawigan. Ayon sa mga awtoridad, nagmamaneho ng sasakyan at pauwi sa Dapitan City ang biktima kasama ang isang assistant election officer, nang pagbabarilin ng hindi kilalang gunman sa ginagawang tulay ng Barangay Lapu-lapu sa Piñan. Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo…

Read More

OPTIONAL FACE MASK WEARING SA CEBU TABLADO

NAGBABALA kahapon ang Department of Interior and Local Government (DILG) na maari pa ring hulihin ng mga pulis ang hindi magsusuot ng face mask o lalabag sa pinaiiral na health protocol ng IATF sa lalawigan ng Cebu. Ayon sa DILG, hindi nito kikilalanin ang executive order ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na nagsasabing gawing optional na lamang ang pagsuot ng face mask kapag nasa labas. Sa statement ni DILG Sec. Eduardo Año, binigyang-diin nito na ipagpapatuloy pa rin ng Philippine National Police (PNP) ang pagsita at paghuli sa mga violator…

Read More

23 JOB FAIRS BUBUKSAN NG DOLE SA LINGGO

KASABAY ng pagdiriwang ng Independence Day sa Linggo, 122,985 job vacancies ang bubuksan sa publiko sa pamamagitan ng 23 job fair sites sa buong Pilipinas na maaaring makita sa ble.dole.gov.ph. Samantala, kabilang sa listahan ng ‘ in demand jobs” at maraming bakante sa iba’t ibang bansa at maging dito sa Pilipinas ang mga nurse. Sa Laging Handa public Briefing, sinabi ni Assistant Regional Director Alejandro Inza Cruz ng DOLE Region 3, bukod sa mga nurse, mataas din ang demand sa factory workers, household workers, karpintero, electrician, mason at cleaner. “Sa atin…

Read More