BAHAGYANG napuno ang mga ospital sa Kalakhang Maynila sa mga kasong walang kinalaman sa COVID-19 o non-COVID–19 cases. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Bernadette Velasco, operations manager ng national patient navigation and referral center (dating One Hospital Command Center) na may mga chronic diseases ang nagagawa nang makapagpa-check-up at makapunta sa mga ospital dahil sa ulat na patuloy na pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19. Sa nakalipas na dalawang taon aniya ay takot magpunta sa ospital ang mga tao na may ibang karamdaman dahil sa takot…
Read MoreCategory: METRO
PAG-ARESTO SA 93 MAGSASAKA SA TARLAC KINONDENA
KINONDENA sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pag-aresto sa 93 agrarian beneficiaries sa Concepcion, Tarlac, isang araw bago ang ika-34 anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). “We vehemently condemn the unlawful and mass arrest of 93 agrarian reform beneficiaries and advocates of land rights and human rights in Brgy. Tinang, Concepcion, Tarlac yesterday (June 9),” ani ACT Teacher Party-list Rep. France Castro. Ayon sa mambabatas, nakibahagi lang ng “bungkalan” ang mga magsasaka para ihanda ang lupa para sa pagtatanim sa 200 ektaryang lupain na in-award sa mga ito ng…
Read MoreAWOL NA PARAK ARESTADO SA CARNAPPING
HINDI nakapalag ang isang pulis na Absent without Official Leave (AWOL) nang posasan at bitbitin mula sa harap ng barangay hall sa Sta. Mesa, Manila dahil sa kasong carnapping noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang suspek na si P/Cpl. Richard Antonio y Lomboy, 32-anyos , binata, at dating nakatalaga sa District Personnel Holding and Accounting Section (DPHAS) ng Manila Police District at residente ng Ang Buhay St., Sta. Mesa, Manila. Base sa ulat ni P/Lt. Col. Dionelle Brannon, commander ng MPD-Sta. Mesa Police Station 8, bandang alas-9:00 ng gabi noong Huwebes nang…
Read More2 MWPs HULI SA QCPD
INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Remus B. Medina, ang pagkaaresto sa tinaguriang no. 4 district level most wanted person at Northern Samar most wanted person, sa bisa ng warrants of arrest kahapon sa Quezon City. Ayon sa ulat ng District Special Operations Unit (DSOU), sa pamumuno ni P/Lt. Col. Melgar Devaras, kinilala ang no. 4 district level most wanted person na si Marco Martirez, 42, residente ng Brgy. Batasan, Quezon City, at naaresto dakong alas-5:25 ng hapon, noong Hunyo 8, 2022 sa kanyang tirahan. Si Martirez ay may nakabinbing…
Read MorePROF CARLOS AT CONG ESTRELLA EXCELLENT CHOICES, AYON SA ILANG SENADOR
INILARAWAN ng ilang senador bilang excellent choices sina Professor Clarita Carlos at Cong. Conrado Estrella bilang National Security Adviser at kalihim ng Department of Agrarian Reform. Sinabi ni Senate President Vicente Tito Sotto III na naniniwala siya sa kakayahan ng dalawa para gampanan ang mga bago nilang posisyon. Sa panig naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Migz Zubiri, ipinaliwanag na eksperto si Carlos sa geopolitics at hindi rin dapat maging kwestyon ang kanyang gender para sa male-dominated position dahil kilala niya ang tapang at talino nito. Kinumpirma naman ni…
Read MoreMEGAFARM PROJECT NG DAR SUPORTADO NG TF MAPALAD
UPANG maibaba ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo, suportado ng Task Force Mapalad (TFM), isang federation ng agrarian reform beneficiaries ng mga magsasaka, ang plano ng Department of Agrarian Reform (DAR) na ipatupad ang mega farms project. Sinabi ng TFM dapat na agad ayusin ni DAR Secretary Bernie Cruz ang konsepto, na nangangailangan ng pagsasama-sama ng maliliit na lote ng sakahan sa mega farms para sa produksyon ng palay. Sa isang telephone interbyu, sinabi ni Lanie Factor, national deputy coordinator ng Task Force Mapalad (TFM) na ang papasok…
Read MoreLaban sa human trafficking BIYAHENG JAPAN HINIGPITAN
IPINAG-UTOS ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang inspectors na nakatalaga sa international airports na higpitan ang pagsasala sa mga Pilipino na paalis papuntang Japan bilang bahagi ng kasalukuyang pagsisikap ng ahensya na masawata ang illegal recruitment at human trafficking. Sa memorandum kamakailan, iniutos ni Immigration Commissioner Jaime Morente sa Immigration inspectors sa ports of exit ang “due attentiveness” para sa Filipino passengers na papuntang Japan. Iniutos din ni Morente sa BI personnel na ipatupad ang dobleng pag-iingat sa pagsasala sa departure ng mga Pilipino na may visas para sa ‘intra-company transferee, short-term…
Read MoreACTRESS-POLITICIAN NIREGALUHAN NG BALA
NAKATANGGAP ng death threat ang actress-politician na si Angelika dela Cruz, lagpas isang linggo matapos likidahin ng riding in tandem ang chairman ng Barangay Tonsuya sa Malabon City. Inilahad ni Dela Cruz na kapitana ng Barangay Longos, sa social media ang larawan ng sulat at apat na punglong ipinadala sa kanya, nakasaad ang pangalan ng apat na opisyal, kabilang siya, na umano’y itutumba. Magugunitang noong Mayo 28, pinagbabaril at napatay si Felimon Villanueva, 68, barangay chairman ng Tonsuya, habang nakaupo sa harap ng kanyang bahay sa #1 C. Perez Street.…
Read More30 PAMILYA NAWALAN NG TIRAHAN SA SUNOG
HINIHINALANG ilegal na koneksyon sa kuryente ang dahilan ng pagkatupok sa ilang kabahayan naging dahilan upang mawalan ng tirahan ang 30 pamilya sa Parola Compound, Tondo, Manila nitong Miyerkoles ng madaling araw. Base sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa inukupang bahay ng isang Luis Acosta. Nabatid mula kay SFO1 Maria Concepcion de Jesus, nagsimula ang sunog bandang alas-2:21 ng madaling araw na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fire-out ng dakong alas-3:58 ng madaling araw. Wala namang iniulat na namatay…
Read More