TINATAYANG umabot sa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang sunog sa Baseco Compound, Port Area, Manila noong Huwebes ng gabi. Ayon sa Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, bandang alas-7:00 ng gabi nang magsimula ang sunog sa dalawang palapag na bahay sa Block 17, Old Site, Baseco sakop ng Brgy. 649, Port Area. Dahil yari sa light materials, nadamay ang mga katabing bahay. Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog ngunit wala namang iniulat na namatay o nasaktan sa insidente. Bukod dito, nagkaroon ng tensyon sa lugar dahil sa paglalagablab ng apoy. Isa namang barko ang hindi makaalis sa lugar dahil…
Read MoreCategory: METRO
KAGAWAD TODAS,15 SUGATAN SA VAN VS BUS
ILOCOS SUR – Patay ang isang 69-anyos na barangay kagawad nang makasalpukan ng sinasakyan nilang van ang kasalubong na passenger bus sa bayan ng Santiago sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon. Bukod sa namatay na kagawad, malubha ring nasugatan ang siyam na iba pang kasamahang officials ng Barangay Sabuanan sa bayan ng Sta. Lucia sa nasabi ring lalawigan Habang anim sa sampung sakay ng nakabangang minibus ang nasugatan din dahil sa lakas ng impact. Ayon kay P/Lt. Godofredo Ribuyaco, hepe ng Santiago Police Station, lumabas sa kanilang inisyal na pagsisiyasat na pagsapit ng…
Read MoreMAS MABIGAT NA PARUSA IPAPATAW SA INVESTMENT FRAUD
TININTAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na magpaparusa sa mga indibidwal na mapatutunayang “guilty” sa investment fraud, na kapapalooban ng pagkabilanggo o P10 milyong multa o pareho. Ang bagong kaparusahan ay nakasaad sa ilalim ng Republic Act No. 11765, o Financial Products and Services Consumer Protection Act, tumutukoy sa investment fraud bilang anomang uri ng mapanlinlang na “solicitation of investments” mula sa publiko. Sa ilalim ng batas, “investment fraud covers Ponzi schemes and other schemes involving the promise or offer of profits or returns that are sourced from…
Read MoreIlang preso tuloy sa ilegal na gawain PRISON PROTOCOLS PINAREREBISA
MATAPOS mabiktima ng isang nakakulong na miyembro ng sindikato, kumbinsido ang tumatayong tagapagsalita ni incoming President Ferdinand Marcos Jr., na napapanahon nang rebisahin ang umiiral na protocols sa mga piitan sa bansa. Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tila masyadong maluwag patakaran ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (BuCor) matapos matunton ng mga operatiba sa loob ng selda ang isang online scammer na gumagamit ng iba’t ibang identity ng mga kilalang personalidad . Aniya, “in flagrante delicto” – of huli sa akto sa loob ng…
Read MoreKAMPANYA KONTRA SUGAL PASOK SA MANDATO NG SK
HIGIT pa sa mga paliga ng barangay ang nakaatang na trabaho sa mga halal na opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagbibigay ng karagdagang mandato, pondo at benepisyo sa mga lider kabataan. Kasabay nito, hinimok ni Deputy Speaker Benny Abante ang SK na pangunahan ang education and information campaign sa hangaring ilayo ang mga kabataan sa kultura ng pagsusugal. “With more benefits come more responsibilities,” ani Abante, sabay tukoy sa probisyong honoraria sa mga SK officials. Ani Abante, dapat tutukan ng mga…
Read MoreBAGONG BARKO NG PCG MAGPAPATRULYA SA WPS
GAGAMITIN sa pagpapatrolya ang bagong barko na BRP Teresa Magbanua ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea (WPS) sa sandaling makabalik ito mula sa Regional Marine Pollution Exercise (Marpolex) 2022 sa Indonesia. Napag-alaman kay PCG Rear Admiral Bobby Patrimonio ng PCG Marine Environmental Protection Command, gagamitin sa “sovereign patrol” ang nasabing barko at palalakasin ang maritime border security ng bansa. Ayon kay Patrimonio, nagbigay ng direktiba si PCG Admiral Artemio Abu sa mga barko na muling magpatrolya sa WPS sa Benham Rise. Dagdag pa, ang BRP Teresa Magbanua aniya ay handa nang maghatid…
Read MorePHARMALLY EXECUTIVES SA JUNE 30 PA PWEDENG LUMAYA
NANINDIGAN si Senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon na sa June 30 pa maaaring makalaya ang Pharmally executives na sina Lincoln Ong at Mohit Dargani. Iginiit ni Gordon na alinsunod sa batas, matatapos ang bisa ng kanilang contempt powers na naging dahilan ng pagkakakulong sa dalawang Pharmally executives kapag nagsara na ang Kongreso. Binigyang-diin ng senador na matatapos ang 18th Congress sa Hunyo 30 bagama’t ang kanilang sine die adjournment ay sa June 3 na. Una nang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na maaari nang makalaya sina…
Read MoreACTIVE COVID CASES SA NAVOTAS, 3 NA LANG
NAITALA ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas noong Martes, Mayo 17, ang pinakamababang bilang ng active COVID-19 cases ngayong taon. Tatlo na lamang ang nalalabing COVID patients, kasunod ng limang magkakasunod na araw na walang naitatalang bagong kaso. Kaugnay nito, pinasalamatan ni Mayor Toby Tiangco ang mga Navoteño sa kanilang suporta at kooperasyon sa pagpapatuloy ng laban kontra pandemya. “Our sacrifices and continued vigilance have paid off. Congratulations to us all. Let us keep our defenses up. Continue to practice the health and safety protocols, and complete your vaccinates, including your…
Read More50 PAMILYA HOMELESS SA SUNOG SA NAVOTAS
UMABOT sa 50 pamilya ang nawalan ng tirahan nang masunog ang isang residential area sa Navotas City noong Martes ng gabi. Agad binisita ni Mayor-elect Cong. John Rey Tiangco ang mga nasunugan sa Sitio Puting Bato sa Brgy. North Bay Boulevard South Proper para makumusta ang kanilang kalagayan at makapaghatid ng tulong. Pansamantalang nanunuluyan sa basketball court sa naturang barangay at sa kanilang mga kaanak ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog habang patuloy naman ang pagbibigay ng pamahalaang lungsod ng kanilang mga pangunahing pangangailangan. Ipinag-utos naman ni incumbent Mayor Toby Tiangco…
Read More