HIGIT pa sa mga paliga ng barangay ang nakaatang na trabaho sa mga halal na opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagbibigay ng karagdagang mandato, pondo at benepisyo sa mga lider kabataan.
Kasabay nito, hinimok ni Deputy Speaker Benny Abante ang SK na pangunahan ang education and information campaign sa hangaring ilayo ang mga kabataan sa kultura ng pagsusugal.
“With more benefits come more responsibilities,” ani Abante, sabay tukoy sa probisyong honoraria sa mga SK officials.
Ani Abante, dapat tutukan ng mga SK officials ang kanilang mga kapwa kabataang naliligaw ng landas tulad ng pagkalulong sa sugal, paninigarilyo at iba pang bisyo na sumisira sa kanilang buhay.
“Gambling, in particular, appears to be hooking more and more younger people. Before the President ordered a stop to e-sabong, we were getting disturbing news of teenagers regularly placing bets on online cockfighting,” pahayag ng kongresista.
Dagdag pa ni Abante, lumalabas sa mga pag-aaral na nahihirapang kumawala sa bisyo ang taong maagang nahumaling sa pagsusugal, paninigarilyo, pagdo-droga at iba pa.
Diin pa niya, obligado na ang mga lider kabataan sa bawat barangay na maglatag at magpatupad ng mga programang magsisilbing kalasag sa mga nauusong bisyo.
“More should be done to warn our youth about the dangers of vices such as gambling, which is slowly creeping into their lives via the devices they hold in their hands every day: their smartphones,” giit pa ng mambabatas.
“Our SK leaders can organize information drives to warn parents and youth in our communities, as well as think of productive outlets for the boundless energy of our younger kababayan. With the benefits now given to them by RA 11768, they should be able to do much more.” (BERNARD TAGUINOD)
473 