ILANG araw matapos ang madugong riot sa pagitan ng iba’t ibang pangkat, sinalakay ng mga operatiba ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga selda sa loob ng Quezon City Jail kung saan hagip sa paghahalughog ang hindi bababa sa 700 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana. Sa paunang ulat ng BJMP, kinailangan pa anilang bakbakin ng mga operatibang bahagi ng Operation Greyhound, ang sahig at pader sa loob ng mga dormitoryo bago natagpuan ang ilegal na droga at sari-saring armas na pinaniniwalaang ipinuslit sa loob ng naturang…
Read MoreCategory: METRO
RAMON TULFO DAKIP SA LIBEL
INARESTO kahapon ang batikang kolumnista at dating special envoy to China Ramon Tulfo bunsod ng kasong cyber libel na inihain ni dating Justice Secretary at ngayo’y National Police Commission (Napolcom) Vice Chairman Vitaliano Aguirre II. Sa paunang ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 kahapon ng umaga nang ihain kay Tulfo ng mga operatiba ng Manila Police District – Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ang bench warrant na nilagdaan ni Presiding Judge Maria Victoria Soriano ng Manila Regional Trial Court Branch 24. Nag-ugat ang asunto nang birahin umano ni Tulfo sa kanyang…
Read More12 SENADOR IPOPROKLAMA NGAYONG MIYERKOLES
TULOY na ang proklamasyon ng Commission on Elections (Comelec) sa 12 nanalong senador ngayong Miyerkoles subalit hindi pa matukoy ang final ranking habang nakabinbin ang resulta ng espesyal na halalan sa Lanao del Sur sa Mayo 24. Ani Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, ang mga senador ay ipoproklama batay sa bilang ng kanilang boto. “There will be no standing or ranking in the meantime since we will wait for the completion of Lanao del Sur [special polls],” sabi ni Laudiangco sa press briefing. Aniya, ang Comelec ay gumawa na ng…
Read MoreTIMBANGAN NG BAYAN BATAS NA
NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na magtatatag ng Timbangan ng Bayan centers sa public at private markets para protektahan ang mga mamimili mula sa mapanlinlang at “unfair sales acts and practices.” Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang RA 11706, noong Abril 13, nag-aamyenda sa Chapter II, Title III ng RA 7394 o mas kilala bilang Consumer Act of the Philippines. Sa ilalim ng bagong batas, inaatasan ng Article 62-A ang lahat ng provincial, city, at municipal governments na magtayo ng accessible Timbangan ng Bayan Centers sa lahat ng…
Read MoreP2.4-M DROGA NASABAT SA CAMANAVA
LAGPAS sa P2.4 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska, habang 233 naman ang isinelda, at tatlong children in conflict with the law (CICL) ang nasagip sa kampanya ng pulisya kontra droga at kriminalidad mula Mayo 3 hanggang 16 sa hilagang bahagi ng Metro Manila. Umabot sa 356.83 gramo ng shabu na may presyong P 2,426,444 at 10 gramo ng marijuana na may halagang P1,200 ang nasamsam sa 29 na operasyon kontra droga sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA). Kabilang sa mga hinuli ang 49 durugista, 67 sugarol,…
Read More‘FAILURE OF ELECTION’ INILUTANG SA MAYNILA
NAKIISA ang libong Manilenyo sa ‘pasasalamat motorcade’ ng Team Pagbabago nitong Sabado (May 14). Sinamantala ng mga tagasuporta ang pagkakataon upang iparating ang kanilang pagkadismaya sa resulta ng nakalipas na halalan dahil para sa kanila ay si Atty. Alex Lopez ang tunay na nanalong alkalde ng Maynila. Nabatid na dumarami ang nananawagan na ipaglaban ang panalo ni Atty. Alex. Naniniwala sila na dinaya sila dahil marami umanong nilabag na batas ang kabilang kampo noong nakaraang halalan. Ayon sa isang eksperto, “statistically improbable” ang resulta ng halalan sa Maynila. Marami rin…
Read More3 SUNDALO SUGATAN SA SAGUPAAN SA SULU
SULU – Tatlong sundalo ang nasugatan nang makasagupa ng mga tauhan ng 100th Infantry Battalion ng Joint Task Force (JTF) Sulu ang isang grupo ng mga teroristang Abu Sayyaf (ASG) sa Barangay Tumatangis sa bayan ng Indanan sa lalawigang ito. Ayon kay Maj. Gen. Ignatius Patrimonio, commander ng Joint Task Force (JTF) Sulu at 11th Infantry “Alakdan” Division, “Based on a report submitted by Col. Giovanni Franza, commander of the 1102nd Infantry Brigade, operating troops of the 100th Infantry Battalion received information of ASG bandits presence near the community. While…
Read MoreP33 WAGE HIKE SA NCR LALAMUNIN LANG NG PHILHEALTH
MAPUPUNTA lang sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang idadagdag na sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) kapag hindi inatras ang premium hike. Ito ang pahayag ni House assistant minority leader Arlene Brosas kaugnay ng ipatutupad na pagtataas sa kontribusyon sa susunod na buwan. “Nasa P400 hanggang P3,200 ang bagong kaltas sa sahod nyan, at lalamunin lang nito ang dagdag sahod na P33 kada araw sa NCR,” ayon sa lady solon. Dahil dito, kailangan aniyang ipagpaliban ang dagdag na singil ng PhilHealth sa mga miyembro upang…
Read MorePARAMILITARY IDE-DEPLOY SA NEW CLARK CITY
NAKATAKDANG mag-deploy ng mga sundalo at paramilitary ang Northern Luzon Command sa dine-develop na 9,450 hectares New Clark City para matiyak na walang magiging sagabal dito at mapanatili ang katahimikan sa lugar sa susunod mga taon. Ito ay makaraang hilingin ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang tulong ng Philippine Army sa pangangalaga ng itinatayong bagong metropolis sa gitnang Luzon. Dahilan kaya muling pumasok ang BCDA sa isang memorandum of agreement sa panig ng militar upang masustinahan ang nauna nilang ugnayan hinggil sa peace and order. “Recognizing the need to ensure…
Read More