ABU SAYYAF NASABAT SA NAIA

NASABAT sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang umano’y miyembro ng Abu Sayyaf Group na pinaniniwalaang kasama sa pagsalakay at pagkubkob ng simbahan, ospital, at mga pasyente sa bayan ng Lamitan noong taong 2001. Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Omar Bin Harun, 52-anyos, at na-intercept noong May 10 ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) Anti-Terrorist Group (AG) sa arrival area ng NAIA terminal 2. Si Omar ay lulan ng Philippine Airlines flight (PAL) galing sa Kuala Lumpur, gamit ang fraudulently acquired Malaysian passport, nang ma-intercept…

Read More

1K sumbong natanggap ng Comelec WALANG VOTE-BUYING PROBE KUNG WALANG GUSTONG TUMESTIGO

WALANG ilulunsad na imbestigasyon ang Commission on Elections (Comelec) sa mahigit 1,000 sumbong ng vote-buying na natanggap kaugnay ng nakalipas na halalan. Ang dahilan – walang naglakas-loob na humarap sa komisyon para magpatunay sa mga alegasyon. Pag-amin ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino, nakapagtala ang kanilang Anti-vote-buying task force na ‘Kontra Bigay’ ng hindi bababa sa 1,000 sumbong. Gayunpaman, walang kalakip ng ebidensya at testimonya ang mga alegasyon. “Many of the reported vote buying incidents na dinulog doon, takot naman mag-testify, o walang witness, o walang ebidensya,” ani Ferolina. Hindi rin…

Read More

2 NASAKOTE NG CIDG SA SANGLA-KOLEKTA SCHEME

ARESTADO ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group –Regional Field Unit – NCR ang dalawa katao na sangkot sa “sangla kolekta” scheme sa Pasay City noong Biyernes. Nabatid sa ulat ni ni CIDG-RFU-NCR Director Police Colonel Randy  Glenn Silvio kay PNP-CIDG chief, Police Maj. General Eliseo  DC Cruz, kinilala ang mga suspek na sina Jeanette de Leon y Delos Poyos, 43, jobless, ng Guadalupe Viejo Makati City, at Anna Carmela Poral, 37, corporate secretary at residente ng San Antonio Valley Paranaque City. Habang tinutugis naman ng mga awtoridad ang dalawa pang umano’y kasabwat…

Read More

ILEGAL E-SABONG NAGLIPANA – PAGCOR

sabong

MATAPOS suspindehin ng pamahalaan ang operasyon ng e-sabong sa buong bansa, naglipa naman ngayon ang ilegal online sabong. Ayon kay PAGCOR E-Gaming Licensing and Regulation Vice-President Atty. Jose Tria,  namonitor nila na naglabasan muli ang ilegal e-sabong matapos suspindehin ang operasyon nito dahil sa utos na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kabilang umano sa mga namamayagpag na ilegal online sabong website ang pinassabong.live; pclive1.com; sabong-express.net; phbetting.live; goperya.com; phbet44.bet; phbet.bet; phbetr.bet. Sinabi ni Tria, batid nila na kapag sinuspinde ang operasyon ng online sabong ay mag-i-illegal operation ang iba at sasamantalahin ang pagkakataon para…

Read More

2 TIMBOG SA P.3-M SHABU

DALAWANG hinihinalang tulak umano ng ilegal na droga ang nakumpiskahan ng P.3 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation nitong Sabado sa Caloocan. Kinilala ang mga suspek na sina Jayson Ben Bisnar alyas “Venzon,” 37, ng Libis Talisay, Brgy. 12, at Jeffrey Estallo alyas “Pilay,” 31, ng PNR Compound, Brgy. 73. Nasakote ang dalawa sa basketball court sa Julian Felipe St., Brgy. 8, dakong alas-12:50 ng madaling araw nang paiskorin ng P2,500 halaga ng shabu ang isang undercover cop. Nasamsam sa dalawa ang sa 40 gramo ng umano’y shabu na…

Read More

Sa ilegal na pagbebenta ng LPG 2 ARESTADO, 2 PA TINUTUGIS NG CIDG

DALAWA katao ang dinakip habang dalawa pa ang pinaghahanap ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group –Regional Field Unit – NCR kaugnay sa paglabag sa BP 33, RA 8293 at RA 11692  sa Parañaque City. Ayon sa ulat na isinumite ni CIDG-RFU-NCR Director Police Colonel Randy  Glenn Silvio kay PNP-CIDG chief, Police Maj. General Eliseo  DC Cruz, kinilala ang dalawang naaresto na sina  Joy Relucio Salari, cashier ng sinalakay na Lyx LPG Express sa  Zone 1, Sta. Ana, Brgy. Sun Valley, Parañaque City; at Roque Frando Belo, manager/cashier ng…

Read More

SNATCHER NASUKOL NG PARAK

MAKARAANG mahablot ang cellular phone ng isang 36-anyos na binata habang nakasakay sa isang pampasaherong jeep, agad nadakip ang suspek ng isang pulis na namataan ang insidente habang nagpapakarga ng gasolina sa isang gasoline station sa Sta. Ana, Manila noong Biyernes ng hapon. Hindi nakapalag nang posasan ang suspek na si Eljean Cardaño, alyas “Ging-Ging”, binata, ng Punta, Sta. Ana, Manila. Batay sa ulat ni P/Lt. Col.  Orlando Mirando Jr., commander ng MPD- Warrant and Subpoena Section, bandang alas-7:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa New Panaderos St., Sta. Ana, Manila.…

Read More

ARMADO NG SUMPAK SWAK SA KARSEL

SWAK sa karsel ang isang lalaking namasyal habang may dalang sumpak sa Caloocan City. Ibinalibag sa selda ang suspek na si Cresencio Tismo y Castro, 46, ng Barangay 134, Bagong Barrio, ng lungsod. Inaresto ang suspek sa Ponce St., Barangay 134, Bagong Barrio, dakong alas-6:50 ng gabi noong Mayo 10 matapos may magnguso sa mga parak na may isang armadong lalaking palakad-lakad sa nasabing lugar. Pagresponde ng mga parak ay nabulaga si Tismo na kinasuhan ng illegal possession of firearms and ammunition in relation to the Omnibus Election Code makaraang nakumpiska…

Read More

WANTED SA ATTEMPTED MURDER NABITAG

kulong

NASAKOTE ng mga parak ang isang lalaking wanted sa kasong attempted murder sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City. Swak sa hoyo ang suspek na si Vincent Revidad y Delos Angeles, 20, residente ng Alupihang Dagat, Barangay Longos, ng lungsod. Dinakip mga alagad ng batas na armado ng warrant of arrest ang suspek na si Revidad dakong alas-11:40 ng umaga noong Mayo 12 sa Alupihang Dagat, Barangay Longos. Hindi na nakaporma ang suspek nang daluhungin ng mga parak at animo ay napiping kuting nang bitbitin sa presinto. (ALAIN AJERO) 150

Read More