NAPILITANG magpatupad ng emergency landing procedures ang piloto ng isang turbo prop light transport plane ng Philippine Air Force kahapon ng umaga nang biglang sumabog ang gulong nito sa Laoag International Air Port sa Ilocos Norte. Ayon kay Air Force Public Affair Office chief, Col. Maynard P. Mariano, ligtas lahat ang limang sakay ng eroplano nang sumadsad ito sa nasabing paliparan bandang alas-10:32 ng umaga. Sa inisyal na ulat, sumabog umano ang gulong ng Indonesian made Turbo Prop NC212i with tail Nr 2119 habang nagsasagawa ng routinary landing roll sa…
Read MoreCategory: METRO
5 DRUG PUSHERS TIKLO SA NAVOTAS
BAGSAK sa kulungan ang limang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng umano’y shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa mga lungsod ng Malabon at Navotas. Ayon kay Malabon police chief, Col. Albert Barot, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni P/Lt. Alexander Dela Cruz, ng buy-bust operation sa C-4 Road, Brgy. Taňong. Agad dinamba ng mga operatiba sina Remy Fernando alyas “Tikang”, 44, (pusher listed); Alvin Aguillon alyas “Amben”, 38,…
Read More2 empleyado ng city hall timbog BIG BIKE, NINAKAW SA IMPOUNDING AREA
NAHAHARAP sa kasong carnapping ang dalawang empleyado makaraang tangayin ang isang big bike na nasa impounding area ng Traffic Unit sa Makati City. Bukod sa carnapping, nahaharap din sa kasong obstruction of justice na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman ang mga suspek na sina Anselmo Atienza, dating officer-in-charge ng Impounding Unit, at nakatalaga sa Makati City-Public Safety Department (PSD), at Reynaldo Ponce, nakatalaga naman sa Makati City-General Services Department. Batay sa ulat na ipinarating kay NBI OIC-Director Eric Distor, dumulog sa kanilang tanggapan ang may-ari ng Honda…
Read MorePAGBUWAG SA PARTY-LIST SYSTEM IPINASA NI PDU30 SA BBM ADMIN
NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa susunod na administrasyon na kaagad simulan ang proseso ng pag-amiyenda sa Saligang Batas na may rekomendasyon na i-abolish ang party-list system. Para sa Pangulo, sobra itong inabuso ng makakaliwang grupo. Sa kanyang Talk to the People, araw ng Huwebes, sinabi ni Pangulong Duterte na dapat nang trabahuhin ng susunod na Pangulo ng bansa ang Charter change (Cha-cha) upang sa gayon ay hindi mabigyan ng impresyon ang publiko na nakikipagtunggali sila para sa panibagong termino. “Kung sino ang mag-presidente ngayon na papasok, it could…
Read MoreBAYAN MUNA LAGLAG SA KONGRESO
SA unang pagkakataon mula nang lumahok sa party-list election dalawang dekada na ang nakararaan, hindi nakapasok sa Kongreso ang Bayan Muna. Batay sa pinakahuling partial and unofficial count, mawawalan ng pwesto ang Bayan Muna party-list sa susunod na Kongreso matapos malaglag sa ika-64th puwesto sa nakaraang halalan. Kasama ang Bayan Muna sa dalawang party-list group na tatlo ang kinatawan sa Kongreso ngayong 18th Congress na bihirang makuha ng ibang partido. Ang Bayan Muna ang unang partido ng mga progresibong grupo at kalaunan ay naitayo ng mga ito ang Gabriela, ACT…
Read More27 KARAHASAN NAITALA SA MAY POLLS
PINAPURIHAN nina National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. at Interior Secretary Eduardo Año ang Commission on Elections (Comelec) at ang mga ahensiya na nagbigay ng seguridad para sa halalan kabilang ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Coast Guard at Department of Information and Communications Technology (DICT). Ayon kay Sec. Esperon, naging efficient ang sistema sa automated election system at naging napakabilis ang transmission at paglalabas ng resulta ng local elections. Nilinaw rin ni Esperon na maliit na porsyento lamang o wala pa sa 1% sa kabuuang bilang…
Read MorePASYENTE NAG-SUICIDE SA OSPITAL NG MAYNILA
NALASOG ang katawan ng isang 47-anyos na lalaking pasyente makaraang tumalon mula sa ika-6 palapag ng Ospital ng Maynila. Kinilala ang biktimang si Erwin Ricoplaza, residente ng Sampaloc, Maynila na bumagsak ang katawan sa ikalawang palapag ng nasabing ospital. Ayon sa ulat ni Det. Jay Irene Manalili ng Manila Police District-Homicide Section, nangyari ang insidente bandang alas-10:15 ng gabi noong Miyerkoles. Kasama umano ng biktima ang kanyang pinsan na si Denmarie Gatchalian at naghihintay sa pagbukas ng elevator nang biglang tumakbo ang biktima sa balkonahe ng ospital sa ika-anim na…
Read MoreNag-quarantine bago sumakay sa barko SEAMAN NAMATAY SA HOTEL
NADISKUBRENG walang buhay ang isang 42-anyos na seaman sa loob ng tinuluyan nitong Rothman Hotel sa Adriatico St., Malate, Manila. Ayon sa ulat, nakatakda na sanang sumakay ng barko ang biktimang kinilalang si Danny Tolorio, tubong Zamboanga, Sibugay at pansamantalang nanunuluyan sa Rm. 307 ng Rothman Hotel sa #1633 Adriatico St. sa Malate. Batay sa ulat ni P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, bandang hapon noong Miyerkoles nang madiskubreng patay na ang biktima. Nauna rito, nag-check-in umano ang biktima sa hotel noong Mayo 3 para sa…
Read More2 PUGANTENG CHINESE NABITAG NG BI
BUMAGSAK sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Chinese national na wanted sa Beijing dahil sa pagkakadawit sa mga kasong fraud. Batay sa report na ipinarating kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kinilala ang mga suspek na sina Sun Feng, 43-anyos, at Xia Yaqin, 44-anyos. Naaresto ang mga ito noong Martes sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Immigration Fugitive Search Unit (FSU) sa Santa Rosa, Laguna. Ayon kay Morente, si Sun ay agad na pababalikin sa China sa bisa ng Summary Deportation Order na inisyu ng BI Board of…
Read More