HIGIT pa sa panalo sa halalang pampanguluhan, higit na pagbubunyi ang dama ni Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasunod ng proklamasyon ng anak niyang si Sandro bilang kongresistang kakatawan sa Unang Distrito ng Ilocos Norte. Tinalo ng batang Marcos ang nakaupong kongresistang si Ria Fariñas na anak ng isang beteranong politiko sa naturang lalawigan. Sa isang pahayag, lubos naman ang pasalamat ng 27-anyos na anak ng uupong Pangulo sa Hunyo. “Maraming salamat sa tiwala at suporta ng aking mga ‘kakailian’. Napakalaking bagay po nito para sa akin dahil ito po…
Read MoreCategory: METRO
Trabaho sa eleksyon lagpas 24-oras OT PAY PARA SA BEIs HIRIT NG ACT
BUNSOD ng mahabang oras na itrinabaho ng Board of Election Inspectors (BEIs) at iba pang poll workers noong nakaraang eleksyon, humihirit ng overtime pay ang isang grupo ng mga guro para sa mga ito. “Giit din naming dapat mabayaran ang overtime ng mga gurong nagsilbi sa eleksyon,” ayon kay Raymond Basilio, secretary general ng Alliance of Concerned Teachers (ACT). Hindi lingid sa kaalaman ng marami na maraming lugar ang nagkaroon ng aberya sa pagboto matapos masira ang kanilang vote counting machines (VCM) at maging ang secure digital (SD) cards. Umabot umano sa…
Read MoreMAG-ASAWANG ROBES LANDSLIDE ANG PANALO SA SAN JOSE DEL MONTE CITY
MALAKI ang agwat ng panalo ng tambalan ng mag-asawang Rep. Florida “Rida” P. Robes at Mayor Arthur Robes ng San Jose Del Monte City (SJDM) laban sa kanilang mga nakatunggali sa ginanap na Mayo 9, 2022 halalan. Humakot ng botong 136,680 si Rep. Robes kaya’t naging malaki ang kanyang kalamangan sa katunggali na nakakuha lamang ng 79,000 na boto. Nakakuha naman ng napakalaking boto na umabot sa 150,394 si Mayor Robes na malayo rin sa nakuhang boto ng kanyang pinakamalapit na nakatunggali na mayroon lamang 45,000 na boto. Kahapon ay…
Read MoreMGA NAGWAGING LOKAL NA LIDER:
TEODORO PA RIN SA MARIKINA LANDSLIDE victory ang reelectionist sa ikatlong termino bilang alkalde ng Marikina na si Mayor Marcy Teodoro. Nalikom ni Teodoro ang boto na 183,878 kumpara sa katunggali na si Congressman Bayani Fernando na nakakuha ng 40,149 votes. Panalo rin ang katandem nitong si reelectionist vice mayor Marion Andres at lahat ng mga konsehal ng Team Marcy. Gayundin ang maybahay ni Teodoro na si Maan na nanalong kinatawan ng 1st district sa botong 68,572. (ENOCK ECHAGUE) o0o MONTALBAN MAY BAGONG MAYOR HINIMOK ni Montalban newly elected mayor…
Read MorePNP NAKATUTOK SA REKLAMO VS ELECTORAL FRAUD
UMAPELA si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa mga botante na ireport sa tamang awtoridad ang anomang vote buying o vote selling activities sa kanilang komunidad. “Kung may nakita tayo na kakaiba, ireport kaagad natin. Wag kayong mangimi sa pagrereport ng election irregularity at para maaksyunan natin ora mismo,” ayon sa Kalihim. Sinabi ni Año na simula Mayo 8 hanggang sa aktuwal na halalan nitong Lunes, Mayo 9, tungkulin ng dineploy na police officers na ipatupad ang liquor ban at tiyakin na walang anomang…
Read More2,000 BILIBID BOYS BUMOTO SA MUNTI
TINATAYANG 2,000 rehistradong preso mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang lumahok at bumoto ng kanilang kursunadang kandidato sa loob mismo ng piitan. Sa kalatas ng NBP, naging maayos at payapa ang halalan sa hanay ng mga “persons deprived of liberty” na tumungo sa itinakdang polling precinct sa Visitation Area na matatagpuan sa loob ng NBP Compound ng nasabing lungsod. Ayon kay Jayferson Bonas na tumatayong hepe ng NBP – Maximum Security Compound, walang anumang naitalang aberya sa isinagawang botohang nagsimula kahapon ng umaga at natapos bandang…
Read MoreHalalan naantala ng 2 oras 50 VCMs SA METRO MANILA SUMABLAY
KABILA-kabilang aberya ang idinulog ng mga botante kaugnay ng pagkaantala sa pagboto makaraang makataan ng depekto ang mga vote-counting machines (VCM) at SD cards na gamit sa automated election na pinangangasiwaan ng Commission on Elections (Comelec). Pinakamataas ang antas ng aberya sa National Capital Region kung saan hindi bababa sa 50 VCMs ang iniulat na depektibo sa hudyat ng pagbubukas ng mga polling precincts eksaktong alas 6:00 ng umaga. Bagamat napalitan naman ng Comelec ang mga sirang VCMs, nagdulot naman ito mahabang pila sa mga pampublikong paaralang itinakdang polling places…
Read MoreFAKE NEWS KINONDENA NI LOPEZ
KINONDENA ni Manila mayoralty bet Atty. Alex Lopez ang kumalat na fake news na nagsabing nag-withdraw siya sa kanyang kandidatura. Sa mismong araw ng halalan, binigyang linaw ni Lopez na hindi siya susuko hanggang hindi naipapasok ang huling boto ng kanyang mga tagasuporta. Itinuturing ni Lopez na desperate moves ng mga kalaban para siraan siya kahit sa mismong araw na ng halalan. Malinaw aniyang panlilinlang ito sa taumbayan para isulong ang masamang hangarin dahil alam nila na umangat si Atty. Alex. Ibinahagi rin ng pambato ng Partido Federal ng Pilipinas…
Read MoreKALALAKIHAN MAY PAPEL DIN SA FAMILY PLANNING
HINIKAYAT ng isang opisyal ng Commission on Population and Development (POPCOM) ang kalalakihan na magkaroon ng aktibong gampanin sa pagpaplano ng pamilya upang mapagaan ang paghihirap ng kababaihan. “Undergoing a non-scalpel vasectomy (NSV) is a concrete manifestation of your love and care to your spouses and partners. That is our challenge to Filipino males,” ayon kay POPCOM chief Dr. Jeepy Perez. Kumpara sa bilateral tubal ligation (BTL) procedures na ginagawa sa kababaihan, ang NSV aniya ay mas ‘convenient.’ Sa kasagsagan ng pandemya, pinaigting ng POPCOM ang kanilang pagsisikap na mamahagi…
Read More