TINIYAK ni San Jose Del Monte City Rep. Rida Robes ang malaking tagumpay na makakamit nina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte sa kanilang lungsod sa darating na halalan sa Mayo 9. Malugod na tinanggap ni Robes, kasama ang asawang si SJDM Mayor Arthur Robes si Duterte sa pagbisita nito lamang Sabado para sa kanyang pangangampanya na “Sara para sa Barangay” kung saan sinalubong siya ng mga lokal at sectoral na opisyal sa Bulacan. “They will win because in our survey BBM is at…
Read MoreCategory: METRO
RICKY RECTO, UMATRAS SA PAGTAKBONG GOBERNADOR NG BATANGAS
ILANG araw bago maghalalan, umatras sa pagtakbo sa pagkagobernador ng Batangas si Richard “Ricky” Recto. Personal na nagtungo sa tanggapan ng Comelec-Batangas si Recto para i-withdraw ang kaniyang certificate of candidacy. Dala nito ang kopya ng statement of withdrawal of candidacy niya, patunay na iniurong na nito ang kanyang kandidatura bilang gobernador ng lalawigan ng Batangas sa darating na halalan. Nakasaad din duon na walang substitute sa kanyang pag-atras. Wala namang sinabing dahilan si Recto sa kanyang pag-atras. Nag-file si Recto ng kanyang kandidatura noong October 15 bilang independyente. Bago…
Read MoreAYUDA SA SENIOR CITIZEN AT PWD, GAWING P1K – ACT CIS
NANGAKO ang ACT CIS Partylist na tatrabahuhin ng kanilang grupo na madagdagan ang ayuda para sa mga indigent senior citizen sa bansa. Ayon kay ACT CIS Nominee Edvic Yap, “sa kasalukuyan, P500 lang ang natatanggap na ayuda buwan-buwan ng mga indigent senior citizens natin at PWD.” Ang budget ay nanggagaling sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ipinamamahagi sa mga matatanda at PWD. “Madami pong mga PWD at senior ang lumalapit sa amin para lang sabihin na kulang na kulang ang P500 para pambili nila ng pagkain o…
Read MoreTURISMO VS ‘TERORISMO’ SA HALALAN
SINUSUPORTAHAN ng Turismo Isulong Mo Partylist ang panawagan ni Pangulong Duterte sa sambayanan na hadlangan ang anomang tangkang terorismo o panggugulo sa nalalapit na eleksyon. Ayon kay Wanda Tulfo-Teo, 1st nominee ng TURISMO, maging mapagbantay tayong lahat at makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagpoprotekta sa balota at pagdaraos ng malinis, matapat at parehas na botohan partikular na sa kanayunan. Si Teo na dating kalihim ng Department of Tourism (DOT) ay humiling na sa Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang “intelligence effort” para matukoy ang balak ng sinomang grupo na…
Read MoreLOLA NAPILAYAN SA ‘STAMPEDE’ SA QC
NAPILAYAN ang isang matandang babae na kabilang sa mga nagtungo sa aktibidad na inorganisa umano ng kampo ni Rose Lin sa Capasco Warehouse sa P. Dela Cruz St., Brgy San Bartolome, Novaliches, Quezon City, dakong ala-1 ng hapon kamakalawa. Ang pakay umano ng aktibidad ay para palitan ng P500 ang inisyu nilang ID sa mga tao. Ayon sa mga naroroon, nagpatawag ang mga lider ni Rose Lin ng payout na 500 pesos kapalit ng naturang ID. Agaran naman dumagsa ang mga tao mula pa sa ibang lugar kaya lumobo at…
Read MoreKAMPANYA KONTRA SUNOG PALAKASIN
KASABAY ng pagpapahayag ng pangamba dahil sa dumaraming bilang ng mga insidente ng sunog sa bansa, patuloy na isinusulong ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagpapalakas ng prevention measures sa mga komunidad upang mabawasan nang magkaroon pang muli ng fire-related accidents sa hinaharap. Sa kanyang video message nang mamahagi ng relief goods para sa mga biktima ng sunog sa Barangay Tambo, Parañaque City noong Miyerkoles, umapela si Go sa mga lokal na otoridad na paigtingin pa at isulong ang mga fire safety measures sa kanilang komunidad upang matiyak na ang…
Read MorePNP HINDI APEKTADO SA ‘PALIT-LIDERATO’
WALANG nakikitang sapat na dahilan ang Philippine National Police (PNP) sa pangambang inihayag ng ilang sektor sa nalalapit na halalan bunsod ng pagreretiro ni PNP chief, General Dionardo Carlos pagsapit ng Mayo 8. Pagtitiyak ni PNP spokesperson, Colonel Jean Fajardo, handang-handa na ang hanay ng mga pulis sakaling tuluyan nang bumaba sa pwesto si Carlos sa hudyat ng mandatory retirement pagsapit ng kanyang ika-56 na kaarawan. “Wala pong dapat ipangamba ‘yung ating mga kababayan magkaroon man o hindi ng change of leadership sa PNP. Handa na po ang PNP tugunan…
Read More4 CORPORATIONS, PROPRIETOR SWAK SA TAX EVASION
SINAMPAHAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue Region No. 7B – East NCR kahapon ng magkakahiwalay na criminal complaints sa Department of Justice (DOJ) ang apat na korporasyon at isang proprietor dahil sa hindi pagbabayad ng buwis sa halagang P293.47 million. Kabilang sa mga sinampahan ng kasong paglabag sa Sections 254 at 255 ng National Internal Revenue Code of 1997 ay ang Assurance Controls Technologies Co., Inc. at kanilang presidente na si Reynaldo Paradero at treasurer na si CFO Edward Ray B. Paradero. Sinampahan naman ng kasong paglabag sa Section 255 na may kaugnayan sa Sections 253(d) at 256 ng Tax Code ang Flux Power Corporation at…
Read MoreNAGBENTA NG NAKAW NA MOTOR, 4 ARESTADO
TIMBOG sa magkakahiwalay na operasyon ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat katao makaraang mabilhan ng mga nakaw na motorsiklo sa nasabing lungsod. Ayon sa ulat ni Police Station commander, Lieutenant Colonel Rex Villareal kay QCPD director, Brigadier General Remus Medina, kinilala ang mga suspek na sina Emman Garcia, Bryan Cabrera, Jonathan Gumamay, at Jayson Jugal, pawang nagbebenta ng mga nakaw na motor gamit ang social media. Nabatid imbestigasyon, dinakip ang mga suspek sa aktong nagbebenta ng motor sa mga operatibang nagpanggap na buyer sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa…
Read More