IPINABABASURA sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang window period sa provincial bus na ipinatutupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metro Manila Development Authority (MMDA) dahil istorbo umano ito sa mga pasahero. Ginawa ni House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ang panawagan sa LTFRB at MMDA dahil bukod sa dagdag gastos ito sa mga pasahero ay nai-stranded pa ang mga ito sa provincial bus terminals sa labas ng Metro Manila. “Malaking nuisance itong window period scheme ng LTFRB at MMDA. Ang dami nang pinapasan na pahirap ng…
Read MoreCategory: METRO
DUTERTE AT SOTTO MAGLALABAN SA VP RACE – SURVEY
LABING WALONG araw na lang bago ang halalan, lumabas sa survey na mas humigpit ang karera ng Bise Presidente sa pagitan nina Mayor Inday Sara Duterte (51%) at Senate President Tito Sotto (40%). Sa pinakahuling nationwide survey ng RP- Mission and Development Foundation Inc., lumitaw na si Mayor Sara Duterte pa rin ang nanatiling nangunguna sa pagka-bise presidente, samantalang ang pumapangalawa na si Senate President Tito Sotto ay umangat muli ng limang porsyento kung ang halalan ay gaganapin sa pagitan ng April 1-6, 2022. Sa nakaraang survey na isinagawa ng…
Read MoreGRAND RALLY NG UNITEAM SA MAYNILA KASADO NA
MAGDARAOS ng makasaysayang grand rally ang Uniteam sa darating na Sabado, April 23, alas-3:00 ng hapon sa Earnshaw St. corner Bustillos St., Sampaloc, Manila sakop ng distrito 4. Inaanyayahan ng pambato ng Partido Federal ng Pilipinas sa pagka alkalde ng lungsod na si Atty. Alex Lopez ang mga Manilenyo na makilahok sa rally. Hiniling ni Mayor Alex ang suporta ng lahat ng Manilenyo para sa pagbabalik ng tinaguriang Tigre ng Norte na si dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at Mayor Inday Sara na Agila naman ng Davao. Magsisilbing host sa…
Read MoreKunwari’y nasunugan sa Valenzuela PUBLIKO PINAG-IINGAT SA MANGGAGANTSO
PINAG-IINGAT ang publiko sa pagbibigay ng donasyon o ano mang tulong sa nagsasabing mga biktima sila ng sunog sa Dulong Tangke, Valenzuela City. Ayon sa Pamahalaang Lungsod, ito ay sa dahilang maging ito ay napasok na rin ng mga manggagantsong labis na mapagsamantala, na pati ang pagdurusa ng mga nasunugan ay hindi pinatawad. Dagdag ng City Hall, para makasiguro ay maaaring magpaabot ng ‘in-kind donations’ sa City Social Welfare and Development Office na matatagpuan sa Valenzuela City ALERT Center. Para naman sa cash donation ay maaaring magdonasyon sa City Treasurer’s…
Read MoreNO. 10 MOST WANTED NG NPD TIMBOG SA CALOOCAN
ARESTADO ang ikasampu sa talaan ng most wanted persons ng Northern Police District (NPD) sa Caloocan City. Nasakote ang suspek na si John Michael De Jesus, 25, residente ng Barangay 28, Dagat-dagatan, ng lungsod, dakong alas-5:15 ng hapon noong Abril 20 sa Pamasawata, C3 Road, Barangay 28, Dagat-Dagatan. Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong attempted homicide na inisyu ng Malabon Regional Trial Court Branch 120. Inirekomenda ng korte na makapaglagak ng piyansang P36,000 ang suspek para sa pansamantala niyang kalayaan. (ALAIN AJERO) 404
Read MoreVLOGGER INIREKLAMO NG CYBER LIBEL
ISANG vlogger na si Niño Barzaga, alyas “Boy Mura” at iba pa ang inireklamo ng cyber libel sa National Bureau of Investigation (NBI) sa lungsod ng Quezon. Ayon sa salaysay ng complainant na si Emmanuel Doctor Plaza, isang Filipino Chinese at residente ng Sto. Cristo St., Binondo, Manila, bandang alas-2:00 ng hapon noong Abril 5 nang ipalabas sa social media ni Barzaga na ang mga vendor ay paaalisin na sa Divisoria mall dahil umano’y ibinenta na ito sa halagang P15 bilyon. Sinabihan din umano ito ni Barzaga na may puwesto…
Read MoreAGATON DEATH TOLL: 224
UMABOT na sa 224 ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng Bagyong Agaton sa Visayas at Mindanao matapos madagdagan ng 46 ang mga bangkay na nakuha ng iba’t ibang search and retrieval teams. Ang Region 8 ang may pinakamalaking bilang ng mga namatay na umabot na ngayon sa 202, habang sa Region 6 ay may naitalang 17, at sa Region 7 ay may dalawang namatay. Sa inilabas na update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon, may 147 pa ang nawawala dahil sa nagdaang kalamidad. Lumalabas…
Read MoreDOJ SINISI SA AGRI-SMUGGLING
PINUNTIRYA ng sisi ng isang kongresista ang Department of Justice (DOJ) sa kabiguan ng pamahalaang pigilan at panagutin ang mga malalaking sindikato sa likod ng agricultural smuggling sa bansa. Sa pagdinig ng Kamara, hayagang sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na malabnaw ang suporta ng DOJ sa kampanya kontra smuggling. Patunay pa aniya nito ay ang kabiguan ng nasabing kagawaran na gamitin ang kakayahan ng National Bureau of Investigation (NBI) na nasa ilalim ng pangangasiwa ng naturang departamento sa pag-iimbestiga, pagtukoy at karampatang pagsasampa ng kasong kriminal batay sa mga…
Read MoreKasamang inireklamo sa Ombudsman BELMONTE KALADKAD SA MODUS NG QC EXEC
PINAG-APPLY, pinagtrabaho pero hindi pala isinama sa talaan ng mga empleyado kaya hindi nakasweldo. Ito ang nakapanlulumong karanasan ng mga residenteng hinimok magtrabaho para sa pamahalaang lungsod ng local government official noong kasagsagan ng pandemya. Sa kasong inihain sa Office of the Ombudsman nina Ma. Lisle Guevarra ng Barangay Duyan-duyan at Eleanor Torralba ng Barangay Central, partikular na tinukoy ng mga nagreklamo ang nagpakilalang chairman ng Quezon City Against Corruption na si John Paul Orate kaugnay ng samu’t saring alegasyon ng katiwalian kabilang ang pambuburiki ng mga natanggap na relief…
Read More