TIANGCO, BELMONTE, MALAPITAN, BIAZON RUNAWAY WINNERS SA NCR

LUMABAS sa pinakahuling resulta ng survey mula sa HKPH Public Opinion and Research Center katuwang ang Asia Research Center na nakabase sa Hong Kong, kung ang halalan ay gaganapin ngayon, ang mga sumusunod na kandidato ay magiging runaway winner sa mga highly urbanized na lungsod: Toby Tiangco (Congressman – Navotas), John Rey Tiangco (Mayor- Navotas), Joy Belmonte (Mayor- Quezon City), Along Malapitan (Mayor-Caloocan) at Ruffy Biazon (Mayor- Muntinlupa). Muling pinatunayan ng mga Navoteño ang kanilang pananampalataya sa magkakapatid na Tiangco nang magpalit sila ng posisyon, nagtitiwala na magkakasama silang makapagbibigay…

Read More

Ngayong Semana Santa MMDA NAKAPOSTE NA SA ENTRY/EXIT POINTS SA NCR

NAKATAKDANG mag-deploy ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 2,681 tauhan nito sa iba’t ibang pangunahing lansangan, transport hubs, at iba pang mahahalagang lugar sa National Capital Region (NCR) upang matiyak ang kaligtasan ng publiko ngayong Semana Santa. “Majority of the traffic personnel will be assigned to roads leading to provincial bus terminals, seaports, airports, and major churches, to ensure the safety of thousands of commuters expected to travel to nearby provinces to take advantage of the long Holy Week break,” sinabi ni MMDA Chair Romando Artes. Nakatuon ang pansin…

Read More

PINOY ‘TOURISM AWARENESS’ SUSI SA PAG-ASENSO

TUTUTUKAN ng Turismo Isulong Mo Partylist (TURISMO) ang pagpapalaganap at pagpapalakas ng “tourism awareness” o kamalayan ng mga Pilipino sa kahalagahan ng turismo dahil malaki ang maitutulong ng industriya sa pagbangon ng ekonomiya. Ayon kay Atty. Marco Bautista, nominee ng TURISMO, pangako nila ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang komunidad ng bansa sa mainit ang pagtanggap at interes ng mga Pilipino  sa turismo. Sinabi ni Atty. Bautista, nagagalak silang ibahagi ang kaalaman at karanasan sa sektor ng turismo sa ating mga kababayan na makikinabang sa muling pagsigla ng industriya sa pagdagsa…

Read More

PAGBIBIGAY NG HUSTISYA SA MAHIHIRAP PAIIGTINGIN

LALO pang pag-iibayuhin ng ACT CIS Partylist ang pagbibigay ng tulong sa mamamayan, gayundin ng hustisya sa mga inaapi o mga biktima ng pang-aabuso kapag ibinalik sila ng tao sa Kongreso. Ito ang pangako ni ACT CIS Nominee Edvic Yap sa isang panayam kamakailan. “Sa mga walang malapitan para sa hustisya, magtungo po kayo sa aming opisina at tinitiyak namin na hindi kayo uuwi nang luhaan,” ani Yap. Dagdag pa ni Yap, “lahat po ng nagpupunta sa opis namin ay kinakausap namin at hinahanapan agad ng solusyon ang problema nila”.…

Read More

Mga nasunugan sa Sta. Cruz, Manila inayudahan GO: PAMAHALAAN COMMITTED SA PAGTULONG SA MAMAMAYAN

PERSONAL na nagtungo si Senator Christopher “Bong” Go sa Sta. Cruz, Manila upang alamin ang sitwasyon ng mga pamilyang naapektuhan ng sunog noong Biyernes at pinagkalooban niya ng kinakailangang tulong, kasabay ng pagtiyak sa mamamayan na nananatiling committed ang pamahalaan na tulungan ang mga nangangailangang komunidad sa gitna ng COVID-19 pandemic at iba pang crisis situations. “Mga kababayan ko, huwag ho kayong mawalan ng pag-asa at magtulungan lang ho tayo. Alam kong nasa gitna pa tayo ng krisis ngayon at nasunugan pa kayo” ayon kay Go. “Ang gamit po ay…

Read More

P.3-M SHABU KUMPISKADO SA MAGDYOWA

ARESTADO ang isang 53-anyos na babae at ang kanyang 58-anyos na kinakasama nang makumpiskahan ng P340,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City. Ibinalibag sa magkahiwalay na selda ang mga suspek na sina Benita Belluco, 53, at Ruben Asuncion, 58, kapwa residente ng Barangay 125, Caloocan City. Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw noong ng Abril 7 nang dakpin ang magdyowa sa kanilang bahay ng isang undercover cop makaraang paiskorin ng shabu ng mga suspek. Umabot sa 50 gramo ng shabu ang nasamsam sa mga…

Read More

Dahil sa mataas na presyo ng krudo TAYUAN SA BUS PWEDE NA SA VALENZUELA?

PINAYAGAN na raw sa Valenzuela City ang tayuan sa mga bus, ayon sa isang konduktor ng Malanday Metrolink bus na bumibiyahe sa rutang Balagtas-Monumento, Monumento-Balagtas. Ito umano ay simula nang tumaas ang presyo ng krudo nitong nakaraang mga linggo. Dakong alas-5:00 ng gabi noong Abril 7, matapos na pumila sa siksikang R. Simon St. na wala ni isang traffic enforcer ang nag-aayos ng trapiko kahit halos masagasaan na ng mga motorsiklo at bus ang mga pasahero dahil sa dami ng vendor na nakahambalang sa kalye, ay nakasakay rin at nakaupo…

Read More

CHINESE BUSINESSMAN SUGATAN SA AMBUSH

NASA ligtas nang kalagayan sa Manila Medical Center ang isang 50-anyos na Chinese businessman makaraang tambangan habang sakay ng isang Toyota Fortuner kasama ang kaibigan sa panulukan ng Padre Burgos St. at Victoria St. sa Intramuros, Manila noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Sy Kim Lok, dealer ng face masks at face shields, at residente ng Arty Subdivision, Valenzuela City, habang wala namang kagalos-galos ang kasama nitong si Dexter Tan, 43, negosyante ng RTW at residente ng Juan Luna St. sa Binondo, Manila. Ayon kay P/Lt. Col. Donelle Brannon, commander…

Read More

TEAM BELMONTE ABANTE SA KYUSI

SI Mayor Joy Belmonte ng Quezon City, na naghahangad na muling mahalal, ay nananatiling “unbeatable”, sa 68 porsiyento ng suporta ng mga botante sa pinakahuling RP-Mission and Development Foundation Incorporated poll. Ang katunggali niyang si Congressman Mike Defensor ay nakatanggap ng 30% ng boto sa mayoralty race. Sa karera para sa Vice Mayor, “neck-to-neck” ang labanan sa pagitan ni City Councilor Winnie Castelo (53%) at incumbent Vice Mayor Gian Sotto (46%). Si Arjo Atayde, isang celebrity na tumatakbo para sa isang congressional seat sa District 1, ay may 51 percent…

Read More