9 NPA SUMUKO SA ALBAY9 NPA SUMUKO SA ALBAY

SIYAM na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang tumiwalag sa kilusan at sumuko sa Army sa Albay. Bukas-palad na tinanggap ng 49th Infantry (GOOD SAMARITANS) Battalion ang pormal na pagbabalik-loob at boluntaryong pagsuko ng siyam na regular na miyembro ng Communist NPA Terrorist (CNT), pagtiwalag at pagbawi ng suporta ng 12 miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL) sa isinagawang “Presentation of Former Rebels and Turn Over Ceremony” sa Barangay Tastas, Ligao City, Albay, noong Abril 5. Sa nasabing seremonya, kasabay na isinuko ang mga baril kabilang na…

Read More

2 KINASUHAN SA ILLEGAL ONLINE SABONG

BINITBIT ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District ang dalawa sa anim na nahuli sa illegal online sabong sa Sta. Cruz, Manila, iniulat ng pulisya. Sinasabing pinakawalan ang apat na tumataya sa online sabong at dalawa ang kinasuhan na kinilalang sina Armi Ray Gavino, 18, teller, at John Paul Castillo, 21, kahero. Batay sa ulat ni P/Major Cicero Pura, hepe ng DSOU, bandang 8:30 ng gabi nang salakayin ang online sabong sa Pedro Guevarra St., malapit sa Sulu St. sa Sta. Cruz, Manila. Nauna rito,…

Read More

SMUGGLED GULAY SA DIVISORIA, KINUMPISKA

KINUMPISKA ng Sub-Task Group on Economic Intelligence (STG EI), sa pangunguna ng Department of Agriculture-Bureau of Plant and Industry (DA-BPI), ang 46 boxes ng smuggled carrots at broccoli vegetables na ibinebenta sa Divisoria Market sa CM Recto Avenue, Divisoria, Manila noong Abril 4, 2022. Ang task group ay binubuo ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Bureau of Customs (BOC), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) – na nagsagawa ng inspeksyon sa mahigit 300 stalls, na pawang nakalagay…

Read More

POLICE POWER HIRIT NG DA KONTRA AGRI SMUGGLERS

NAIS ng Department of Agriculture (DA) na mabigyan ng police power para magawang arestuhin at kasuhan ang mga smuggler sa bansa, ito man ay technical o outright. Iginiit ni Agriculture Undersecretary Fermin Dantes Adriano na limitado ang kanilang kapangyarihan sa ilalim ng batas at umaasa lamang sila sa Bureau of Customs (BOC). “Kung gusto niyo magkaroon ng ngipin ang departamento laban sa smuggling, bigyan po natin ng kapangyarihan, ng mandato, na makapag-file, apprehend, and file cases against smugglers. Pero sa ngayon po sa batas, wala pong magagawa ang DA, kundi…

Read More

ONE FILIPINO WORLDWIDE (OFW) NANINDIGAN SA DAGDAG-SAHOD

NANINDIGAN ang One Filipino Worldwide (OFW) Party-list sa anomang panukalang dagdag-sahod para sa mga manggagawa sanhi ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo ang produktong petrolyo. Ayon kay OFW Party-list 2nd Nominee Jerenato Alfante, hindi biro ang presyo ng mga bilihin sa kasalukuyan lalo na’t lubhang apektado ang lahat ng sektor. Tinukoy ni Alfante na bilang bahagi o galing siya sa economic zone ay aminado siyang kaya namang taasan o dagdagan ang sahod ng bawat manggagawa. Ngunit kailangang isaalang-alang aniya kung mataas ang produksyon o demand at…

Read More

CA JUSTICE INIREKLAMO SA SC

IPINAGHARAP ng kasong administratibo sa Korte Suprema si Court of Appeals (CA) Associate Justice Apolinario Bruselas Jr. dahil umano sa gross inefficiency nito matapos lumagpas sa reglementary period na itinakda sa Rules of Court bago ito magpalabas ng desisyon sa isang Writ of Habeas Corpus petition. Sa 16 pahinang reklamo ni Pharmally Secretary Mohit Dargani sa SC-Judicial Integrity Board, sinabi nito na malinaw na nilalabag ni Bruselas, bilang Presiding Justice ng CA 5th Division, ang New Code of Judicial Conduct for the Philippine Judiciary dahil sa kawalang aksyon sa isang…

Read More

RIDING IN TANDEM TODAS SA OPLAN SITA

RIZAL – Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek (riding in tandem) na napatay sa engkwentro nang tumakas sa “Oplan Sita” sa bayan ng Angono sa lalawigang ito. Ayon kay Angono PNP Chief of Police, P/Lt. Col. Ferdinand Ancheta, dakong ala-1:00 ng madaling araw nitong Miyerkoles, tumakas sa checkpoint ang mga suspek habang sakay ng motorsiklo sa Brgy. Mahabang Parang sa Angono. Nagkaroon ng habulan sa pagitan ng mga awtoridad at dalawang suspek hanggang sa makarating sa bahagi ng Quarry Road, sa Binangonan, Rizal. Dito sumemplang ang…

Read More

Mga nabiktima pinalulutang 6 CALOOCAN COPS IBABAON SA KASO

NINJA COPS

IPINAG-UTOS ni Philippine National Police chief, P/General Dionardo Carlos sa PNP-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) na imbestigahan ang background at posibleng mga kasong kinasasangkutan ng anim na pulis Caloocan na sinibak at inilagay sa restrictive custody dahil sa kasong pagnanakaw sa isang padre de pamilya. Kasabay nito, nanawagan si Gen. Carlos sa iba pang mga biktima ng anim na pulis Caloocan na sinasabing sangkot sa pagnanakaw, na makipag-cooperate sa mga awtoridad. Ayon kay PNP Public Affairs Office chief, P/BGen. Roderick Augustus Alba, nasa restrictive custody na ngayon ang anim…

Read More

BASBAS NI LENI ‘DI SAPAT PARA MANALO SI BELMONTE – DEFENSOR

PARA kay Quezon City mayoralty candidate Mike Defensor, hindi sapat ang alyansa nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Vice President Leni Robredo para talunin siya sa nalalapit na halalan sa Mayo. Katwiran ni Defensor, inaasahan niyang babasbasan ni Robredo ang nakaupong alkalde ng lungsod na puntirya niyang pamunuan kapalit ni Belmonte, kasabay ng pahayag na matagal na nilang napaghandaan ang naturang eksena sa lokal na antas ng pulitika. Giit pa niya, walang epekto ang anunsyong alyansa sa pagitan nina Robredo at Belmonte. “We expected their alliance from the start…

Read More