IMBES na service firearm, malamig na rehas ang kapit ngayon ng isang tinyente matapos dakpin sa loob mismo ng isang pasilidad na pinagdarausang ng talpakan ng mga manok na bida sa e-sabong. Bukod sa hayagang paglabag sa direktiba ni Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos, nahaharap din sa patong patong na kasong kriminal si Police Lieutenant John Kevin Menez makaraang tangkaing subain ang kapustahan sa loob ng sabungang pinangangasiwaan ng Pitmaster sa Sta, Mesa, Maynila. Sa datos ng PNP, lumalabas na si Menez, na residente ng Tondo, Maynila…
Read MoreCategory: METRO
PFP BET NAKIISA SA PAGHAHANDA SA RAMADAN SA MAYNILA
NAGTUNGO si Atty. Alex Lopez sa Golden Mosque and Cultural Center sa Globo de Oro St., Quiapo, Maynila nitong Huwebes ng umaga para dumalo at makiisa sa kinaugaliang seremonya ng paglilinis ng moske bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Ramadan na magsisimula sa Sabado Abril 2 hanggang Mayo 2. Nakibahagi rin ang Philippine Coast Guard upang pangunahan ang aktibidad sa Grand Mosque. Pinaalala ni Lopez na si Pangulong Ferdinand Marcos ang responsable sa pagpapatayo ng Grand Mosque. Nakasabay niya si Senadora Imee Marcos, panganay na kapatid ni dating senador Bongbong Marcos…
Read MoreBuwelta ni Lopez sa Asenso Manilenyo PATAY ‘WAG NANG IDAMAY
KINONDENA ni Atty. Alex Lopez ang pahayag ng Asenso Manilenyo sa kanyang ama kaugnay ng usapin sa binentang ari-arian ng lungsod. Ayon kay Lopez, ang pagdawit sa pangalan ng kanyang yumaong ama ay nakakababa ng moralidad at hindi angkop para sa isang sibilisadong lipunan. Tinangka ng mga taong nasa likod ng Asenso Manilenyo na patahimikin ang oposisyon upang protektahan ang kasalukuyang administrasyon ng lungsod. Nagbanta rin umano sila na sisirain ang mga alaala ng yumaong mga mahal sa buhay ng kanilang mga kritiko. Imposible umano ang akusasyon ng Asenso Manilenyo…
Read More1 KILONG SHABU ITINAGO SA MGA RICE COOKER, NASABAT SA NAIA
NASA isang kilo ng ipinagbabawal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA. Ang nasabing kargamento ay nadiskubre kahapon ng umaga sa pagtutulungan ng BOC-NAIA at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng NAIA Drug Interdiction Task Group (NAIA-DITG) Nabatid na galing sa Malaysia ang naturang package na naglalaman ng kontrabando na inilagay sa loob ng mga rice cooker. Subalit nang sumailalim ito sa pagsusuri ay nadiskubreng may mga shabu na nakapakete na tumitimbang ng 1,011…
Read MoreP100-M KONTRABANDO NAKUMPISKA SA VALENZUELA
UMABOT sa P100 milyong halaga ng ipinuslit na kontrabando ang nasabat sa isang operasyon sa Valenzuela City, iniulat ng Bureau of Customs (BOC) noong Martes. Ayon sa BOC, ang tagumpay na operasyon noong Marso 25 ay pinangunahan ng Customs Intelligence and Investigation Service-Intellectual Property Rights Division (CIIS-IPRD) at BOC-Port of Manila. Taglay ang letter of authority na inisyu ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero, sinuri ng pangkat ang bodega sa #8 Rincon Road, Valenzuela City at natuklasan ang mga ukay-ukay at huwad na signature items gaya ng Nike, Crocs, at iba pa. Ininspeksyon…
Read MoreNakawan sa raid kontra tupada PAMPANGA PNP CHIEF SINIBAK SA PWESTO
MATAPOS kastiguhin ng Philippine National Police (PNP) ang 10 tauhan ng Pampanga Provincial Police Office, isinunod namang sibakin sa pwesto ang tumatayong provincial police director ng nasabing lalawigan. Agad namang kinumpirma ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo ang naging pasya ni PNP Region 3 director, Brig. Gen. Matthew Baccay, base sa umiiral na doktrinang “command responsibility” sa bulilyasong mga tauhan ng nasasakupang lalawigan. Noong Marso 19 ng kasalukuyang taon nang salakayin ng mga tauhan ng noo’y Provincial Police director Col. Robin Sarmiento ang isang tupadahan sa Barangay Duat sa bayan…
Read MoreMENTAL HEALTH NG GOV’T WORKERS TUTUTUKAN NG CSC, DOH
SANIB-PUWERSA ang Civil Service Commission (CSC) at Department of Health (DOH) sa mental health ng mga empleyado ng gobyerno na naapektuhan sa pandemya ng COVID-19. Ayon sa CSC, pormal na sisimulan ng mga ito, katuwang ang DOH, ang paglulunsad ng Mental Health Program (MHP) sa lahat ng tanggapan ng gobyerno upang matulungan ang government servants na naapektuhan sa pandemya. Magsasagawa umano ng zoom meeting ang dalawang nabanggit na ahensya para sa reorientation ng mga ahensya gobyerno sa CSC Memorandum Circular No. 4, s.2020 kung saan nakapaloob ang mga patuntunan para sa Development…
Read MorePRRD SISIMULAN NA PANGANGAMPANYA
SA kabila ng hindi pag-aanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa napipisil niya bilang kanyang successor, sasama ang Chief Executive sa mga kandidato ng ruling PDP-Laban party sa serye ng campaign sorties, simula ngayong araw, Marso 31. “That will be the first public appearance of PRRD to endorse the candidacy of PDP-Laban,” ayon kay Cabinet Secretary and PDP-Laban secretary general Melvin Matibag. Aniya ang event ay gaganapin sa Lapu-Lapu City sa Cebu, itinuturing na “the most vote-rich province” base sa data ng Commission on Elections (Comelec). “We are planning probably…
Read MoreTF KONTRA BIGAY BUBUUIN NG DOJ
KABIBILANGAN ng grupo ng mga prosecutor at ahente mula sa National Bureau of Investigation (NBI) ang Task Force Kontra Bigay na bubuuin ng Department of Justice (DOJ) laban sa “vote buying”. “Considering the importance of the forthcoming elections to the survival and recovery of the nation, I will direct the DOJ contingent to give the highest priority to this campaign in the next 40 days,” ani Justice Secretary Menardo Guevarra. Bukod sa DOJ, kasama rin sa task force ang mga tauhan ng Comelec, Philippine National Police, Armed Forces of the…
Read More