SINALUDUHAN ng kampo ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang Quezon City Police District (QCPD) dahil sa mabilis na pag-aresto sa isang suspek na nagbanta sa pamamagitan ng social media na papatayin siya para ipaghiganti raw ang mga namatay na kapwa niya aktibista na biktima kuno ng martial law. Ang suspek ay kinilalang si Michael Go, 49, Grab driver, tubong Arayat, Pampanga at naninirahan sa No. 128 Jose Abad Santos St., Brgy. Sta. Lucia, Novaliches. “I was blocked by Marcos, Jr. Pakisabi mag-ingat siya sa Tandang Sora QC. Pag dumaan…
Read MoreCategory: METRO
Sa PH war on drugs PDEA HANDANG MAGSUMITE NG REPORT SA ICC
NAKAHANDA ang mga ahensya ng pamahalaan na isumite sa International Criminal Court (ICC) at iba pang human rights advocates ang datos kaugnay sa kanilang ‘war on drugs’ kabilang na ang nakumpiskang mga ilegal na droga sa bansa. Nangako ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magsusumite ng report hinggil sa ‘war on drugs’ sa Pilipinas sa human rights organizations at International Criminal Court (ICC). “Rest assured that PDEA is ready, willing and able to present any appropriate data related to the national anti-drug campaign when solicited,” ayon sa inilabas na…
Read MorePAHALIK SA NAZARENO BUBUKSAN MULI SA PUBLIKO
BUBUKSAN nang muli sa publiko ang “pahalik” sa Itim na Nazareno ng Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo, Manila. Kasunod nito, umapela si Father Douglas Badong, parochial vicar ng Basilica, sa mga deboto na mahigpit na sundin ang safety protocols upang maiwasang mahawa ng COVID-19. “Muling mahahawakan ang mismong imahen ng Poong Hesus Nazareno na nasa itaas ng altar ng simbahan ng Quiapo. Unti-unti nating ibabalik ang ‘pahalik’. Ipinapakiusap sa mga deboto na pumila nang maayos at sumunod sa mga safety protocol,” ayon kay Fr. Badong. Nabatid na sa kabila…
Read MoreKALBARYO SA TUBIG SA CAMANAVA HANGGANG ABRIL 15
TULOY ang kalbaryo sa tubig ng mga residente sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area kasunod ng anunsyo ng Maynilad na tuloy ang off-peak daily water interruptions hanggang Abril 15. Wala pa ring tutulong tubig sa mga gripo sa nasabing lungsod mula 10 am hanggang 4 am dahil umano sa pagtaas ng pangangailangan sa tubig dulot ng mainit na panahon, bukod pa sa mabilis na pagkaubos ng tubig sa mga reservoir. Ang nasabi umanong ‘interruptions’ ay makatutulong para makapagpuno ang Maynilad ng mga reservoir tuwing gabi bilang paghahanda sa mataas na…
Read MoreNCR MANANATILI SA ALERT LEVEL 1
MANANATILI sa Alert Level 1 ang buong National Capital Region (NCR) mula Abril 1 hanggang 15, 2022. Base ito sa inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) nitong Huwebes na Abril 1 hanggang 15, 2022 Alert Level Classification sa mga lalawigan, highly urbanized cities (HUCs), at independent component cities (ICCs). Bukod sa NCR, nasa ilalim din ng Alert Level 1 ang Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Kalinga, at Baguio City; Region I: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, at Dagupan City; Region II: Batanes, Cagayan, Isabela, City of Santiago, at…
Read More6 PULIS CALOOCAN SWAK SA ROBBERY
ANIM na kawani ng Station Drug Enforcement Unit ng Caloocan City Police Station ang kinasuhan ng robbery kasunod ng nag-viral na Facebook post ng kanila mismo umanong biktima. Sa isang pahayag, mariing kinondena ni P/MGen. Felipe R. Natividad, Regional Director ng National Capital Region Police Office, ang “shameless disregard of policies and laws” ng anim na sinasabing tiwaling pulis. “This unacceptable behavior deserves the severest condemnation from our organization since it runs gravely against our mandate to serve and protect the people and keep the community safe, peaceful and secured,” ani…
Read MoreSelos, pagnanakaw posibleng motibo 72-ANYOS JAPANESE, GURO PINATAY NG BF
SINISILIP ng mga awtoridad ang anggulong selos at pagnanakaw sa brutal na pagpatay sa isang 72-anyos na Japanese national at 39-anyos na guro na umano’y tinadtad ng saksak ng boyfriend ng huli sa Pasig City. Ayon sa ulat ni P/Col. Roman Arugay, hepe ng pulisya, kinilala ang mga biktimang sina Yasunori Mori, 72, biyudo, Japanese national, at Anna Marie Dalusong y Salvador, 39, dalaga, public school teacher, at kapwa residente ng Brgy. Manggahan sa lungsod. Agad namang naaresto sa follow-up operation ng mga awtoridad ang suspek na si Christian Llona…
Read MoreISKO, LACUNA SINOPLA SA BENTAHAN NG DIVI MARKET
MAAGAP na sinopla ni Manila mayoralty bet Atty. Alex Lopez ang kampo nina Mayor Isko Moreno at Honey Lacuna hinggil sa isyu ng paninisi sa dalawang nakalipas na administrasyon kaugnay ng kontrobersyal na bentahan ng Divisoria Public Market. Sa mga namayapang alkalde na sina Mel Lopez at Alfredo Lim nabaling ang sisi sa naturang bentahan na nagkakahalaga ng mahigit Php1.4-billion. Ayon kay Lopez, nerbiyos na lang ang umatake kina Honey at Isko dahil madidiin sila sa malaking kaso. Defense mechanism aniya ito ng kalaban para ma-divert ang isyu at malinis…
Read MoreP600-M LIVELIHOOD SUPPORT SA MSMEs TARGET NG DTI
TARGET ng Department of Trade and Industry (DTI) na ipalabas ang P600 milyong halaga ng livelihood support para sa maliliit na kumpanya, subalit mangangailangan ito ng exemption mula sa election ban pagdating sa ‘spending’ o paggastos. Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, layon ng departamento na makapagbigay ng 105,394 livelihood kits, kabilang na ang 1,500 benepisaryo sa kada rehiyon sa mga buwan ng Abril, Mayo, at Hunyo, katumbas ng 300 hanggang 400 livelihood kits kada lalawigan. Iyon nga lamang ani Lopez, bahala na kung ano ang magiging deliberasyon sa bagay…
Read More