10 akusado tinuluyan MOTION TO DISMISS CASTILLO MURDER CASE, IBINASURA

IBINASURA ng Manila City Regional Trial Court ang mosyon ng kampo ng 10 akusado sa kasong pagpatay kay University of Santo Tomas law student Horacio “Atio” Castillo III, na idismis ang kaso. Inilabas noong Pebero 24 ni Manila RTC Branch 11 Judge Shirley Magsipoc-Pagalilauan ang desisyon niyang ibasura ang ‘demurrer to evidence’ na isinampa ng kampo ng 10 miyembro ng Aegis Juris fraternity. Kabilang sa mga nagsampa ng mosyon sina Jose Miguel Salamat, Joriel Macabali, Robin Ramos, John Audrey Onofre, Marcelino Bagtang Jr., Axel Munro Hipe, Mhin Wei Chan, Arvin…

Read More

DAGDAG SAHOD NG MGA GURO IBIGAY NA – SOLON

KAILANGANG bilisan na ng Department of Education (DepEd) ang pagre-release ng 2022 salary differential upang magkaroon ng dagdag na panggastos ang mga public school teacher ngayong pataas na nang pataas ang presyo ng mga bilihin. Ito ang iginiit ni House Assistant Minority Leader France Castro sa DepEd dahil Marso na ay hindi pa natatanggap ng public school teachers ang kanilang salary differential ngayong taon. “The concerned government agencies should have done the process immediately after the release of the 2022 budget because this is an anticipated salary differential and the…

Read More

Libel case ni Joy tinawanan lang

Sa kabilang dako, itinuturing ni Defensor na “cheap publicity gimmick” ang pagsasampa ng kasong libel laban sa kanya ng katunggali sa mayoralty race sa Quezon City na si Mayor Joy Belmonte. “The complaint is silly and futile because Mayor Belmonte is an elected official, not a private individual. And she knows this,” ayon pa sa mambabatas. Nag-ugat ang libel case na isinampa ni Belmonte sa umano’y social media post ng mambabatas na nagsasabing nag-deploy ang alkalde ng “baklas army” para tanggalin ang lahat ng poster ng huli. “Mayor Belmonte is…

Read More

Hirit ni Defensor AYUDA SA 10K PAMILYA NG OFWs SA RUSSIA

HINILING ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na tulungan ang 10,000 overseas Filipino workers (OFWs) na naka-deploy sa Russia at maging ang kanilang pamilya dito sa Pilipinas. Ito ay dahil posibleng hindi makapagpadala ng pera sa kanilang pamilya ang mga OFW bunsod ng ipinataw na parusa sa Russia dahil sa pag-atake sa Ukraine. “The global sanctions are bound to hit Russia’s banking system very hard, possibly obstructing the money transfers of the more than 10,000 Filipino workers there,” ayon sa mambabatas. “We are counting…

Read More

4TH ROUND NG NAT’L VAX DAY KASADO SA MARCH 10

NGAYONG Marso 10-12 idaraos ang 4th round ng National COVID-19 Vaccination Days. Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na may ilang lugar sa bansa ang ibinaba na ang alert level status simula nitong Marso 1. Ang national vaccination drive ngayong buwan ay nakatuon sa residential houses at workplaces o lugar ng trabaho. “That will be a Thursday, Friday and Sabado ang ating Bayanihan Bakunahan NVD (National Vaccination Day) Part 4,” ayon kay Cabotaje. “Ang ating tema ay ‘March to Vaccinate,’ kasi dadalhin natin sa mga bahay-bahay at saka sa mga…

Read More

1/3 LANG NG 36.7M NAGPA-BOOSTER -NVOC

TANGING 1/3 ng 36.7 milyong fully vaccinated individuals ang nakatanggap ng kanilang coronavirus booster shots. Sinabi ni National Vaccination Operations Center Chief Myrna Cabotaje na 36.7 milyong eligible individuals ang dapat sana ay nabigyan na ng booster shots subalit 10 milyon lamang ang nagpakita sa mga vaccination center para makatanggap nito. “‘Yung iba nag-iisip kung kelangan ng booster, ‘yung iba naman,they don’t see the urgency of the booster,” ayon kay Cabotaje. Plano ng NVOC na palakasin ang booster shots ng pamahalaan ngayong Marso sa pamamagitan ng pagdadala ng COVID-19 jabs…

Read More

ACT CIS PABOR SA PAGREPASO NG OIL DEREGULATION LAW

SANG-AYON ang ACT CIS Partylist na rebyuhin na ng Kongreso ang Oil Deregulation Law matapos hingin ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralan muli ang nasabing batas sa gitna ng patuloy na pagsirit ng presyo ng petrolyo. Ang Oil Deregulation Law na ipinatupad noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos, ay nagtatanggal sa kontrol ng gobyerno pagdating sa presyuhan ng petrolyo ng mga kumpanya ng langis. Ayon kay ACT CIS Nominee Edvic Yap, “panahon na siguro na muling pag-aralan natin kung nakakatulong pa ba ang batas na ito sa tao o…

Read More

PULIS SA MALABON INAMBUSH; PULIS-QC HINOLDAP

SUGATAN ang isang pulis nang pagbabarilin ng nag-iisang hitman sa Malabon City. Isinugod sa Manila Central University (MCU) Hospital para lapatan ng lunas sa tama ng bala sa kanang siko si P/SMSgt. Samuel Peralta, 42, ng Brgy. Tugatog, Malabon City, nakatalaga sa Northern Police District. Ayon sa ulat, pababa ng motorsiklo sa harap ng kanyang bahay dakong alas-6:20 ng gabi noong Miyerkoles ang biktima nang sumulpot ang gunman at niratrat si Peralta saka tumalilis sakay ng motorsiklo. Apat na basyo ng bala, tatlong dispormadong punglo at isang metallic fragment ang…

Read More

HINDI NA MALAPITAN HARI NG CALOOCAN

MARAMI ang nadismaya matapos kanselahin ni Caloocan Mayor Oca Malapitan ang permit ng campaign motorcade ni Presidential Candidate Isko Moreno ngayong unang araw ng Marso. Maagang naisaayos ng kampo nila Moreno ang nasabing permit sa munisipyo ng Caloocan, sa pangunguna ni Aksyon Demokratiko campaign strategist Lito Banayo, ilang araw bago pa ang nasabing motorcade. Kung kailan malapit at kinabukasan na ang motorcade, biglaan na lamang binawi ni Malapitan ang permit para dito sa dahilang bubugso raw ang trapik sa buong Caloocan dahil sumailalim na ang Metro Manila sa COVID-19 Alert…

Read More