BINALASA ng Philippine National Police (PNP) ang apat na heneral matapos ma-promote bilang chief directorial staff si NCRPO Regional Director MGen. Vicente Danao Jr. Humalili kay Danao si P/MGen. Felipe Rivera Natividad bilang bagong NCRPO Regional Director epektibo Marso 01, 2022. Habang itinalaga naman bilang Deputy PNP Chief for Administration si P/Lt. Gen. Israel Ephram Taverner Dickson, hawak naman ni P/Lt. Gen. Rhodel Orden Sermonia ang ikatlong puwesto bilang Deputy PNP Chief for Operation at Acting Chief Directorial Staff si MGen. Danao. Ang balasahan ay bahagi ng promosyon ng 4…
Read MoreCategory: METRO
8 OFWs ATUBILI SA PAGLIKAS SA UKRAINE
WALO sa 181 Pilipino mula sa Ukraine ang hindi pa desidido sa pag-repatriate sa Pilipinas at nananatili pa rin sa Philippine Command Center sa Poland. Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, sa 181, 106 ang overseas Filipino workers (OFWs), 30 ang may asawang Ukrainian, at 50 ang dependents. Noong Pebrero 27, nasa 38 Filipino ang inilikas mula sa Kyiv patungo sa command center, at siyam ang lumikas sa Austria. Sa walo na nananatili sa command center, umaasa si Bello na papayag sila na makauwi…
Read MorePAGKONDENA SA RUSSIA KINATIGAN NG KAMARA
KINATIGAN ng Kamara ang pasya ng administrasyong Duterte na suportahan ang inilabas na resolusyon ng United Nations General Assembly na kumondena sa pag-atake ng bansang Russia sa Ukraine. Katwiran ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na tumatayong chairman ng House Committee on National Defense and Security, angkop lang na makiisa ang Pilipinas sa isahang pagkilos ng mga kasaping bansa ng UN, lalo pa’t nagbabadya ang posibilidad ng pananakop ng bansang Tsina sa pagmamatigas nito sa teritoryo sa karagatang sakop at pasok sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas. Giit ni Biazon, kakailanganin…
Read MoreBABY BUS NALAGLAG SA TULAY, 31 SUGATAN
CAVITE – Sugatan ang 31 katao, kabilang ang dalawang bata, nang mahulog mula sa tulay ang sinasakyang baby bus sa pababang bahagi ng ng kalsada sa bayan ng Ternate sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Unang isinugod ang mga biktima na pawang mga residente ng South Morning View Subdivision, Timalan, Balsahan, Naic, Cavite, sa San Lorenzo Ruiz Hospital sa Naic, at Cavite Municipal Hospital sa Maragondon ngunit inilipat sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital sa Trece Martires City. Habang ang driver ng baby bus na may plakang DXE 277, na si…
Read MoreROADSIDE BOMB NADISKUBRE BAGO PA PASABUGIN
NAPIGILAN ng mga tauhan ng Joint Task Force Sulu ang tangkang pagpapasabog sa itinanim na roadside bomb sa Daan Putih, Brgy. Anuling, Patikul, Sulu noong Linggo. Ayon kay 35th Infantry Battalion commander, Lt. Col. Domingo S. Robles Jr., nakatanggap sila ng sumbong mula sa mga residente ng nasabing barangay kaugnay sa improvised explosive device (IED) na natagpuan sa tabi ng kalsada. Dahil dito, mabilis na kumilos ang mga tauhan ng Philippine Army para beripikahin ang ulat. Ayon kay Robes, katuwang ang Metro Jolo Inter-Agency Task Group, K9 Team at 37EOD…
Read MoreSORSOGON MULING BINUKSAN SA TURISTA
MULING binubuksan ng Sorsogon ang pintuan nito para sa mga biyaherong lokal at dayuhan nang may mas magagandang imprastruktura, mas maayos na pasilidad, at mga karagdagang atraksiyon sa ilang lugar ng turismo, ayon kay Gov. Chiz Escudero. Tiniyak ni Escudero na isang mas maganda at mas maayos na probinsiya ang daratnan ng mga turista kapag bumisita sila sa Sorsogon ngayong niluwagan na ang mga restriksyon sa pagbibiyahe dahil na rin sa pagbaba ng bilang mga kaso ng COVID-19 sa bansa. “Noong nagsara ang mundo nang dahil sa pandemya, ginawa namin…
Read MorePOLICE VISIBILITY PALALAKASIN SA ALERT LEVEL 1
MAS paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang police visibility sa mga lansangan at mga pook pasyalan ngayong maluwag na ang restriksyon sa Metro manila at 38 iba pang mga lugar sa bansa. Ayon kay PNP chief, Police General Dionardo Carlos, magkakaroon sila ng mas maigting na police visibility sa mga pampublikong lugar bunsod ng inaasahang pagdami ng mga taong lalabas dahil sa pinaluwag na restrikyon sa COVID-19. Inihayag din ni PNP-National Capital Regional Police office director, P/Maj. General Vicente Danao na nakahanda ang kanilang puwersa sa kalakhang Maynila sa…
Read MoreSangkot sa sugal, fraud, iba pang krimen PNP NAALARMA SA PAGDAMI NG ARMED CHINESE
NABABAHALA ang Philippine National Police (PNP) sa ulat na nagiging talamak ang mga kasong kinasasangkutan ng mga armadong Chinese partikular sa Metro Manila. Ito ay kasunod ng pagkakapatay sa tatlong umano’y Chinese kidnappers na nakipagbarilan sa mga awtoridad sa Parañaque City nitong Linggo. Sa ikinasang operasyon ng PNP Anti-Kidnapping Group kasama ang Pasay at Parañaque PNP, nasagip din ang dalawang Tsinong inabutan pang nasa loob ng kulungan ng mga aso. Ayon kay Southern Police District director Jimili Macaraeg, matagal na nilang binabantayan ang kilos ng sindikato sa likod ng serye…
Read MoreGORDON SINOPLA NG PASAY RTC
MISTULANG sinopla ng Pasay City Regional Trial Court ang mandamyento de arestong inilabas ng Senate Blue Ribbon Committee kalakip ng contempt na ipinataw ni Senador Richard Gordon sa negosyanteng si Rose Nono Lin kaugnay ng hindi pagdalo sa pagdinig sa kontrobersyal na Pharmally procurement deal sa gobyerno. Sa anim na pahinang kalatas ni Judge Elenita Dimaguila ng Pasay City RTC 122, kinatigan ng husgado ang petisyong inihain ni Lin sa di umano’y hindi makatwirang warrant of arrest na ipinalabas ng komiteng pinamumunuan ni Gordon sa kabila pa ng mga katibayang…
Read More