Tahasang sinabi ni Atty. Alex Lopez na ibibigay niya ang malinis na liderato at pagbabago sa Maynila sakaling palarin na manalo sa eleksyon sa Mayo. Sa kanyang pagdalo sa Meet the Press na ginanap sa National Press Club, sinabi ni Lopez na may mga bagay sa Maynila na kailangan ayusin at linisin. Ayon kay Lopez, nakalulungkot lamang na may mga proyekto ang kasalukuyang liderato ni Manila Mayor Isko Moreno na hindi nararapat. Kabilang na rito ang rehabilitasyon ng Manila Zoo at mga paaralan na hindi naman ‘condemned’ subalit kinailangan na…
Read MoreCategory: METRO
DRIVE-THRU COVID -19 BOOSTER SHOTS SINIMULAN SA MAYNILA
SINIMULAN na ang drive-thru booster vaccination para sa motorcycle at bicycle riders nitong Sabado sa lungsod ng Maynila. Ang pagtatayo ng naturang special drive-thru vaccination hub ay ipinag-utos ni Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential candidate Francisco “Isko Moreno” Domagoso, para kaagad na mabigyan ng booster shots ang mga rider ng bisikleta at motorsiklo. Pinasalamatan naman ni Moreno ang 1,000 miyembro ng iba’t ibang bike at motorcycle riders’ organizations na nagpabakuna para mabigyan sila ng ekstrang proteksiyon laban sa COVID-19. Ayon sa alkalde, sa tulong nina Vice Mayor Honey Lacuna,…
Read MoreTINDAHAN IPINASARA SA PEKENG BIOGESIC
SA gitna ng pagsirit ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa pagpasok ng Bagong Taon, hindi pa rin maalis sa ilan nating mga kababayan ang pagiging mapanglamang, patunay nito ang isang tindahan sa Valenzuela City na nabulagang nagbebenta ng pekeng gamot sa lagnat noong Enero 7. Bunsod nito, naglabas ng Stop Order ang City Business Inspection and Audit Team (CBIAT) laban sa isang tindahan sa Barangay Malinta. Huli sa akto ang mga nasa likod ng nasabing tindahan na hindi na nakaporma matapos mahuling nagbebenta huwad na Biogesic tablets. Kaugnay…
Read More2 PULIS SINURO NG LASING NA DRIVER
NAHAHARAP sa kasong 2 counts ng reckless imprudence resulting in multiple physical injuries at paglabag sa RA 10586 (Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013) ang isang 35-anyos na Internet staller/seller, makaraang mabundol ang dalawang pulis sa gilid ng simbahan ng Quiapo nitong madaling araw ng Sabado. Kinilala ni P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco ang suspek na si Ronald Asquivel y Guinto, may asawa at residente ng #42 Kahunari St., San Jose, Navotas City. Kasalukuyan namang inoobserbahan sa Chinese General Hospital ang dalawang miyembro ng Manila Police District-Plaza Miranda Police Community Precinct…
Read MoreAFP CHIEF SAPUL DIN SA COVID
KINUMPIRMA ng Armed Forces of the Philippines kahapon na nagpositibo sa isinagawang COVID-19 test si AFP Chief of Staff, General Andres Centino. Ayon kay Col. Ramon Zagala, tagapagsalita ng AFP, kasalukuyang nasa approved isolation facility sa loob ng Camp Aguinaldo si Gen. Centino kung saan ay nagagawa pa rin nito ang kanyang trabaho bilang ayudante mayor ng hukbong sandatahan kahit na naka-quarantine. Sinabi pa ni Zagala, nananatiling ‘in full command’ si Gen. Centino at pinangangasiwaan ang lahat ng units sa pagtupad ng kanilang itinakdang mga responsibilidad. Kaugnay nito, nanawagan ang Chief of…
Read MoreLOCKDOWN SA KAMARA 1 WEEK EXTENDED
PINALAWIG pa ng isang linggo ang lockdown sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kasunod nang patuloy na pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at karatig na mga lalawigan. “We have decided to extend the lockdown by another week from January 10 to 16 as a precautionary measure to protect the health and safety of House members and employees in view of an alarming rise in COVID-19 cases in NCR and adjacent provinces,” ani House Speaker Lord Allan Velasco. Unang ini-lockdown ang Batasan Pambansa Complex sa Quezon City mula…
Read MoreALYSSA VALDEZ POSITIBO SA COVID
Ni ANN ENCARNACION NAKARANAS ng mild symptoms ng COVID si volleyball phenom Alyssa Valdez, ayon sa V Management Group. “After experiencing some mild symptoms and a confirmatory RT-PCR test, Alyssa Valdez tested positive for COVID-19,” pahayag ng V. “Please be rest assured that Alyssa is taking the necessary precautions and will be recovering from home.” Nag-tweet naman upang magpasalamat si Valdez, Top 2 celebrity housemate sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10, sa kanyang supporters. “Thank you all for the well-wishes!” Kasabay nito ay tiniyak niyang nasa maayos na lagay…
Read More15 PSG PERSONNEL POSITIBO SA COVID-19
KINUMPIRMA ng Presidential Security Group (PSG) na nagpositibo sa COVID-19 ang ilan sa kanilang personnel. Base sa tala ng PSG Task Force COVID-19, 15 personnel ang nagpositibo sa test. “These personnel were those who came from holiday break. After undergoing the mandatory quarantine for 7 days, they were administered RT-PCR Tests, and, 15 personnel have yielded positive test results,” ayon sa kalatas na ipinalabas ni PSG Commander Col. Randolph G. Cabangbang. Ang lahat aniya ng personnel ay fully vaccinated at asymptomatic. “This Command, through PSG Task Force COVID-19 is attending…
Read MoreMga pulis idineploy – PNP QUARANTINE HOTELS, BANTAY-SARADO NA
KINUMPIRMA ng Philippine National Police na nagpasimula na silang mag-deploy ng mga pulis sa mga hotel na itinakdang quarantine facilities kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito ay bunsod na rin ng nadiskubreng pagtakas ng dalawang kababaihan sa kanilang quarantine hotel para makaiwas sa itinakdang isolation rules. Una rito ang isang babae na tinaguriang “massage girl” na tumakas sa kanyang isolation requirement sa isang hotel sa Makati at nagtungo sa isang massage clinic na kanyang ipinaskil sa kanyang Facebook account, bago tumuloy sa kanyang condominium sa Global City.…
Read More