TERORISTANG BOMB EXPERT SUMURENDER

MAKARAAN ang sunud-sunod na operasyon ng militar kontra terorismo, mas pinili na lamang ng isang bomb expert ng grupong Daulah Islamiyah, na sumuko kaysa matulad sa mga kasamahang napatay sa sagupaan. Kinumpirma ni Major General Juvymax Uy, tumatayong commander ng Joint Task Force Central at 56th Infantry Division, ang pagsuko ng hindi na pinangalanang miyembro ng grupong terorista sa bayan ng Carmen sa North Cotabato. Ayon sa heneral, hindi pipitsuging terorista ang sumuko lalo pa’t klasipikadong high-value target ang nasabing indibidwal na aniya’y isang dalubhasa sa paggawa ng mga pampasabog na…

Read More

150 KABAHAYAN NATUPOK SA MAYNILA, PASAY

MAGPAPASKO’T bagong taong walang tahanan ang hindi bababa sa 150 pamilya makaraang masunog ang kanilang kabahayan sa magkahiwalay na insidente sa mga lungsod ng Maynila at Pasay. Unang natupok ang isang residential area sa San Andres Bukid sa Maynila kung saan mahigit sa 100 pamilya ang nawalan ng kanilang tahanan. Ilang minuto lang ang pagitan, sumiklab naman ang isa pang sunog sa Barangay 87 sa Pasay kung saan 20 kabahayang tinutuluyan ng 50 pamilya, ang nilamon ng apoy. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), hindi naging madali ang pag-apula…

Read More

Active cases tumaas 1 TODAS SA COVID SA NAVOTAS

KASABAY nang pagiging kampante at hindi na pagsunod ng maraming residente at bumibyahe sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area sa health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at physical distancing, isang COVID patient ang binawian ng buhay sa Navotas City noong Disyembre 7. Bukod dito, dumoble sa 14 ang dating bumaba na sa pitong active COVID cases sa lungsod matapos na walo ang nagpositibo sa virus at iisa lamang ang gumaling. Pumalo na sa 17,633 ang active COVID cases sa fishing capital, kung saan 17,074 na ang gumaling…

Read More

9 KALABOSO SA P.8-M SHABU

SIYAM na katao, kabilang ang tatlong babae, ang natimbog sa isinagawang anti-drug operation ng mga tauhan ng Manila Police District sa Quiapo, Manila noong Martes ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Luz Mayes, 31; Evelyn Abrillo, 38; Jeffrey Bobis, 42; Bobby Swing, 44; Alexander Ronquillo, 36; Emmanuel Cordero, 31; Ace Robles, 41; Verna Obinguar, 30, at isang menor de edad na si Mark Vincent, isang estudyante. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. John Guiagui, commander ng MPD-Station 3, bandang alas-10:00 ng gabi magsagawa ng anti-drug operation ang mga…

Read More

P8.5-M PARTY DRUGS NASABAT SA LAS PIÑAS *Chinese sa Pasay, huli sa kidnapping at droga

UMAABOT 4,970 piraso ng tableta ng MDMA o ecstasy na may street value na P8,500,000, ang nasabat sa joint controlled delivery operation dakong alas-4:25 ng hapon noong Martes sa Manila Doctors Village, Almanza Uno, Las Piñas City. Kinilala ang suspek na si Ana Fe Morilla alyas Jonah, residente ng Guava St., CAA PH2, Las Piñas City. Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang package na naglalaman ng 4,970 piraso ng ecstasy na may street value na P8,500,000, 1 unit ng cellular phone at dalawang identification cards. Ayon sa report na nakarating kay P/BGen. Jimili…

Read More

24/7 VAX HUB MULING BUBUKSAN SA MAYNILA

HANDA ang lungsod ng Maynila na muling i-activate ang 24/7 vaccination hub nito hindi lamang sa mga Manileño kundi maging sa mga taga ibang lugar sa sandaling makatanggap sila ng mga bagong booster shot na bakuna para sa mga nasa hustong gulang na Pilipino. Pinahiwatig ito ni Manila Mayor at presidential bet Isko Moreno Domagoso. Ang Maynila ay may nakalaan na suplay para sa pagbabakuna ng mga menor de edad at mga kategorya ng grupong A1, A2 at A3. “Kung mag-uumpisa na rin ‘yung [booster] sa mga adults… across the…

Read More

Ido-donate ng Pitmaster Foundation P20-M TULONG SA VAX DRIVE NG PAMAHALAAN

MAGBIBIGAY ng P20 milyon ang Pitmaster Foundation sa pamahalaan para hikayatin na magpabakuna na rin ang mga taong hindi pa nagpapabakuna kontra COVID-19. Ayon kay Pitmaster Foundation Executive Director Atty. Caroline Cruz, “we will turn over the said funds sa national government for the purpose na hikayatin ang mga ayaw o nagdadalawang-isip pa dyan kung magpabakuna ba o hindi”. Dagdag pa ni Atty. Cruz, “we can see the efforts of our government para mabakunahan ang lahat ng mamamayan and we want to help para mahikayat ang lahat sa pamamagitan ng…

Read More

GRAND CARAVAN NG BBM-SARA UNITEAM Ilalarga ng Metro Manila supporters

MANLILIGAW ngayong araw, Miyerkoles, Disyembre 8, si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at running mate nito na si Davao City Mayor Sara Duterte sa mga botante sa Metro Manila sa pamamagitan ng grand caravans. Ayon kay Anakalusugan Representative at Quezon City mayoralty candidate Mike Defensor, magsisimula ang motorcade sa pamamagitan ng meet-and-greet sa eastbound lane ng Commonwealth Avenue, Quezon City partikular na sa harap ng Commission on Audit (COA) alas-7:30 ng umaga. “It will then proceed along Commonwealth Avenue and Quezon Avenue. The end point of the Quezon City…

Read More

NO. 6 MOST WANTED SA CAMSUR, HULI SA QC

INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Antonio C. Yarra ang pagkakaaresto sa no. 6 provincial level most wanted person ng Camarines Sur at nakalista bilang no. 1 most wanted person sa Libmanan Municipal Police Station, sa isinagawang pinagsamang operasyon ng mga operatiba ng Project 6 Police Station (PS-15) at Libmanan Municipal Police Station, sa pamumuno ni P/Lt. Col. Jonathan S. Alayan, sa Quezon City kahapon. Kinilala ni P/Lt. Col. Michael DG Bautista, station commander ng PS-15, ang akusadong si Albert Abay, 40-anyos, residente ng Sitio Tumanan, Brgy. Sigamot, Libmanan, Camarines…

Read More