NAKAPAGTALA ng isang namatay sa COVID-19 ang Valenzuela City, habang bahagyang tumaas ang active COVID cases sa lungsod. Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), mula sa 829 noong Disyembre 2 ay naging 830 ang COVID deaths sa siyudad noong Disyembre 6, at mula sa dating 29 ay umakyat sa 34 ang active cases. Pumalo na sa 35,835 ang confirmed cases sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 34,971 na ang gumaling. Ayon naman sa Malabon City Health Department, apat ang nadagdag na confirmed cases sa lungsod noong Disyembre…
Read MoreCategory: METRO
DROGA, BARIL NASABAT SA 3 TULAK
TIKLO ang 26-anyos na kabilang sa drug watchlist ng pulisya, at dalawang kasama nito makaraang makumpiskahan ng ilegal na droga at baril noong Lunes ng gabi sa Pasig City. Ayon sa ulat ni EPD Director P/BGen. Orlando Yebra, kinilala ang mga nadakip na sina Christopher Nano, 26, nasa drug watchlist; Joven Lopez, tricycle driver, at Charmaine Bautista, 31-anyos. Napag-alaman, dakong alas- 8:30 ng gabi nang isagawa ng mga awtoridad ang buy-bust operation laban sa tatlo sa #133 MC Guinto Malasagana St., Brgy. Pinagbuhatan sa Pasig. Nakumpiska sa mga suspek ang…
Read More#BrigadangAyala: ‘KAAKAY’ NG MGA NABIYUDA AT NAWALAN NG TRABAHO SA PANDEMYA
MANILA – Kinse anyos lamang ang aspiring pastry chef na si Mary Jane Balanon nang isilang niya ang unang anak. Sa murang edad ay kinailangan niyang huminto sa pag-aaral at isantabi ang kanyang mga pangarap upang matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya. Bago magsimula ang pandemya, isang contractual saleslady si Balanon sa isang department store sa Sampaloc, Manila. Ngunit nang bumagsak ang ekonomiya ng bansa dahil sa pandemya, siya at ang kanyang asawa ay parehong nawalan ng hanapbuhay. “Sobrang hirap po mawalan ng trabaho. Dalawa po ang anak namin,…
Read MorePAGSIPA KAY DUQUE INILUTANG NI DUTERTE
BUKAS na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na palitan ang kontrobersyal na pinuno ng Department of Health. Ito ay matapos hayagang tanungin ng Pangulo si OCTA Research Fellow Fr. Nicanor Austriaco kung handa itong palitan si Health Secretary Francisco Duque III bilang bagong health secretary. “I would be happy to appoint you as a Secretary of Health if that is okay with you,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi matapos magsagawa ng presentasyon si Austriaco ukol sa Omicron variant. Bilang tugon, magalang na…
Read MoreBago face-to-face classes PAGBABAKUNA SA MGA EDAD 5-11 UNAHIN
UMAPELA si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (ISTF) na unahing bakunahan ang mga batang edad 5-11 bago payagang pumasok para sa face-to-face classes. Sa kanyang privilege speech noong Lunes, sinabi ni Robes na maging ang mga nasa kolehiyo ay limitado lamang sa mga estudyanteng nabakunahan na kaya’t dapat ay gawin din itong panuntunan sa mga batang nasa kinder at elementary school para sa kanilang proteksyon. “Kung ang mga nasa kolehiyo ay pinapagayan lamang nating…
Read MoreMakakamit ng Sorsogon HERD IMMUNITY SA PAGTATAPOS NG 2021
NANINIWALA si Sorsogon Gov. Chiz Escudero na makakamit ng probinsiya ang herd immunity sa pagtatapos ng 2021 kung kailan inaasahang mababakunahan ang 85% ng target population nito lampas-lampas sa itinatakda ng World Health Organization (WHO) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF). “Marami kaming nabigyan ng first dose noong National Vaccination Days na inaasahan naming mabibigyan ng second dose bago matapos ang taon kung kaya’t mararating namin ang mahigit kumulang na 84.7 percent fully vaccinated rate para sa populasyon ng aming lalawigan na may edad…
Read MorePayo ng DOJ sa pagsasara ng kalsada BUCOR DAPAT SUMANGGUNI MUNA SA LGU
SA gitna ng sigalot sa pagitan ng Bureau of Correction at Muntinlupa City government kaugnay ng pagsasara ng mga kalsadang patungo sa mga kabahayan, inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga opisyal ng BuCor na sumangguni muna bago gumawa ng anomang hakbang lalo na’t may naapektuhang mga residente. Giit ni Guevarra, higit na kailangan ng DOJ ang mas malawak na poder para sa pangangasiwa ng BuCor na may saklaw sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City. Partikular na tinukoy ng Kalihim ang kinasangkutan gusot ng BuCor makaraang ipasara ng…
Read MoreBALIK-DALAW HIRIT NG BJMP
MATAPOS ang halos dalawang taong restriksyon, hiniling ng Bureau of Jail Management (BJMP) sa Inter-Agency Task Force (IATF) na muling pahintulutan ang pagdalaw ng mga kaanak sa mga bilanggo sa mga piitang nasa low-risk areas. Sa isang kalatas, sinabi ni BJMP Spokesperson Chief Inspector Xavier Solda na handang-handa na ang kanilang hanay sa mahigpit na pagpapatupad ng mga patakarang naglalayong tiyakin ang kalusugan ng mga persons deprived of liberty (PDL). Kabilang sa mga panuntunang tinukoy ni Solda ay ang pagsala sa mga dalaw na kailangang magprisinta ng mga patunay na…
Read MoreNgayong holiday season PAGDAGSA NG PASAHERO, INAASAHAN NG BI
NANANATILING optimistiko si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente na tataas ang bilang ng parating na mga pasahero para sa holiday season sa kabila ng travel restrictions na ipinatutupad dahil sa banta ng Omicron variant ng COVID-19. “We see that domestic travel is, little by little, bouncing back, and we see the same coming soon for the international travel sector,” ani Morente. Ibinahagi pa ni Morente na sa unang araw ng buwan ay nakapagtala ng 85% ng arrivals ng mga Pilipino, karamihan sa kanila ay mga OFW at balikbayan.…
Read More