NATIONAL BUDGET, RARATIPIKAHAN BAGO XMAS BREAK

TARGET ng dalawang kapulungan ng Kongreso na maratipikahan ang 2022 national budget na nagkakahalaga ng P5.024 trillion, sa susunod na linggo, partikular na sa Disyembre 13, 2021. Ito ang nabatid mula kay House Committee on Appropriation Chairman Eric Yap sa ambush interview kahapon matapos simulan ang Bicameral Conference meeting ng Kamara at Senado hinggil sa 2022 General Appropriation Bill (GAB). “Target lang namin is December 13 pero para maipasok siya ng hopefully by Christmas ma-sign ni President ‘yung budget,” ani Yap. Ang Kongreso ay nakatakdang magbakasyon mula Disyembre 15, 2021 para…

Read More

PINAS, MINIMAL RISK NA SA COVID-19

MAGANDANG balita ang ipinarating ng Department of Health (DOH) hinggil sa kalagayan ng bansa sa COVID-19 pandemic. Ayon sa DOH, nasa ‘minimal risk’ na ang buong kapuluan bunsod ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng coronavirus. Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mas mababa na sa 1 ang ‘average daily attack rate’ ng bansa mula Nobyembre 22 hanggang Disyembre 5. “Nationally we remain at minimal risk case classification with a negative two-week growth rate at -57% and a low-risk average daily attack rate at 0.67 cases for every…

Read More

P1-M SHABU NASABAT SA 2 DILAG

INARESTO ang dalawang dalaga makaraang mahulihan ng mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-narcotics operation ng mga tauhan ni PNP-Police Regional Office 5 Director Jonnel C. Estomo, katuwang ang mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Naga City. Ayon kay Bicol PNP chief, P/BGen. Estomo, naging matagumpay ang ikinasang buy-bust operation ng PNP Bicol at PDEA na nagresulta sa pagkakasamsam sa 150 gramo ng umano’y shabu sa sa dalawang dalaga. Nabatid sa isinumiteng ulat ng Naga City Police Office, bandang alas-5:45 ng umaga noong Sabado nang nakorner…

Read More

Biggest fire sa Isabela BFP BLANGKO SA TRAHEDYA NG 500 PAMILYA

PATULOY ang imbestigasyon ng arson investigators ng Bureau of Fire Protection at Basilan PNP sa nangyaring malaking sunog sa Isabela City na tumupok sa 235 kabahayan nitong Linggo. Ayon sa inisyal na ulat ng Basilan provincial government, aabot sa 500 pamilya ang nawalan ng matutuluyan kasunod ng naganap na sunog sa kanilang lugar. Hanggang kahapon ay sinisiyasat pa rin ng Bureau of Fire Protection ang pinagmulan ng sunog. Kaugnay nito, nananawagan ang lokal na pamahalaan ng Isabela sa publiko na tulungan ang mga biktima ng sunog na ngayo’y nangangailangan ng…

Read More

P1-M SHABU NASABAT SA 2 DILAG

INARESTO ang dalawang dalaga makaraang mahulihan ng mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-narcotics operation ng mga tauhan ni PNP-Police Regional Office 5 Director Jonnel C. Estomo, katuwang ang mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Naga City. Ayon kay Bicol PNP chief, P/BGen. Estomo, naging matagumpay ang ikinasang buy-bust operation ng PNP Bicol at PDEA na nagresulta sa pagkakasamsam sa 150 gramo ng umano’y shabu sa sa dalawang dalaga. Nabatid sa isinumiteng ulat ng Naga City Police Office, bandang alas-5:45 ng umaga noong Sabado nang nakorner…

Read More

MEDICAL RESERVE CORPS IPASA NA – DEFENSOR

UMAPELA si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa Senado na ipasa na ang panukalang magtatag ng Medical Reserve Corps (MRC) na mahalaga aniyang puwersa sa panahon ng pandemya. “The bill is already with the Senate, after the House approved it in March. They ought to pass the measure forthwith,” ani Defensor. Ginawa ng mambabatas ang apela sa mga senador kasabay ng paggunita sa National Health Emergency Preparedness Day ngayong araw, December 6. “We have to establish the MRC without delay to reinforce the country’s health system in times of public…

Read More

PAGPAPALAKAS SA MSMEs TARGET Sa ‘One Town, One Product’

UPANG maitaguyod ang paglago ng maliliit na negosyo o ‘yung mga tinatawag na micro, small and medium enterprises (MSMEs) na tinaguriang “backbone of the Philippine economy,” isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang pagsasabatas ng “One Town, One Product (OTOP) Philippines” sa pamamagitan ng Senate Bill No. 2366 o ang One Town, One Product Philippines Act. Layon ng panukalang ito na ibangon ang mga negosyong pinadapa ng pandemya, lalo na ang mga nasa kanayunan, upang makalikha ng mga trabaho at makapagbigay ng iba’t ibang livelihood opportunities. Sa ilalim ng OTOP Philippines…

Read More

IMBESTIGASYON SA EXPIRED COVID VAX NAGPAPATULOY

PATULOY na nagsasagawa ng fact-finding investigation ang National Vaccination Operations Center (NVOC) kaugnay sa ilang COVID-19 vaccines na ipinamahagi sa ilang local government units at malapit nang mag-expire subalit hindi naiturok sa katatapos lamang na Bayanihan, Bakunahan. “We’re still doing a fact-finding investigation. Wala pa kaming conclusion with regard to that,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles. Sinabi ni Nograles na ang mga bakunang mayroong mas maagang expiration dates ang dapat unang gamitin. Sinusuring namang mabuti ng vaccine cluster ang expiration date at kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan…

Read More

MAGLA-LOCKDOWN NA LGUs AAYUDAHAN

MAGPAPADALA ng ayuda sa mga local government unit (LGU) na magla-lockdown pag pumasok na ang Omicron variant sa bansa. Ayon kay ACT-CIS Nominee Edvic Yap, naghahanda na rin ang kanilang grupo sa pagdating ng nasabing COVID-19 variant. “Alam po namin na said na ang mga LGU sa ayuda para sa kanilang mga constituents dahil magdadalawang taon na itong pandemya,” ani Yap. Dagdag pa niya, “mga bigas at delata ang ipapadala namin sa mga LGU sakaling mag-lockdown ang mga ito dahil sa Omicron.” Kasabay nito, mariin pa ring ipinaalala ni Yap…

Read More