ONG, DARGANI INILIPAT NA SA PASAY JAIL

NANINDIGAN si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na may hangganan ang pagsisinungaling ng mga resource person sa imbestigasyon ng Senado. Ito ay kasunod ng paglilipat nila sa Pasay City Jail kina Pharmally Pharmaceutical Corporation executives Linconn Ong at Mohit Dargani mula sa kanilang kustodiya. Ang dalawa ay sumailalim muna sa medical check up kabilang na ang antigen test para sa COVID-19 bago ibiniyahe sa Pasay City Jail. Ipinaalala ni Gordon na ang Senado bilang co-equal branch ng pamahalaan ay binigyan ng powers of legislation at oversight ng konstitusyon.…

Read More

SUCs SA BANSA NAIS DAGDAGAN NI MARCOS

ISUSULONG ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na makapagpatayo pa ng maraming State Universities and Colleges (SUCs) sa mga lalawigan upang mas mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang Pilipino na makapag-aral. Binigyang-diin ni Marcos na kailangang unahin ang edukasyon sa bansa kaya ang pagpapatayo ng dagdag pang mga paaralan ay mas makatutulong upang mapahusay ang kakayahan, kagalingan at kaalaman ng mga mag-aaral. Ito rin aniya ay magbibigay oportunidad sa mga mahihirap na pamilya upang mapag-aral ang kanilang mga anak nang hindi inaalala ang tumataas na…

Read More

14 DAYS QUARANTINE SA TRAVELLERS PINABABALIK

IMINUNGKAHI ng isang health expert ang pagsasailalim muli sa 14 days quarantine ng mga international traveller na pumapasok sa bansa kasunod ng nakaambang panganib sa bagong COVID-19 variant na Omicron. Ayon kay Dr. Tony Leachon, dating tagapayo ng pamahalaan, dapat ding dagdagan ang mga bansang iba-ban partikular ang mga nakitaan ng naturang variant. “Dapat iyan repasuhin at ibalik sa mas mahigpit na quarantine kasi itong ganitong mga variant, nag-i-increase ang transmission nito,” ayon kay Leachon sa panayam ng ABS-CBN’s TeleRadyo. Sa kasalukuyan, ang mga biyahero mula sa mga bansa na…

Read More

Para sa kaligtasan ng bikers BICYCLE LANES DAGDAGAN -DEFENSOR

NABABAHALA si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na posibleng lumala pa ang disgrasya sa hanay ng mga biker dahil sa kakulangan ng imprastraktura para sa mga ito. Ito’y sa gitna ng parami nang paraming nagbibisikleta papasok sa trabaho dahil sa kawalan ng masasakyan at upang makaiwas ang mga ito sa COVID-19. “In Metro Manila alone, we saw a 48 percent jump in bicycle road crashes in 2020. The rate of increase in accidents this year is bound to be even higher, considering that more people are choosing to go to…

Read More

AIRPORTS, SEAPORTS BANTAYAN – ACT-CIS

NANANAWAGAN ang ACT CIS Party-list sa mga kinauukulan na bantayan ang airports at seaports ng bansa para hindi makapasok ang bago at malakas na strain ng covid virus na Omicron na galing South Africa. Ayon kay ACT CIS Nominee Edvic Yap, “dapat ngayon pa lang maghigpit na ang Immigration, Bureau of Quarantine at iba pang ahensya na nagmomonitor ng pagpasok ng mga tao sa ating bansa”. “Naalala ko kasi naghigpit tayo sa ating mga borders pero nakapasok na ang Delta variant noon,” ayon kay Yap. Aniya, “ngayon pa lang lahat…

Read More

HIGIT 6K ANTI-COVID TABLETS IPAMAMAHAGI SA MGA OSPITAL SA MAYNILA

IPAMAMAHAGI na ang 6,600 tableta ng Anti – COVID drug na Baricitinib makaraang tanggapin nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Doktora Honey Lacuna – Pangan  nitong Biyernes, para sa mga pasyenteng nakararanas ng moderate to severe symptoms. “Pumanatag kayo dahil kasama niyo kami ni Vice Mayor Honey Lacuna at ang buong pamahalaang lungsod ng Maynila dito sa ating kinakaharap na pandemya,” pahayag ng alkalde. “Patuloy kaming magsisikap na maging mainam, masinop, at episyenteng mga lingkod-bayan,” dagdag pa nito. Ayon sa US Food and Drug Administration, nakita na mayroong…

Read More

PAGPAPAALIS NG CHINA SA PH GROUNDED SHIP SA AYUNGIN SHOAL, HINDI KATANGGAP-TANGGAP

“NO one can legally prevent us from exercising our rights. Ang sa Pilipinas ay sa Pilipinas,” ito ang pahayag ni Senator Christopher “Bong” Go, bilang reaksyon sa demand ng Chinese government sa Pilipinas na alisin ang grounded ship na BRP Sierra Madre mula sa Ayungin Shoal. Nag-ugat ang pahayag ng senador sa isang insidente na naganap sa shoal, na matatagpuan sa West Philippine Sea, nang harangin ng mga barko ng Chinese Coast Guard at bombahin ng tubig ang mga barko ng Pilipinas na maghahatid sana ng mga bagong suplay ng…

Read More

US, EU NABAHALA SA BAGONG OMICRON COVID-19 VARIANT

NAGPAHAYAG ng pagkabahala si U.S. President Joe Biden hinggil sa natuklasang Omicron COVID-19 variant na kumakalat ngayon sa Southern Africa kaya ipinag-utos na magkaroon sa Amerika ng air travel restriction mula South Africa at pito pang bansa kasabay ng panawagan sa kanilang mamamayan na fully vaccinated na magpa-booster shot at magpabakuna naman ‘yung mga hindi pa nakatatanggap ng COVID-19 jabs. Ito ay kasunod ng deklarasyon ng World Health Organization na ang Omicron o B.1.1.529 variant na nakita sa South Africa bilang isang SARS-CoV-2 na “variant of concern,” ay maaaring kumalat nang…

Read More

GINANG SINILBIHAN NG WARRANT SA MCJ

POSIBLENG magtagal pa sa loob ng kulungan ang isang 50-anyos na ginang makaraang silbihan siya ng warrant of arrest sa loob ng Manila City Jail sa Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Manila noong Biyernes ng tanghali. Kinilala ang suspek na si Evelyn Miguel, residente ng 14-A Victoria De Manila sa Taft Avenue, Malate. Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Ramon Nazario, commander ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14, bandang alas-11:00 ng tanghali, iniutos niya ang pagsisilbi ng arrest warrant sa ginang sa loob ng Female Dormitory sa MCJ dahil sa…

Read More