4 TULAK ARESTADO SA P5-M SHABU

NATIMBOG ng mga awtoridad ang apat na indibidwal, kabilang ang isang babae, makaraang painan ng boodle money sa isinagawang buy-bust operation sa Tondo, Manila noong Biyernes ng hapon. Swak sa selda ng Manila Police District-Jose Abad Santos Police Station 7, ang apat na mga suspek na kinilalang sina Jose Dantes Raymundo, 44; Robert Justiniani Jr., 30; Rommel Ortilano, 28, driver; at Malyn Alexisse On. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo III, commander ng MPD-Station 7, bandang ala-1:00 ng hapon nang isagawa ang buy-bust operation sa tabi ng…

Read More

VALENZUELA, BINIGYAN NG TB CARE MEDICAL TOOLS NG USAID

TUMANGGAP ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela ng medical tools para sa mga may tuberculosis (TB) mula sa United States Agency for International Development (USAID) at Stop TB Partnership. Ang donasyong medical tool package ay makatutulong sa higit 19,000 pasyente, maging sa sistemang pangkalusugan ng lungsod upang epektibong masuri, matutukan, magamot at maiwasan ang TB. Kabilang sa ibinigay na medical tools ang 38 portable rapid diagnostic machines, walong ultra-portable chest x-ray machines na maaaring magamit sa labas ng ospital, at Video Observed Treatment (VOT) na kayang mag-monitor ng gamutan ng pasyente gamit ang…

Read More

MATANDA’T BATA INAARUGA SA MALABON

INANYAYAHAN ang lahat ng senior citizens sa Lungsod ng Malabon na mag-update ng record sa Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) para maiwasan ang pagkaantala o pagkaabala sa mga serbisyong hatid ng pamahalaang lungsod sa mga senior citizen. Ang record updating ay gaganapin mula Nobyembre 25, 2021 hanggang Enero 31, 2022. Matatagpuan sa Facebook page ang “100% Pusong Malabon” at numero ng telepono ng OSCA ladies na magsasagawa ng profiling sa iba’t ibang barangay na maaaring tawagan o i-text para sa mga katanungan. Samantala, idinaos dakong alas-3:00 ng hapon noong…

Read More

ACTIVE COVID CASES SA NAVOTAS, 9 NA LANG

SIYAM na lang ang active COVID cases sa Navotas City noong Nobyembre 26 matapos na isa ang nahawaan at apat naman ang gumaling. Pumalo na sa 17,618 ang total cases sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 17,065 na gumaling at 544 ang namatay. Kaugnay nito, hinimok ni Navotas Congressman John Rey Tiangco ang nasasakupan na suportahan ang mga lokal na negosyo at tulungang makabangon ang ekonomiya ng lungsod na inilugmok ng pandemya sa pagbubukas ng Christmas Bazaar ng lungsod sa Navotas  Citywalk and Amphitheater. Bukas ang Christmas Bazaar mula…

Read More

4 ARESTADO SA P576K DAMO

SWAK sa kulungan ang apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang babae, matapos makuhanan ng halos P.6 milyon halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City noong Huwebes ng gabi. Kinilala ni Malabon Police chief, Col. Albert Barot ang arestadong mga suspek na sina Prea Enate, 21, ng Caloocan; Lyndon Regino alyas “Dodong”, 27, ng Brgy. Tonsuya; Mark Carlo Fortes, 20, ng Navotas City, at Jarwin Gamalog alyas “Aweng”, 20, ng Caloocan City. Ayon kay Col. Barot, dakong alas-7:30 ng gabi nang magsagawa ang…

Read More

PAGBASURA SA KASO VS ONGPIN, INAPELA NG DOJ

UMAPELA ang Department of Justice (DOJ) sa pagbasura ng korte sa asuntong drogang isinampa laban sa anak ng bilyonaryong dating kalihim ng isang kagawaran ng gobyerno. Sa isinumiteng motion for reconsideration (MFR) ng tagausig, hiniling nito sa San Fernando City, La Union Regional Trial Court na bawiin ang dismissal sa drug case na isinampa laban kay Julian Ongpin na nakuhanan ng mahigit sa 12 gramo ng droga sa isang hotel room kung saan natagpuang walang buhay ang nobya nitong si Bree Jonson. Giit ng prosekusyon, may nakalap na silang mga…

Read More

SADISTANG MISTAH PUNTIRYA NG ARMY

KASABAY ng pagsipa ng 18-araw na kampanyang naglalayong tuldukan ang karahasan sa hanay ng mga kababaihan, nanindigan ang Philippine Army na ipagtatanggol ang mga Pilipina sa kamay ng mga abusado, bilang tugon sa isinusulong na “End Violence Against Women.” Sa isang virtual forum, hinimok ni Vice Commander of the Philippine Army Maj. Gen. Robert Dauz ang kanilang hanay na sumunod sa mga probisyong kalakip ng Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act) at gayundin ang RA 11313 (Safe Space Act). Aniya, hindi rin dapat mamayani ang diskriminasyon…

Read More

TRADER KINASUHAN NG BIR SA PEKENG YOSI

SINAMPAHAN ng kasong kriminal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kahapon sa Department of Justice (DOJ) ang isang negosyante dahil sa pekeng mga sigarilyo.  Ang negosyanteng si Arthur Villena Bautista ay sinampahan ng kasong “Unlawful Possession or Removal of Articles Subject to Excise Tax Without Payment of Tax, Failure to File Excise Tax Returns at Unlawful Pursuit of Business na paglabag sa Section 263, 255 at 258 ng National Internal Revenue Code of 1997, as amended. Si Bautista ay nahaharap sa kabuuang pagkakautang sa excise tax na halagang P1,662,525, kasama ang mga tubo. Ang respondent ay…

Read More

OFFICIAL WEBSITE NI ISKO INILUNSAD

INILUNSAD ni Aksyon Demokratiko Presidential Bet at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kanyang official campaign website nitong Huwebes, Nobyembre 25. Ang campaign website na, “tayosiisko.com” ay pormal na inilabas sa isang virtual meet and greet session kasama ang kanyang mga tagasuporta at ang running mate na si Dr. Willie Ong. Ang “tayosiisko.com” ay inaasahan na magiging online platform ni Moreno kung saan makikita ang mga impormasyon tungkol sa kanyang pagtakbo bilang presidente. Pinasalamatan ni Moreno ang kanyang libo-libong mga tagasuporta na dumalo, maging ang running mate na si…

Read More