SINALAKAY ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang ilang bodega sa Baclaran, Pasay City kung saan nakumpiska ang aabot sa P1.1 bilyong halaga ng smuggled na pekeng branded na mga produkto. Sa naantalang ulat ng BOC, Nobyembre 29 nang salakayin ng BOC Intelligence Group (IG) Customs Intelligence and Investigation Service-Intellectual Property Right Division (CIIS-IPRD) at ng BOC-Port of Manila (BOC-POM) ang Baclaran Wholesale Complex sa panulukan ng F.B. Harrison at J. Fernando Streets sa Baclaran, Pasay City. Armado ng Letter of Authority (LOA) mula kay BOC Commissioner Rey…
Read MoreCategory: METRO
Wakas ng tigasing killer cop NUEZCA PATAY SA BILIBID
HINDI na kailangan pang bunuin ng tinaguriang “killer cop” na si dating Police Staff Sergeant Jonel Nuezca ang sentensiya ng husgado na habambuhay na pagkakakulong makaraang pumanaw, tatlong buwan matapos mapatunayang may sala sa brutal na pamamaslang sa mag-inang Gregorio sa Paniqui, Tarlac noong Disyembre ng nakaraang taon. Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) spokesperson Gabriel Chaclag, bandang alas-6:45 ng gabi nang nawalan ng malay si Nuezca habang naglalakad sa labas ng kanilang dormitoryo. Mabilis naman aniyang dinala si Nuezca ng mga kapwa bilanggo sa pagamutan sa loob ng National…
Read MoreCALOOCAN RESIDENTS 90% NANG BAKUNADO
UMABOT sa 1,077,453 o mahigit 89% ng kabuuang target na 1.2 milyong populasyon ng Caloocan City, ang nabakunahan na ng first dose ng COVID-19 vaccine, ayon sa huling datos ng City Health Department. Para naman sa mga fully vaccinated o nabakunahan na ng kanilang second dose, nasa 76.62% na ang lungsod. Sa pagbabakuna naman sa general pediatric population o mga kabataang edad 12-17, nasa 93,450 o 52.41% na ng target na mabakunahan ang nakatanggap na ng kanilang first dose. Samantala, hindi bababa sa 14,370 naman na kabilang sa medical workers…
Read MoreF2F CLASSES SA VALENZUELA ‘DI PA PINAL
NILINAW ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na “for approval” pa ng Department of Education ang face-to-face classes sa dalawang paaralang pang-elementarya sa Valenzuela City. “Sa mga nagre-react dyan, ang limited face-to-face classes ay for approval pa ng Regional DepEd. Simulation palang ito,” ayon sa post ni Gatchalian sa Facebook. “Hindi pa lahat ng schools sa Valenzuela City ay allowed na magsagawa ng face-to-face classes. Dalawa pa lang ang recommended natin for the limited f2f classes – DV (Disiplina Village) Bignay ES at Tagalag ES pa lang,” giit ng alkalde.…
Read MoreNCR MANANATILI SA ALERT LEVEL 2 HANGGANG DEC. 15
MANANATILI ang Kalakhang Maynila at karamihan sa lugar sa bansa sa ilalim ng Alert Level 2 mula Disyembre 1 hanggang 15 bilang bahagi ng pag-iingat laban sa pagpasok ng bagong Omicron variant ng COVID-19. “The Inter-Agency Task Force (IATF) approved on Monday, November 29, 2021 the recommendation to place the National Capital Region under Alert Level 2,” ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles. Bukod sa Metro Manila, nasa ilalim din ng Alert Level 2 ang mga sumusunod: Cordillera Administrative Region (CAR): Benguet, Abra, Kalinga, Baguio City,…
Read MoreBabae itinumba, ka-live-in sapul din MADUGONG AFTERNOON WALK
DEAD on arrival sa ospital ang isang 38-anyos na ginang makaraang barilin sa ulo ng lone gunman habang nasa malubhang kalagayan ang kinakasama niyang tinamaan ng ligaw na bala noong Lunes ng gabi sa Hermosa St., Tondo, Manila. Kinilala ni P/Lt. Col. Cenon Vargas Jr. ang biktimang si Abigail Ampil y Febres, naninirahan sa Benita St., Tondo. Nasa malubhang kalagayan naman ang live-in partner nitong si Kagawad Frankie Seña y Perez, 28, ng nasabi ring lugar. Batay sa ulat na isinumite ni P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District-Homicide…
Read More2 DRUG SUSPECTS KULONG SA P346K SHABU
BAGSAK sa kulungan ang dalawang newly listed drug personalities matapos makuhanan ng mahigit sa P.3 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon Police chief, Col. Albert Barot ang arestadong mga suspek na sina Irene Flores, 42, ng Bisig ng Kabataan, Brgy. 2, Caloocan City, at Vincent Macapar, 27, ng Pampano St., Brgy. Longos. Ayon sa imbestigasyon ni P/MSgt. Randy Billedo, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa ilalim…
Read MoreMula 5pm-9pm NUMBER CODING SA NCR EPEKTIBO NA
EPEKTIBO na simula ngayong Miyerkoles ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o ang number coding scheme sa rush hour mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes maliban kung piyesta opisyal, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Sa kanyang press conference kahapon sa MMDA Headquarters sa Brgy. Guadalupe, Makati City, sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na tanging mga pribadong behikulo sa buong Metro Manila ang sakop ng pagpapatupad ng number coding scheme sa loob ng apat na oras, at tatagal ng tatlong linggo. Exempted…
Read MoreP15.7-B HCWs BENEFITS NI-RELEASE NA NG DOH
INILABAS na ng Department of Health (DOH) ang P15.7 bilyon pondo para sa mga benepisyo ng healthcare workers sa bansa. May kabuuang P15,719,085,923.00 ang nailabas nang pondo nitong Nobyembre 26, base sa Statement of Allotment, Obligation and Balances (SAOB) ng kagawaran. Ayon sa DOH, kabilang dito ang P7,915,760,434 Special Risk Allowance (SRA) ng 486,585 healthcare workers mula Disyembre 20, 2020 hanggang Hunyo 30, 2021 habang nasa P6,555,957,185 na SRA at active hazard duty pay (AHDP) ang nailabas na rin. Umabot naman sa P1,231,098,680 ang ni-release para sa ‘meals, accommodation, and…
Read More