RANDOM DRUG TEST SA MPD

NASORPRESA ang mga miyembro ng Manila Police District – Sampaloc Police Station 4 nang isalang sila sa random drug test, Huwebes ng umaga. Napuno sa haba ng pila ng mga tauhan ng Station 4 ang quadrangle ng MPD sa United Nations Avenue, Ermita, Manila. Ayon kay P/Cpt. Philipp Ines, hepe ng Public Information Office, bahagi ang random drug test ng Intensified Cleanliness Policy na ipinatutupad ni MPD Director P/Brig Gen. Leo “Paco” Francisco. Sa mga nakalipas na buwan ay nagsagawa na rin ng random drug test sa mga tauhan ng…

Read More

RETIRADONG PULIS TINANIMAN NG BALA SA SENTIDO

PATAY ang 66-anyos na retiradong pulis makaraang taniman ng bala sa ulo ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek habang naglalakad kasama ang kanyang aso sa Quezon City, kamakalawa ng umaga. Kinilala ang biktimang si Robert Tortogo, isang retiradong pulis at residente ng Barangay Payatas, Quezon City. Batay sa paunang ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-6:05 ng umaga, nang sumulpot mula sa likod at malapitang barilin sa ulo ng ‘di pa nakikilalang suspek ang biktimang noo’y ipinapasyal ang kanyang alagang aso. Mabilis namang…

Read More

Solusyon sa unemployment – Defensor 178K TRABAHO SA GOV’T, PUNAN

KINALAMPAG ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor ang mga ahensya ng gobyerno na lagyan na ng tao ang 187,000 bakanteng posisyon lalo na’t milyon-milyon ang walang trabaho. “The government is the country’s biggest employer. It can ease the unemployment problem by hiring personnel to fill job vacancies, for which there are funds in the annual budget,” ani Defensor. Base aniya sa 2022 national budget document na isinumite sa Kongreso, umaabot sa 1,899,747 ang permanent position sa buong burukrasya. Gayunpaman, sa naturang bilang ng permanenteng posisyon, 1,721,753 lamang ang may tao…

Read More

Unang COVID-19 oral treatment FABERCO NAG-TURNOVER NG MOLNUPIRAVIR SA MANILA

ITINURN-OVER ng Faberco Life Sciences, Inc. noong Martes (Nobyembre 23), ang first batch ng MOLNUPIRAVIR (Molnarz™) sa City of Manila sa seremonyang ginanap sa Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta. Tinanggap nina Manila Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna, at Doc Willie Ong ang gamot. Ang City of Manila ang unang Local Government Unit na bumili ng MOLNUPIRAVIR (Molnarz™) sa pamamagitan ng Faberco Life Sciences, Inc. Ang Santa Ana Hospital, sa pamamagitan ng Compassionate Special Permit (CSP) na inisyu ng Philippine Food and Drug Administration, ang recipient/receiving hospital para…

Read More

QC CONGRESSIONAL CANDIDATE, PUMALAG SA DQ CASE

PUMALAG ang isang congressional candidate sa District 5 ng Quezon City sa paulit-ulit at walang basehang disqualification case na matagal nang ibinasura ng korte dahil sa kawalan ng merito. Sa pahayag ni Rose Lin, kandidato sa hanay ng Malayang Quezon City, sinabi niyang may pinal nang desisyon ang korte na siya ay lehitimong residente ng District 5 at rehistradong botante rin ng nasabing lugar. Isang Annalou Apelado, sa pamamagitan ng kanyang abogado, ang muling naghain ng petisyon sa Election Office para ipawalang-bisa ang kandidatura ni Lin kahit na ibinasura ang…

Read More

BABAENG TULAK, 3 PA NALAMBAT SA BASECO

APAT na indibidwal, kabilang ang isang babae na siyang target ng operasyon, ang binitbit ng mga operatiba ng Manila Police District sa inilatag na buy-bust operation sa Baseco Compound, Port Area, Manila noong Martes ng hapon. Kinilala ang target ng operasyon na si Norma Batua y Ahito, 40-anyos, residente ng 12th Street, Barangay 650, Port Area. Samantala, swak din sa operasyon ang umano’y mga buyer ni Batua na sina alyas “Toto”, miyembro ng Batang City Jail, residente ng Baseco Compound, Port Area; isang alyas ” Murphy”, 39, kaanib ng Sputnik Gang, at…

Read More

ACTIVE COVID CASES SA NAVOTAS SUMADSAD *Booster shots larga na sa Caloocan

UMABOT na lamang sa 14 ang active COVID-19 cases sa Navotas City noong Nobyembre 23, ang bagong pinakamababang bilang ng aktibong kaso ngayong taon, matapos na walang magpositibo sa 108 swab test results na natanggap ng City Health Office mula sa Philippine Red Cross. “Wish granted. We’ve prayed and worked hard for our numbers to go down. This shows that all our efforts and sacrifices have borne fruit,” ani Mayor Toby Tiangco. “We cannot thank enough all our frontliners for their steadfast service to the city, and every Navoteño for doing…

Read More

BI KASADO NA SA PAGDATING NG FOREIGN TOURISTS

INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na nakahanda na sila para sa muling pagbubukas ng Philippine borders para sa foreign tourists. Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente, habang wala pang siguradong petsa kung kailan muling bubuksan ang bansa para sa foreign tourists, tiwala siya na malapit na ito. “There are reports circulating that the country has already reopened its borders to international leisure travelers,” ani Morente. “While we are awaiting the official announcement from the IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases), we have already put in place…

Read More

STATUTORY RAPE KAPAG VICTIM 16-ANYOS PABABA

INAPRUBAHAN na sa Bicameral Conference Committee ang panukalang batas na itaas sa 16-anyos ang edad ng biktima ng statutory rape mula sa kasalukuyang 12-anyos pababa. “Finally, the decades-old loophole in the law will be addressed, and we are one step away from adhering to our commitments to international conventions on women and children’s rights,” ani Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas na pangunahing may akda sa nasabing panukala. Nakatakdang ratipikahan sa dalawang Kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukala bago isumite sa Office of the President (OP) upang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Itinaon…

Read More