RAPE SUSPECT SA REGION 5, NABITAG SA QC

ARESTADO ang isang 30-anyos na tinaguriang no. 2 most wanted person ng Region 5, noong Lunes ng hapon sa Brgy. Manresa, Quezon City. Kinilala ang suspek na si Rey Timana y Cabiles, alyas “Dadeng”, 30, binata, ng Canumay West, Valenzuela City, naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District bandang alas-3:30 noong Lunes ng hapon sa Ragang St., Brgy. Manresa, Quezon City. Ang suspek ay inaresto sa bisa ng isang search warrant na ipinalabas ni Judge Pedro Redona ng RTC Branch 63, 5th Judicial Region, Calabanga, Camarines Sur, sa kasong rape. Ayon sa QCPD, ang suspek na nakapiit sa himpilan…

Read More

7 BAYAN SA LAGUNA, ZERO COVID NA

LAGUNA – Umabot na sa pitong bayan ang idineklarang COVID-free sa lalawigan, ayon sa Laguna Provincial Health Office. Wala nang naitalang aktibong kaso o ‘zero’ na sa COVID-19 ang mga bayan ng Alaminos, Majayjay, Lumban, Pangil, Lusiana, Rizal, at Famy. Sa ibang bayan naman ay patuloy na ring bumababa ang mga tinatamaan ng sakit. Sa pinakahuling bulletin na inilabas noong Nobyembre 22 ng hapon, 282 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 habang 96,449 ang mga gumaling at 3,115 ang mga namatay. (CYRILL QUILO) 527

Read More

ONLINE TRANSACTION SA GSIS PENSIONERS

NANAWAGAN ang Government Service Insurance System (GSIS) sa mga pensiyonado na makipagtransaksyon online ngayong panahon ng pandemya. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni GSIS VISMIN Operations Group vice president Vilma Fuentes, na layon ng kanilang panawagan na himukin ang lahat ng mga pensyonado na gawing online ang kanilang mga transaksyon, gaya ng Annual Pensioners Information Revalidation o APIR. Kabilang na rin aniya rito ang application for commencement of pension o pagsisimula ng pensiyon. Hinikayat din ni Fuentes ang lahat ng GSIS pensioners na gawin ng online ang kanilang transaksyon…

Read More

40K ANTI-COVID CAPSULES DUMATING SA MAYNILA

NAIDELIBER na sa pamahalaang lungsod ng Maynila ang 40,000 kapsula ng anti-COVID-19 na Molnupiravir na sinasabing makababawas ng 50% sa tsansa na maospital o mamatay ang isang pasyente na nahawa ng nasabing virus. Ayon sa ulat ni Mayor Isko Moreno, nakaimbak na ang naturang mga gamot sa Sta. Ana Hospital na may sapat na espasyo para paglagakan ng antiviral na gamot. Simbolikong iniabot ng alkalde ang ilang kahon ng Molnupiravir sa Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta upang tiyakin sa mga pasyente na may mild at moderate na sintomas na…

Read More

3 TIKLO SA DRUG OPS SA VALENZUELA

TIMBOG ang tatlong drug personalities sa isinagawang magkahiwalay na anti-drug operation ng pulisya sa Valenzuela City. Sa report ni P/SSG Ana Liza Antonio kay Valenzuela Police chief, P/Col. Ramchrisen Haveria Jr., dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni P/Lt. Joel Madregalejo, ng buy-bust operation sa Policarpio St., Brgy. Gen T. De Leon na nagresulta sa pagkakaaresto kay Rolando Malongayon Jr., 30-anyos. Habang sa Brgy. Ugong, nadakip din ng kabilang team ng SDEU ang suspek na si Alfredo Santos…

Read More

1 sa Malabon 2 TUMBA SA PANDEMYA SA VALENZUELA

DALAWANG COVID-19 patients ang namatay sa Valenzuela City sa loob ng nakalipas na apat na araw. Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit, umakyat sa 825 ang COVID deaths sa lungsod noong Nobyembre 22 mula sa 823 noong noong Nobyembre 18. Bumaba naman sa 66 ang active COVID cases mula sa dating 109. Pumalo na sa 35,760 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 34,869 na ang gumaling. Samantala, isang COVID patient naman ang namatay sa Barangay Longos, Malabon City noong Nobyembre 22 at apat ang…

Read More

PAMILYANG PINADAPA NG PANDEMYA, AAKAYIN NG #BrigadangAyala

MANILA – Patuloy ang Ayala group sa pagbibigay ng tulong sa mga komunidad na lubos na naapektuhan ng pandemya. Magsasagawa ng 12-week food distribution ang #BrigadangAyala Kaakay sa Metro Manila, kung saan 10,000 pamilya o 500,000 indibidwal ang matutulungan. “I personally find it hard to celebrate the Christmas season knowing we have fellow Filipinos barely able to eat. None of us can solve the problem by ourselves, but each one in his own small way can help,” ani Rene Almendras, Senior Managing Director at Public Affairs Group Head ng Ayala…

Read More

11 PATAY SA COVID SA CALOOCAN

UMABOT sa 11 ang patay sa COVID-19 sa Caloocan City, ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit. Umakyat sa 1,597 ang total death sa lungsod noong Nobyembre 21 mula sa 1,586 noong Nobyembre 12. Bumaba naman sa 137 ang active cases sa lungsod mula sa dating 240. Umabot na sa 61,555 ang nasapul ng pandemya sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 59,821 na ang gumaling Samantala, isang COVID-19 patient naman sa Barangay Acacia, Malabon City ang namatay noong Nobyembre 21. Ayon sa City Health Department, dalawa ang nadagdag na confirmed…

Read More

Karanasan sa HUDCC gagamitin INFORMAL SETTLERS SA QC, TUTULUNGAN NI DEFENSOR

GAGAMITIN ni Anak Kalusugan Representatives Mike Defensor ang kanyang karanasan noong siya ay kalihim ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), para makapamahagi ng pabahay sa mga pamilyang walang permanenteng tirahan sa Quezon City. Ayon kay Defensor, mayroong 250,000 na mga pamilya ang nagtayo ng kanilang mga bahay sa mga lupang hindi nila pagmamay-ari at 50,000 mga pamilya ang gumawa ng kanilang bahay na may pagpayag ng mga may-ari ng lupa. “Matagal na ‘tong problemang ito, nararapat sigurong matuldukan na ito para sa mga kababayan natin na nangangarap na…

Read More