LADY PUSHER HULI SA P13-M SHABU

BAGSAK sa kulungan ang isang babae na hinihinalang bigtime drug pusher matapos makumpiskahan ng mahigit P13 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City noong Biyernes ng gabi. Kinilala ni Malabon Police chief, Col. Albert Barot ang arestadong suspek na si Herssie Ogoy, 23, ng Fatima Street, Tulay 14, Brgy. Daang Hari, Navotas City. Ayon sa report ni Col. Barot kay Northern Police District (NPD) Director, P/BGen. Jose Hidalgo Jr., ang pagkakaaresto sa suspek ay nag-ugat sa ibinunyag ni Alejandro Blancaflor alyas “Andy,” 46 na…

Read More

2 BATANG LIDER NG SINDIKATO, TIMBOG

ARESTADO sa Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang menor de edad na kapwa pinaniniwalaang lider ng kilabot na sindikato sa likod ng robbery hold-up at carnapping operations sa National Capital Region (NCR). Sa isang operasyong inilunsad ng QCPD Station 14, na pinamumunuan ni Col. Jeffrey Bilaro, sa Camarin, Caloocan City narekober ang isang Toyota Ace utility van na inalarma bunsod ng reklamong inihain ng isang Jorrelyn Mirador na ninakawan ng kanyang sasakyan sa Barangay Holy Spirit, Quezon City. Ayon kay QCPD Director Brigadier General Antonio Yarra, kapwa edad 17…

Read More

PUBLIKO BINALAAN SA RED TIDE SA SHELLFISH

IPINAGBABAWAL ang pagkolekta at pagbebenta ng shellfish mula sa mga karagatan ng Bataan (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal). Gayundin mula sa mga karagatan ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; karagatan ng Biliran Island; Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; karagatan ng Baroy sa Lanao del Norte; at Lianga Bay sa Surigao del Sur dahil positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide ang nasabing lamang-dagat at nakakalason sa tao. Ito ay…

Read More

Binuong anti-smuggling task force tagumpay 81K LITRO NG SMUGGLED FUEL NAKUMPISKA

NAGBUNGA ang binuong Anti-fuel Smuggling Task Force ng apat na ahensya ng gobyerno matapos makahuli ng 81,000 litro ng mga produktong petrolyo, Ayon sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda, iniulat ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang nahuling smuggled oil products mula noong Pebrero. Ang nasabing task force ay pinangunahan ng BOC kasama ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Energy (DOE), Philippine Coast Guard (PCG) at National Bureau of Investigation (NBI). Binuo ang Fuel Integrity and Field Testing…

Read More

NUMBER CODING MULING IKAKASA

IREREKOMENDA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabalik ng modified number coding scheme sa Kalakhang Maynila ngayong linggo. Ang dahilan ni MMDA Chairman Benhur Abalos, bumalik na ang pre-pandemic levels, lalo na tuwing Biyernes. Dahil dito, hihilingin ng MMDA sa mga local chief executive sa Metro Manila na aprubahan ang pagbabalik ng number coding mula 5 p.m. hanggang 8 p.m. Ang rehiyon ay isinailalim sa mas pinaluwag na Alert Level 2 quarantine level ngayong buwan, kung saan pinapayagan ang mas maraming paggalaw at muling pagbubukas ng mga negosyo. Sinabi…

Read More

PHASE 4 NG ALERT LEVEL SYSTEM APRUB

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapatupad ng Phase 4 ng Alert Level System sa lahat ng natitirang rehiyon sa ilalim ng kani-kanilang Alert Levels mula Nobyembre 22 hanggang Nobyembre 30 2021. “Thereby covering all regions in the country,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles. Nasa ilalim ng Alert Level 2 ang Benguet, Abra at Kalinga sa Cordillera Administrative Region; Oriental Mindoro, Puerto Princesa, Marinduque, Romblon, Palawan at Occidental Mindoro sa Region IV-B; Butuan City, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Sur at…

Read More

BOOSTER SHOTS SA HCWs LARGA NA SA LAS PIÑAS

SINIMULAN na ng Las Piñas City government ang pagtuturok ng COVID-19 booster shots sa hanay ng mga healthcare workers na nakabase sa nasabing lungsod. Sa datos na ibinahagi ni Las Piñas Mayor Imelda “Mel” Aguilar batay sa records ng City Health Office (CHO), nasa 3,700 fully-vaccinated healthcare workers ang kanilang nakatakdang bigyan ng booster shots sa hangaring tiyaking ligtas ang kanilang hanay sa pagpapatuloy ng pagganap sa kani-kanilang tungkulin. Ayon pa sa alkalde, inaprubahan na rin ng Inter Agency Task Force (IATF) ang kanilang vaccination roll out gamit ang Moderna…

Read More

2 LALAKI SWAK SA HOYO SA P.2-M SHABU

SWAK sa hoyo ang dalawang lalaki makaraang makumpiskahan ng halos P.2 milyong halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City. Ibinalibag sa selda ang mga suspek na sina Joseph Alvir 42, jeepney driver, at Alberto Bautista, 57, construction worker, kapwa ng Caloocan City. Natiklo ang dalawa sa Salmon St., Brgy. 8, Caloocan City dakong 3:45 ng madaling araw noong Nobyembre 20. Umabot sa 25 gramo ng shabu na may presyong P170, 000, ang nakumpiska sa dalawa na idineretso sa presinto. (ALAIN AJERO) 215

Read More

TRUCKING DISPATCHER TIMBOG SA PAGNANAKAW

ARESTADO ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang 45-anyos na dispatcher sa bisa ng warrant of arrest sa kasong qualified theft, nang mamataan sa Sabrina Trucking sa Sampaloc, Manila noong Biyernes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Aldrin Ante y Magistrado, may asawa, ng #924 Domingo Santiago St., Sampaloc. Si Ante ay itinuturing na most wanted person dahil sa kasong 3 counts ng qualified theft. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Ramon Nazario, commander ng MPD-Barbosa Police Station 14, bandang 5:45 ng hapon nang isilbi ang warrant…

Read More