ALICE GUO, IBA PA HABAMBUHAY HIMAS-REHAS

GUILTY sa kasong qualified trafficking ang tinanggal sa puwesto na dating alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, batay sa inilabas na desisyon ng Pasig City Regional Trial Court noong Nobyembre 20, 2025. Bukod kay Guo, hinatulan din sina Rachelle Malonzo Carreon, Jaimielyn Cruz, at Walter Wong Rong ng habambuhay na pagkabilanggo at multang ₱2 milyon. Ang kaso ay nag-ugat sa pagbunyag ng ilegal na operasyon ng isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban, kung saan natuklasan ng mga awtoridad na pinatatakbo ito ng Zun Yuan Technology. Nagsilbing…

Read More

BAM KAY ZALDY CO: BUMALIK SA BANSA AT HARAPIN ANG MGA ALEGASYON

NAKIISA na rin si Senador Bam Aquino sa mga nananawagan kay dating Cong. Zaldy Co na umuwi na at panumpaan ang kanyang mga alegasyon. Hinimok din ni Aquino ang dating kongresista na isiwalat ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa maanomalyang flood control projects at kontrobersyal na budget insertions. Muling iginiit ni Aquino na kailangang managot ang lahat ng sangkot sa maanomalyang flood control projects, mabawi ang ninakaw na pondo, at dapat magpatupad ng mga sistematikong reporma upang hindi na maulit ang katiwalian sa hinaharap. Iginiit din ni Aquino ang…

Read More

DUTERTE CAMP WALANG TIWALA SA ICI

KADUDA-DUDA at ilegal ang pagkakatatag ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) na nilikha ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon kay dating Political Affairs Secretary at dating Negros Oriental rep. Jacinto Paras. Sa isang forum sa Kapihan sa Manila Bay nitong Miyerkoles, iginiit ni Paras na duplicate lamang ang komisyon sa mandato ng Office of the Ombudsman, na siyang pangunahing ahensyang nagsisiyasat sa mga kaso ng korupsyon. Ayon kay Paras, nilabag ng ICI ang batas kaugnay ng malversation of public funds dahil wala umano sa 2025 General Appropriations Act ang…

Read More

PAGIGING PATAS NG SANDIGANBAYAN HINILING SA DPWH FUND MESS CASE

PINUNA ng iba’t ibang cause oriented groups at law experts ang anunsyo ng Ehekutibo na posible na sa darating na Disyembre 15 ay maglalabas na warrants of arrest laban sa mga sangkot sa maanomalyang flood-control projects. Pangamba ng mga grupo, ang mga ganitong uri ng anunsyo mula sa Ehekutibo ay posibleng magbigay ng “undue pressure” sa hudikatura, na dapat ay manatiling independent sa lahat ng pagkakataon. Ipinaalala ni Universidad de Manila College of Law Dean Pearlito Campanilla na kailangan ay umiral ang “judicial neutrality” anoman ang umiiral na emosyon ng…

Read More

SHOW CAUSE ORDER KAY MARCOLETA SA HINDI PAGTUTUGMA NG SOCE AT SALN

MAGLALABAS ng show cause order ang Commission on Elections (Comelec) kay Senator Rodante Marcoleta dahil sa umano’y maling pagdeklara ng donasyon sa kanyang kampanya. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, layunin ng show cause order na pagpaliwanagin si Marcoleta kung saan nagmula o sino ang nagbigay ng mga donasyon sa kampanya niya. Ang Political and Finance Department ng komisyon ang mag-iisyu ng kautusan matapos lumabas sa ulat ang umano’y hindi pagtutugma ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng senador sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).…

Read More

SPORTS PINASASAMA NI PBBM SA SCHOOL ACTIVITIES

NAIS ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maisama sa pang-araw-araw na school activities ng mga estudyante ang isport, binigyang-diin ang leksyon at karakter na natututunan sa pamamagitan ng palakasan na pwede nilang i-apply sa iba pang aspeto ng buhay. Sa pagbubukas ng PhilSports Complex sa Pasig City nitong Miyerkoles, ibinahagi ng Pangulo ang kanyang personal na alaala nang isali siya ng kanyang ama, si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa iba’t ibang uri ng palakasan. “There is no other activity that builds character better than sports. There is no…

Read More

ZALDY CO NILILITO PILIPINO — SPEAKER DY

INAKUSAHAN ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ng lalo pang paglikha ng kalituhan sa publiko matapos maglabas ng video message tungkol sa umano’y P100 bilyong insertion sa 2025 national budget na ibinibintang niya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa naturang video, sinabi ni Co na nagpasok umano ang Pangulo ng P100 bilyong halaga ng proyekto at na ang 25% komisyon o katumbas ng P25 bilyon ay dinala umano sa bahay ng Pangulo, kay dating House Speaker Martin Romualdez sa Forbes…

Read More

ZALDY CO KASAMA SA 1ST BATCH NA KINASUHAN NG KATIWALIAN SA SANDIGANBAYAN

GUMANA na ang resbak ng pamahalaan laban kay dating congressman Ako-Bicol Partylist Elizaldy “Zaldy” Co matapos isampa ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang patung-patong na kaso kaugnay ng flood control scam sa Oriental Mindoro. Makaraan ang dalawang buwang imbestigasyon, pagkalap ng ebidensya at testimonya, inanunsyo ng Ombudsman ang resolusyong nagpapahintulot na magsampa ng kasong kriminal laban kay Co at iba pang sangkot sa kontrobersya. Ayon kay Assistant Ombudsman Mico F. Clavano, sinampahan nila ng kasong kriminal sina Co, ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways Region IV-B, at pati…

Read More

NAVY, MARINES PUMALAG SA PAGDAWIT SA KANILA SA ‘NAWAWALANG’ SI GUTEZA

INALMAHAN ng Philippine Navy at ng Philippine Marine Corps ang muling pagdawit sa militar sa umano’y pagkawala ni Orly Regala Guteza, ang sinasabing “surprise witness” sa multibillion peso flood control scandal, kasabay ng patuloy na malawakang protesta sa bansa. Ayon kay Navy Spokesperson Capt. Marissa Martinez, walang katotohanan ang pinalalabas na nasa kustodiya ng Navy o ng Marine Corps si Guteza, na matagal nang nagretiro sa serbisyo. “To those who continue to fabricate stories and weaponize misinformation at the expense of the AFP, we respectfully appeal: please spare the Navy…

Read More