NGAYONG Lunes, Nobyembre 24, 2025, magtatapos ang ultimatum na ibinigay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) laban kay dating Ako Bicol rep. Zaldy Co at 15 iba pa na sangkot sa multi-bilyong flood control scam upang isuko ang kanilang sarili kasunod ng warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan. “Otherwise, we will hunt them down. We will do everything we can for them to face the law,” babala ni Interior Secretary Jonvic Remulla sa isang panayam. Ayon sa DILG, tumutupad ito sa direktibang inilabas ni Pangulong Ferdinand…
Read MoreCategory: METRO
Sa gitna ng kaguluhan sa bansa MANALIG SA KATOTOHANAN HINDI SA TSISMIS – GOITIA
PINAALALAHANAN ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang sambayanang Pilipino na huwag unahin ang tsismis kaysa katotohanan at ingay kaysa katinuan. Ayon sa kanya, “Hindi kailangan ng katotohanan ang drama. Nananatili ito dahil totoo.” Aniya, lumalakas lamang ang boses ng kasinungalingan dahil marami ang ayaw makipaglaban sa katotohanan. Sa kabila ng mga walang basehang paratang, nananatiling tahimik ngunit tuloy-tuloy ang pagtatrabaho ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta Marcos para sa kapakanan ng bansa. Hindi humihinto ang pamahalaan dahil sa gustong lumikha ng iskandalo. Patuloy ang…
Read MorePARA ‘DI MAGAYA KAY FM, BBM DAPAT BUMABA SA PWESTO – CHAVIT
HINIKAYAT ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na boluntaryo nang bumaba sa kanyang pwesto upang hindi maulit ang nangyari sa kanyang ama na puwersahang pinaalis sa Malakanyang sa pamamagitan ng people’s power revolution. “Pag ‘di siya bumitaw, I am dead sure, mapapatalsik siya,” ani Singson sa kanyang pagdalo sa buwanang MACHRA ‘Balitaan’ ng Manila City Hall Reporters’ Association na ginanap sa Harbor View Restaurant sa Ermita, Manila. Sa ngayon, sinabi ni Singson na may option pa si Marcos para magkaroon ng “honorable exit”…
Read MoreMAG-ASAWANG DISCAYA SUMIPOT SA UNANG PRELIM INVESTIGATION SA DOJ
DUMATING sa Department of Justice (DOJ) ang mag-asawang Discaya para gisahin sa tax evasion case na isinampa ng BIR laban sa kanila sa halagang P7.1-bilyon. Ang mga kontraktor na sina Curlee at Sarah Discaya naghain ng kanilang kontra-salaysay sa alegasyon ng BIR na nandaya ito sa kanilang kompanya ng hindi tamang pagbayad ng buwis. Kinumpirma ni Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, nagsagawa ng unang preliminary investigation ang panel of prosecutors kung saan kapwa sila nagsumite ng counter o reply affidavit sa inihaing reklamo. Ayon kay Martinez, personal pumunta sa DOJ…
Read MoreRIDON IKINABAHALA PAGBABANTA SA MEDIAMAN
NAGPAHAYAG ng pangamba si Congressman Terry Ridon matapos lumabas ang ulat ng umano’y pagbabanta ni Julie “Dondon” Patidongan laban sa TV-5 reporter na si Gary de Leon, na nagko-cover ng kaso ng mga nawawalang sabungero. Sa viral na recording ng kanilang pag-uusap, maririnig umano si Patidongan na sinasabing “ingatan ang buhay” ni de Leon matapos itong akusahan ng pagiging “bias at bayaran.” Ayon kay Ridon, ang anomang banta laban sa isang mamamahayag ay banta rin laban sa katotohanan, kaya’t hindi dapat palampasin ng Kongreso ang ganitong uri ng pananakot. Iginiit…
Read MoreMGA NAG-A-APPLY BILANG STATE WITNESS SA FLOOD SCAM HINDI PA NAGSASAULI NG PERA
KAHIT singko, wala pang naibalik na pera ang mga dawit sa flood control scam na nag-apply bilang state witness. Kinumpirma ito ng Department of Justice (DOJ) kasunod ng tanong kung totoong nagbalik na si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo ng umano’y nakulimbat na pondo mula sa maanomalyang proyekto, base sa pahayag ni Senator Sherwin Gatchalian. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, wala pang restitution na naganap, at kung sakaling magkaroon, agad itong ipaaalam sa publiko. Binigyang-diin din niya na kinakailangan munang magkaroon ng memorandum of agreement kay Bernardo at…
Read MoreALICE GUO, IBA PA HABAMBUHAY HIMAS-REHAS
GUILTY sa kasong qualified trafficking ang tinanggal sa puwesto na dating alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, batay sa inilabas na desisyon ng Pasig City Regional Trial Court noong Nobyembre 20, 2025. Bukod kay Guo, hinatulan din sina Rachelle Malonzo Carreon, Jaimielyn Cruz, at Walter Wong Rong ng habambuhay na pagkabilanggo at multang ₱2 milyon. Ang kaso ay nag-ugat sa pagbunyag ng ilegal na operasyon ng isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban, kung saan natuklasan ng mga awtoridad na pinatatakbo ito ng Zun Yuan Technology. Nagsilbing…
Read MoreBAM KAY ZALDY CO: BUMALIK SA BANSA AT HARAPIN ANG MGA ALEGASYON
NAKIISA na rin si Senador Bam Aquino sa mga nananawagan kay dating Cong. Zaldy Co na umuwi na at panumpaan ang kanyang mga alegasyon. Hinimok din ni Aquino ang dating kongresista na isiwalat ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa maanomalyang flood control projects at kontrobersyal na budget insertions. Muling iginiit ni Aquino na kailangang managot ang lahat ng sangkot sa maanomalyang flood control projects, mabawi ang ninakaw na pondo, at dapat magpatupad ng mga sistematikong reporma upang hindi na maulit ang katiwalian sa hinaharap. Iginiit din ni Aquino ang…
Read MoreDUTERTE CAMP WALANG TIWALA SA ICI
KADUDA-DUDA at ilegal ang pagkakatatag ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) na nilikha ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon kay dating Political Affairs Secretary at dating Negros Oriental rep. Jacinto Paras. Sa isang forum sa Kapihan sa Manila Bay nitong Miyerkoles, iginiit ni Paras na duplicate lamang ang komisyon sa mandato ng Office of the Ombudsman, na siyang pangunahing ahensyang nagsisiyasat sa mga kaso ng korupsyon. Ayon kay Paras, nilabag ng ICI ang batas kaugnay ng malversation of public funds dahil wala umano sa 2025 General Appropriations Act ang…
Read More