TAHASANG nanawagan si dating Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson na magbitiw na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maiwasan umano ang posibilidad ng kaguluhan gaya ng mga nagaganap ngayon sa Nepal at Indonesia kung saan sinugod ng mga nagpo-protesta ang tahanan ng mga politiko. Sa isang press conference sa Club Filipino sa San Juan City, sinabi ni Singson na dapat unahin ang imbestigasyon sa mga flood control projects sa Region 1, partikular sa Ilocos Norte, na mismong lalawigan ng Pangulo. Ayon sa kanya, imposibleng hindi alam ni Marcos ang…
Read MoreCategory: NASYUNAL
BUDGET NG ARTS AT CULTURE SUPORTADO SA SENADO
TODO ang suporta ni Senador Win Gatchalian sa 2026 budget ng mga ahensiyang may kinalaman sa sining at kultura. Sa budget hearing na pinamunuan ni Senador Loren Legarda nitong Biyernes, Setyembre 19, iginiit ni Gatchalian na dapat lang bigyang pansin ang pagpapaunlad ng kultura at sining sa bansa. “Alam nating lahat na ikaw (Legarda) ang pinaka-mahilig sa arts and culture. Kaya noong ako pa ang chair ng basic education committee, ginawa nating special committee ang arts and culture para mas mabigyan ng focus,” ani Gatchalian. Kabilang sa mga nakatakdang pondohan…
Read MoreWORD WAR! SANDRO VS. PULONG
TULUYANG sumiklab ang word war sa pagitan nina House Majority Leader Sandro Marcos, anak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte, anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Unang umatake si Pulong matapos akusahan si Sandro na siya umanong pumili kay Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III bilang kapalit ng nagbitiw na si dating Speaker Martin Romualdez. Aniya, “cover-up” lang ang pagpapalit ng liderato sa Kamara. Hindi nagpahuli ang batang Marcos na tumugon na: “Naku, baka style niya yun noong anak siya ng Pangulo. I…
Read MoreSa pagsibak kay Romualdez HIDWAAN LUMALALIM SA MARCOS ADMIN
LUMALALIM ang hidwaan sa loob ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa gitna ng matinding galit ng taumbayan sa mga katiwalian sa gobyerno tulad ng flood control projects. Ganito ang basa ni House Deputy Minority Leader at ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio kasunod ng pagpapalit ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan pinalitan ni Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III si Leyte Rep. Martin Romualdez bilang Speaker ng Kamara. “The supposed deliberations on whether Speaker Romualdez will stay, take a leave, or resign altogether is…
Read MoreTuloy ang martsa kahit nagbitiw si Romualdez GALIT SA MGA MANDARAMBONG ILABAS SA LUNETA
HUWAG magpaloko sa pagpapalit ng liderato sa Kamara! Ito ang mariing panawagan ng Makabayan bloc na binubuo nina Kabataan Rep. Renee Co, Gabriela Rep. Sarah Elago, at ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, kasabay ng kanilang presscon kahapon. Giit nila, hindi sapat ang pagbibitiw ni dating Speaker Martin Romualdez para masabing tapos na ang isyu ng katiwalian sa flood control projects. Dapat umanong ibuhos ng taumbayan ang kanilang galit sa Martsa ng Galit sa Luneta sa Setyembre 21, kasabay ng anibersaryo ng Martial Law. “Hangga’t hindi nawawasak ang sistemang korap sa…
Read MoreALCANTARA, CURLEE DISCAYA AT MENDOZA KULONG DIN SA SENADO
SAMA-SAMANG ikukulong sa Senate detention facility sina dating Bulacan District Engineer Henry Alcantara, Pacifico Curlee Discaya, at Engr. Jaypee Mendoza matapos silang ma-cite in contempt ng Senate Blue Ribbon Committee dahil sa pagsisinungaling, pag-iwas, at pagtatago ng impormasyon sa imbestigasyon ng maanomalyang flood control projects. Una nang nasabit si Discaya matapos sabihin na hindi nakadalo ang kanyang asawang si Sarah sa pagdinig dahil may sakit sa puso. Pero sumabog ang galit ng mga senador nang lumabas sa mismong sulat ni Sarah na ang tunay na dahilan ay may meeting siya…
Read MoreP252-B FLOOD CONTROL BURADO SA 2026 BUDGET
KASUNOD ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., malaki ang binawas sa panukalang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa 2026 — halos 30% ang kaltas matapos burahin ang pondo para sa flood control projects. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mula sa P881.3 bilyon, ibinaba ng DPWH ang kanilang budget proposal sa P625.8 bilyon. Tinanggal ang P252 bilyong locally funded flood control projects na inulan ng batikos dahil sa sari-saring iregularidad. Imbes na flood control, hiniling ng DPWH na i-reallocate ang P252 bilyon sa…
Read MoreKapalit ni Martin pinili ni Sandro PAG-TAKEOVER NI DY COVER UP – POLONG
(BERNARD TAGUINOD) HINDI bet ng pamilya Duterte ang pagkakatalaga kay Isabela Rep. Faustino “Bojie” Dy III bilang bagong House Speaker kapalit ni Leyte Rep. Martin Romualdez, matapos itong pumalit bunsod ng pagbibitiw ng pinsan ni Pangulong Marcos. Sa kanyang pahayag, mariing tinuligsa ni Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte ang pagpili kay Dy, na umano’y itinutulak mismo ng House Majority Leader at presidential son Sandro Marcos, kapartido ng Pangulo sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP). “Ngayon, pinalitan si Romualdez, tapos si Dy daw ang ipapalit. Sino ang pumili? Walang iba…
Read MoreSa nakaambang “Trillion March” PBBM PINATIYAK KATAPATAN NG MILITAR
(CHRISTIAN DALE) Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mananatiling tapat ang military sa Saligang Batas at sa mamamayang Pilipino. “Huwag kalilimutan, ang panunumpa ninyo ay sa Republika at sa bawat Pilipino. Dahil sa inyo, sila ay mabubuhay nang ligtas at may dangal,” pahayag ni Marcos matapos pangunahan ang swearing-in ceremony ng mga bagong promoted na heneral at mataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Giit ng Pangulo, ang promosyon ay hindi lang milestone kundi panibagong panata ng katapatan sa Konstitusyon at sa bayan. Hinimok din…
Read More