INAMIN ni dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara na gumagamit siya ng alyas at pekeng ID para makapasok sa casino, sa kabila ng pagbabawal sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na magsugal. Sa pagdinig ng House Infrastructure Committee, sinabi ni Alcantara na iba ang nakalagay na pangalan sa ID na ibinibigay sa kanya. Nang tanungin ni Manila Rep. Joel Chua kung alias ang gamit niya, inamin ito ni Alcantara na dawit din sa mga maanomalyang flood control projects sa Bulacan. Ayon kay Alcantara, nakakasama niya sa casino ang…
Read MoreCategory: NASYUNAL
ZALDY CO TAHIMIK SA BUDGET INSERTIONS
HINDI pa rin nagsasalita si Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co kahit pa nababanggit ang pangalan niya sa umano’y ‘pinaka-corrupt” na pambansang pondo ngayong taon at maging sa insertions o pagsisingit ng pondo sa infrastructure projects ng Department of Public Works and Highway (DPWH). Tahimik si Co sa kabila ng paulit-ulit na paghingi ng mga kagawad ng media ng kanyang panig sa lumabas na alegasyon sa pagdinig ng House-Infra committee na nag-iimbestiga sa katiwalian sa flood control projects partikular sa pahayag ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na nadagdagan…
Read MoreConCon ipinorma na sa Kamara AGE REQUIREMENT SA PRESIDENTIAL, VP AT SENATORIAL POSTS IBABABA
UMUSAD na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala para amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng Constitutional Convention (ConCon) upang ibaba ang age requirement ng mga tatakbo sa pagkapangulo, pangalawang pangulo at pagkasenador. Pormal na inihain kahapon ni House Deputy Speaker Paolo Ortega IV ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 2 na naglalayong gawing 35 anyos ang minimum age requirement para sa presidential at vice-presidential candidates, at 30 anyos naman para sa mga nagnanais maging senador. Sa ilalim ng kasalukuyang Saligang Batas, kinakailangang 40-anyos ang isang kandidato para…
Read MoreILANG KUMPANYA SA FLOOD CONTROL PROJECTS ‘FRONT’ NG DPWH OFFICIALS
NANINIWALA ang ilang senador na posibleng ginamit ng ilang district engineers ng Department of Public Works and Highways ang pangalan ng Wawao Builders para sa ilang flood control projects partikular sa lalawigan ng Bulacan. Sinabi ni Senador JV Ejercito na kailangan pang lumabas ang tunay na modus na ipinatutupad ng mga district engineer partikular ang posibilidad na paggamit sa lisensya ng ilang kumpanya subalit sila mismo ang gumagawa ng proyekto. Hinala naman ni Senador Juan Miguel Migz Zubiri na posibleng front lamang ang Wawao Builders ng mga tunay na sangkot…
Read MoreMga kongresista nagbangayan sa Kamara ZALDY CO PROTEKTADO?
MAINIT ang diskusyon kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa unang araw ng pagdinig ng Tri-Infra committee sa flood control projects matapos ‘harangin’ ng ilang mambabatas ang panukalang ipatawag sa pagdinig ang dating Appropriations chair na si Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co. Ipinahiwatig ni Navotas Rep. Toby Tiangco na pinoprotektahan ng komite si Co. Bago ito, tinanong ni Caloocan City Rep. Edgar Erice si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan kung magkano ang infrastructure projects ng ahensya sa 2025 National Expenditure Program (NEP). Ayon…
Read MoreFlood control probe mala-zarzuela VP SARA KAY PBBM: ITURO KURAKOT SA PONDO NG BAYAN
HINAMON ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ituro ang mga nagnanakaw sa pondo ng gobyerno. Sa ambush interview sa The Hague, The Netherlands, sinabi ni VP Sara na kung talagang seryoso si PBBM na lutasin ang problema sa katiwalian sa government projects, isang araw lang ay tapos na ito. Wala rin aniyang ipinagkaiba ang imbestigasyon ng gobyerno sa ghost at maanomalyang flood control projects sa zarzuela. “Magdududa ka kung bakit bigla ngayon ay meron silang palabas ng malaking investigation ng flood control projects. Ibig sabihin,…
Read MoreGOBYERNO NAWALAN NG HANGGANG P118.5-B SA GHOST PROJECTS
KINUMPIRMA ni Finance Secretary Ralph Recto na nawalan ang gobyerno ng tinatayang P42.3 bilyon hanggang P118.5 bilyon mula 2023 hanggang 2025 dahil sa ghost projects na hindi naman naipatupad. Sa briefing ng Development Budget Coordination Committee kaugnay sa 2026 National Expenditure Program, sinabi ni Recto na katumbas ito ng 95,000 hanggang 266,000 na trabaho na dapat ay napakinabangan ng mga Pilipino. Kaya naman kasabay ng pagkondena sa mga anomalya sa flood control projects, nagpahayag ng pagsuporta si Recto sa hakbang ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na tutukang mabuti ang…
Read MoreDadaan sa mahigpit na screening INDEPENDENT COMMISSION BUBUUIN VS FLOOD CONTROL PROJECTS
MAGLALABAS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang Executive Order (EO) para pormal na buuin ang isang independent commission na tututok sa imbestigasyon ng mga maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, dadaan sa mahigpit na screening ang mga miyembro ng komisyon upang matiyak ang pagiging patas at kredibilidad ng imbestigasyon. “This independent commission will be under the executive. They will investigate all documents and complaints and recommend cases to the proper…
Read MoreP100-B SA FLOOD CONTROL PROJECTS INILAGAY SA ‘DI BAHAING LUGAR
NABUKO ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na umaabot sa isang daang bilyong piso ang inilagay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga lugar na hindi binabaha. Sa isang panayam kay Antipolo City Rep. Ronaldo Puno, isiniwalat nito na binubusisi ng mga ito ang P250 billion na halaga ng flood control projects sa 2026 National Expenditure Program (NEP). “Ang unang ginawa nila (House committee on appropriations), yung flood control projects against yung NOAH map. Kung wala ka sa risk area, tinanggal nila. Noong tinanggal nila… from P250 (billion)…
Read More