HAWAK na ng Pambansang Pulisya ang dalawang missing link sa kaso ng missing sabungeros, ayon kay PNP Spokesperson Police BGen. Jean Fajardo kahapon. Sa press briefing nitong Huwebes ng umaga sa Camp Crame, sinabi ni Fajardo na naaresto ang dalawang kapatid ng whistleblower na si alyas Totoy na sina Elakim at Jose Patidongan sa isang bansa sa Southeast Asia at dumating sa bansa nitong Hulyo 22. Sinasabing si Elakim ang nag-withdraw sa ATM account ng isang nawawalang sabungero habang si Jose ang nakuhanan ng video na umano’y nag-escort sa isa…
Read MoreCategory: NASYUNAL
SOLON SINIBAK NI DUTERTE CHAIRMAN NA NG PUBLIC ACCOUNTS
IPINAGKATIWALA ng House minority bloc sa sinibak na miyembro ng gabinete ni dating pangulong Rodrigo Duterte dahil sa junket, ang pag-iimbestiga sa mga anomalyang kinasasangkutan ng local officials. Noong Miyerkoles, itinalaga ni House minority leader Marcelino “Noynoy” Libanan si Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon bilang chairman ng House committee on public accounts na pinamunuan ni dating Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano. Magugunita na si Paduano ang nag-imbestiga sa mga local official na inaakusahang sangkot sa anomalya sa kanilang bayan o probinsya tulad ni dating Cagayan governor at…
Read MoreSa komento sa impeachment decision ng SC: INDIRECT CONTEMPT INIHAIN SA ILANG PERSONALIDAD
DUMULOG sa Korte Suprema kahapon ang ilang personalidad para ireklamo ang isang propesor at isang mambabatas na tumuligsa sa desisyon ng Korte Suprema sa isyu ng impeachment kay VP Sara Duterte. Una nang isinampa nina Atty Rolex Suplico at Atty Mark Kristopher Tolentino ang reklamong indirect contempt laban kina Professor Richard Heydarian at Akbayan Partylist Rep Percy Cendaña. Kasunod ito ng kanilang mga paratang at paggamit ng mga hindi angkop na salita laban sa mga mahistrado matapos katigan ng SC sa pamamagitan ng unanimous decision ang petisyon na nagbasura sa…
Read MorePBBM HINDI PA TIYAK SA KAPALARAN NG E-GAMBLING
PATULOY na pinag-aaralan at sinusuring mabuti ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung ano ang magiging kapalaran ng online gambling sa bansa. Ito’y sa kabila ng hindi niya pagbanggit sa kontrobersiyal na usapin sa kanyang pang-apat na State of the Nation Address (SONA), araw ng Lunes, sa Batasang Pambansa. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na “no missed opportunity” para sa Pangulo na sa wakas ay matugunan ang usapin ng online gambling. “The President is still studying and evaluating the impact of online…
Read MoreFLOOD CONTROL PROJECTS NG DPWH HALOS P1-T PONDO
NAKATANGGAP ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng P980.25 billion budget para sa flood control projects mula 2023 hanggang 2025. Base sa data, katumbas ito ng P326.75 billion flood control budget para sa bawat taon. Sa ulat ni Joseph Morong sa “24 Oras”, sinabi ng DPWH na sa susunod na linggo ay magsusumite ito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng listahan ng mga flood control project para matukoy kung ano ang tapos na at kung ano ang “ghost” projects. Gayunman, sinabi ng Commission on Audit, na noong 2023,…
Read MoreMGA KONGRESISTA HINAMONG PABULAANAN ‘777 PARTEHAN’ SA KAMARA
HINAMON ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang kanyang mga kasamahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na pabulaanan ang ‘777’ na unang isiniwalat ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong. Kahapon ay kinumpirma ni Tiangco ang alegasyon na tumanggap ng mahigit dalawampung milyong pisong halaga ng ayuda ang mga sumasama kay House Speaker Martin Romualdez sa pag-iikot sa iba’t ibang bahagi bansa noong nakaraang taon. “Totoo yun, kapag sumama ka sa BPSF (Bagong Pilipinas Serbisyo Fair) meron kang seven million (pesos) AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situations), seven million MAIP (Medical…
Read MoreGOITIA: MAKATOTOHANANG PAGLILINIS NG GOBYERNO PANGAKO NI PBBM
“MAKATOTOHANANG paglilinis ng gobyerno ang pangako ni Presidente Ferdinand Marcos Jr.,” ang pananaw ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia sa isinagawang State of the Nation Address (SONA) ni PBBM nitong Lunes. “Bihira tayong makakita ng Presidente na hindi pinagtatakpan ang mga pagkakamali. Hindi siya nagkukunwari. Harap-harapan niyang inamin ang gulo sa sistema ng gobyerno at sinabing nililinis niya ito. Hindi lamang puro salita ang Presidente kundi gumagawa,” pahayag ni Goitia matapos ang SONA. Partikular niyang tinukoy ang pagbubunyag ng Pangulo sa korapsyon sa mga proyekto ng gobyerno, lalo na…
Read MoreMisis ni Cong. Duke pinitik sa Kamara PHL TOURISM KULELAT DAHIL KAY FRASCO
PINITIK ng isa sa mga lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang misis ni Cebu Rep. Vincent “Duke” Frasco na si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco dahil sa nakadidismaya aniyang performance ng ahensya sa kabila ng napakalaking pondo. “Tourism must deliver jobs, not just slogans,” ani Deputy Speaker Paolo Ortega V dahil hanggang ngayon ay walang maayos na resulta sa usapin ng ‘job creation at local economic growth’ ang nasabing ahensya. Inihalimbawa nito ang kaso ng kanilang lalawigan sa La Union na kilala rin sa pangalang Elyu na…
Read MorePaasa na naman – solon SONA NI MARCOS KAPOS SA PAGTUGON SA GUTOM
(BERNARD TAGUINOD/DANG SAMSON-GARCIA) BIGONG maghayag ng solusyon sa ugat ng problema at kahirapang dinaranas ngayon ng mga Pilipino ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes. Dismayado si ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio sa kabuuan ng isang oras at sampung minutong talumpati ni Marcos na tila muling pinaaasa ang karaniwang mamamayan. “Ang SONA ni Marcos ay puno ng mga pangako sa papel pero walang tunay na solusyon sa mga ugat ng kahirapan ng ating mga kababayan. His claims of economic…
Read More