MARIING pinunto ni dating Bayan Muna party-list representative Teodoro ‘Teddy’ Casiño na kahit ano’ng gawin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ay hindi nito magagawang patayin ang diwa ng EDSA People Power Revolution na nagpatalsik sa kanyang pamilya noong 1986. Reaksyon ito ng dating congressman Teddy Casino makaraang palabnawin o i-downgrade ni Pangulong Marcos Jr. bilang special working holiday na lang mula sa pagiging regular na holiday ang ika-39 na taong anibersaryo ng People Power sa Pebrero 25. “The EDSA People Power Revolution remains as a testament to the power…
Read MoreCategory: NASYUNAL
IMPEACHMENT VS VP SARA PINAHAHARANG SA SC
(JULIET PACOT) INAKYAT sa Korte Suprema ng ilang pro-Duterte lawyers ang kanilang pagkwestyon sa proseso ng impeachment na nagmula sa reklamong inihain sa House of Representatives laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio. Tinukoy sa ilang pahinang petition for certiorari and prohibition na isinampa ng Mindanawon lawyers na may pagkakamali sa pagsisimula ng impeachment matapos masilip ang procedural errors, Constitutional infirmity at jurisdictional void. Ang mga nagsumite ng petisyon ay kinabibilangan nina Atty. Israelito Torreon, Atty. Martin Delgra, Atty. James Reserva, Atty. Hillary Olga Reserva at iba pa. Kinuwestyon ng petitioners…
Read More‘ALYANSA’ NANUYO SA PASAY
ISINAGAWA Martes ng hapon ang unang campaign leg ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa National Capital Region (NCR). Alas-4:00 ng hapon nang muling pangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangangampanya ng kanyang mga pambatong senador sa Cuneta Astrodome sa Pasay City. Dinaluhan din ang okasyon ng mga opisyal ng local government unit bilang pagpapakita ng suporta sa mga kandidato ni Marcos, Jr. Ang senatorial line up ng Alyansa ay kinabibilangan nina: Makati Mayor Abby Binay, Deputy Speaker Camille Villar, Senator Francis Tolentino, dating senador Manny Pacquiao, Senator Lito…
Read MoreSOLONS KAY VP SARA: HUMARAP KA KUNG WALA KANG TINATAGO
KINASTIGO ng mga mambabatas sa Kamara si Vice President ‘Inday’ Sara Duterte-Carpio dahil plano nitong hindi harapin ang impeachment complaint na isinampa laban sa kanyan sa kanila ng kahilingan ng mga pro-Duterte na ipatigil ng Korte Suprema ang paglilitis sa anak ni former president Rodrigo ‘Rody’ Duterte (FPRRD). Para sa mga lider ng minorya sa Kamara na sina party-list representative France Castro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Arlene Brosas ng Gabriela, sa halip na harapin ni Duterte ang paglilitis sa kanya kung wala siyang itinatago ay mas makakabuting…
Read MoreDENGUE OUTBREAK GUMAPANG SA 8 LUGAR
(JULIET PACOT) NAGBABALA ang Department of Health (DOH) sa posibleng pagdedeklara ng dengue outbreak sa 8 pang lugar sa bansa sa gitna ng pagtaas ng mga kaso nito sa mga nakalipas na linggo. Nauna nang nagdeklara noong Sabado ang Quezon city ng dengue outbreak. Hanggang noong Biyernes, Feb. 14 nasa 1,769 na ang may dengue sa Quezon City kung saan sampu na ang nasawi na kinabibilangan ng mga menor de edad. Nakikitaan din umano ng pagtaas ng kaso, ayon kay Health spokesperson ASec. Albert Domingo ang walo pang lugar sa…
Read MoreALVAREZ PINABUBUSALAN SA BLANGKONG BICAM REPORT?
GUSTO umanong busalan ng tatlong administration congressmen si dating House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez sa gitna ng seryosong alegasyon sa sinasabing niyang criminal act sa pagsingit umano ng mga probisyon sa mga blangkong bahagi ng 2025 General Appropriation Act (GAA). Buwelta ito ni Alvarez kina Taguig representative Amparo Maria ‘Pammy’ Zamora, Majority Leader Jose Manuel Dalipe at 1-Rider party-list congressman Ramon Rodrigo ‘Rodge’ Gutierrez na kumukuwestiyon sa motibo ng dating Speaker sa pagsampa nila ng kaso laban sa mga matataas na opisyales ng Kamara de Representante. Magugunita na bukod sa…
Read MoreONLINE SCAM LUMALA SA SIM REGISTRATION – PAOCC
MALAKING hamon sa mga awtoridad ang pagsugpo sa online scams dahil sa SIM Registration Act, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC). Inihayag ito ni PAOCC Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz matapos iulat ng credit rating firm na Moody’s na may Filipino entity at mga tao ang sangkot sa romance scams. Sa katunayan, nakita ang mabilis na pagsirit sa 45 noong 2024 kontra sa 10 noong 2023. “The Philippines ranked seventh globally for the highest number of entities and people with potential ties to romance scams,” ayon sa Moody’s. Aminado…
Read MoreAno’ng nangyari sa cold storage program ng DA? MARCOS SININGIL SA MULTI BILYONG ORION PROJECT
(PAOLO SANTOS) INUSISA ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kung ano ang nangyari sa ₱3 bilyon cold storage program ng Department of Agriculture (DA) at humihiling ng agarang kasagutan at pananagutan hinggil sa Optimization and Resiliency In the Onion Industry Network (ORION) Project dahil ang pinakabagong patakaran umano sa pag-aangkat ng sibuyas ay inaasahang magdudulot ng kalituhan sa mga lokal na magsasaka. Ayon sa KMP, “nakita na natin ito noon pa—bumaba ang presyo ng sibuyas at napilitang itapon ng mga magsasaka ang kanilang ani dahil sa sobrang supply kaya ngayo’y…
Read MoreAKO OFW PARTY-LIST UMARANGKADA SA QATAR
DOHA, Qatar– Gumuhit ng kasaysayan ang AKO OFW Party-list bilang unang Philippine party-list na naglunsad ng international campaign sa ikalawang araw ng opisyal na pagsisimula ng panahon ng kampanya para sa May 2025 mid-term national & local elections (NLE). Dinaluhan ng Filipino community leaders and stakeholders ang paglulunsad sa grupo na sinabayan ng pagbabahagi ng kaalaman kaugnay ng online voting. Pormal nang ipatutupad sa Mayo ang online voting system for overseas absentee voters (OAVs) kung saan maaari nang makaboto ang mga Pinoy na nasa ibayong dagat sa pamamagitan ng kanilang…
Read More