Hirap matukoy dahil ‘high-tech’ na KORUPSYON SA BUWIS MAS LUMALA

(JULIET PACOT) BINANATAN kahapon ni Ex-Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang mga bagong estilo ng katiwalian sa buwis sa Pilipinas. Aniya, kailangan nang paunlarin ang sistema ng pagbubuwis sa bansa. Mas nagiging tuso umano at mahirap nang matukoy ang mga bagong estilo ng korupsyon, kaya’t dapat itong bantayan at labanan. Kasabay nito, iginiit niya na malaking tulong naman ang teknolohiya sa pagpapahusay ng pangangasiwa ng buwis at transparency. Tinalakay rin ni Justice Leonen ang digital na reporma sa hudikatura sa pamamagitan ng Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027 at…

Read More

AKO—OFW PARTY-LIST, PASOK SA PULSE ASIA PARTY-LIST SURVEY

PASOK ang AKO—OFW party-list sa mga mananalong party-list group kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon batay sa isinagawang survey ng Pulse Asia para sa 2025 midterm election. Dahil dito, lubos na pasasalamat ang gustong ipaabot ng AKO—OFW sa lahat ng ating mga kababayan na nagtitiwala sa naturang partido. Ayon kay 1st nominee and AKO—OFW chairman Dr. Chie Umandap, ang survey ay tinatangap lamang nila bilang inspirasyon kapalit ng kanilang pagod sa pag-iikot sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. Hinihikayat din nito ang kanilang mga supporters na huwag magkakampante sa kanilang kampanya…

Read More

ATTY. RODRIGUEZ WALANG TALO – FPRRD

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NAGPAKITA ng kanyang buong suporta si dating pangulong Rodrigo Duterte sa kandidatura ni Atty. Vic Rodriguez sa Senado ngayong May 2025 midterm elections. Sa isa sa mga aktibidad ng Hakbang ng Maisug, itinaas ng dating pangulo ang kamay ni Rodriguez, ang unang executive secretary ng Marcos administration. Ani Duterte si Rodriguez ay walang talo, matalino, mabait, at honest. Kamakalawa, nagdaos ng thanksgiving mass ang mga tagasuporta ni Rodriguez sa Quezon City bilang panimula sa kanyang kampanya. Ngayong araw naman ang proclamation rally ng Partido Demokratiko Pilipino…

Read More

‘Pag bago na ang mga nakaupo KAMARA MAHIHIRAPAN SA IMPEACHMENT VS VP SARA

INIHAYAG ng dating associate justice ng Korte Suprema na kung magbabago ang nakaupong mga kongresista sa House of Representatives, ay maaaring mahirapan na dinggin ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, matapos ang 2025 midterm elections. Ipinaliwanag ni dating SC Associate Justice Adolp Azcuna sa “Kapihan sa Manila Bay”, dapat kung sino ang mga naghain ng impeachment complaint ay sila ang mangunguna sa pagsusulong nito, alinsunod sa nakasaad sa konstitusyon. Ayon kay Justice Azcuna, ngayon pa lamang ay dapat umpisahan na ang pagdinig dahil hindi maaaring maghain ng…

Read More

REKOMENDASYON NG NBI WA EPEK SA IMPEACHMENT

PINAWI ni Senate President Francis Chiz Escudero ang pangamba na makaapekto sa nakatakdang impeachment trial ng Senado ang rekomendasyon ng National Bureau of Investigation na kasuhan si Vice President Sara Duterte dahil sa pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, at ni First Lady Liza Marcos. Sinabi ni Escudero na maaari ring sumabay sa impeachment trial ang pagdinig sa reklamo ng NBI laban sa Bise Presidente nang hindi maaapektuhan ang proceedings ng Impeachment court. “No. walang epekto iyon sa napipintong impeachment proceedings — walang bearing iyon at walang kinalaman…

Read More

VISITING FORCES PACT NG PH, CANADA INAAREGLO NA

INANUNSYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kasalukuyang inaayos at pinag-uusapan ng Canada at Pilipinas ang kasunduan na makapagpapalakas sa ‘defense capability’ ng dalawang bansa. Sa isang kalatas, sinabi ng DFA na ang Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA) ang mahalagang kaganapan matapos ang paglagda sa Memorandum of Understanding on Defense Cooperation ng dalawang bansa noong Enero 19, 2024. “The SOVFA further deepens our bilateral defense relations with Canada and our long-standing friendship with this country,” ang sinabi ng departamento. Nabuo ito matapos na sabihin ni Canadian Ambassador David…

Read More

KAMPANYA NI ATTY. RODRIGUEZ SA SENADO SINIMULAN SA MISA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NAGDAOS ng Thanksgiving mass kahapon sa Timog, Quezon City ang mga tagasuporta ni Atty. Vic Rodriguez upang opisyal na simulan ang kanyang kampanya sa Senado ngayong May 2025 midterm election. Si Rodriguez, numero 56 sa balota ay suportado ng grupong Hakbang ng Maisug at ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Nauna nang inihayag ng unang Executive Secretary ng administrasyong Marcos na tatakbo siya sa Senado para labanan ang korupsyon na labis na nagpapahirap sa mga Pilipino. Sakaling maluklok sa Senado ay tatrabahuhin ni Atty. Rodriguez na maibaba…

Read More

Sa pagpuno sa blangkong bicam report MIYEMBRO NG TWG SA 2025 NAT’L BUDGET DAMAY SA KASO

(PRIMITIVO MAKILING) NADAMAY sa kaso ang mga miyembro ng Technical Working Group (TWG) sa 2025 national budget sa mga kasong isinampa ng grupo ni dating House Speaker at ngayo’y Davao del Norte Representative Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez laban kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ilan pang mambabatas. Kabilang sa mga kinasuhan sa Quezon City Prosecutors’ Office ay mga respondent na pinangalanan lamang bilang mga ‘John Doe’ at ‘Jane Doe’ na tumutukoy umano sa mga technical working group member na nag-assist at naglagay ng halaga sa mga blangkong bahagi ng niratipikahang…

Read More

IMPEACHMENT CASE NI VP SARA ‘DI CRIMINAL CASE

Dahil hindi criminal case ang impeachment case laban kay Vice President’ Inday’ Sara Duterte-Carpio, hindi ito makukulong kung mahahatulan ng Impeachment court na guilty. Ito ang nilinaw ng isa sa 11 House prosecutors na si 1-Rider party-list representative Rodge Gutierrez, nagsabing dalawa ang nilalaman ng ‘prayer’ ng 215 Congressmen na nagsilbing complainant sa impeachment case at ito ang “matanggal sa pwesto at perpetual disqualification sa public service” ang pangalawang pangulo. “It’s, sui generis. We’ve always mentioned this. It’s more akin to an administrative matter po, no? Kasi the penalty, it’s…

Read More