(JOEL O. AMONGO) NANAWAGAN ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa House committee on ethics and privileges ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na aksyunan ang reklamong isinampa ng mga katutubong Lumad laban kay ACT Party-list Representative France Castro. Ang kaso ay isinampa noong December 2024. Inihayag din ng NTF-ELCAC ang paghanga nito sa katapangan ng mga katutubong Aeta-Manobo Tribal Council of Elders at Leaders of the Talaingod Indigenous Political Structure (IPS) sa paghahanap ng hustisya at pananagutan. Ipinakikita anila ng mga katutubo ang paninindigan nito…
Read MoreCategory: NASYUNAL
CALAPEÑOS SUPORTADO ADBOKASIYA NG AKO-OFW PARTY-LIST
MAINIT na pagtanggap at suporta ang sumalubong sa AKO-OFW Party-list sa isang araw nitong pagbisita sa Calapan, Mindoro. Sa kabila ng matinding pag-ulan, hindi ininda ng Calapeños ang sama ng panahon. Anila, lubos silang natutuwa sa adbokasiya at mga nasimulang programa ng AKO-OFW Party-list. Bukod kasi na halos sa mga ito ay may mga pamilyang OFW, ang ilan sa kanila ay naging Pinoy workers din. Hiling nila na sana’y maisakatuparan ang adbokasiya ng AKO—OFW dahil na rin sa sunod-sunod kaso at kalunos-lunos na sinapit ng ating mga kababayan. Kasunod nito,…
Read MorePRESIDENTIAL BID NI SARA SINASABOTAHE
TILA ganito ang pahiwatig ni dating Presidential spokesperson Salvador Panelo sa paghahain ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Gaya ng inaasahan, kagyat na sinimulan ng anti-forces ang impeachment process laban kay Duterte. “Having the numbers, railroading the process is a foregone conclusion,” ani Panelo. Gaya aniya ng paulit-ulit niyang sinasabi, ang dahilan ng hakbang na ito ay para sirain at dungisan ang reputasyon ni VP Sara at may ‘ultimate goal’ na idiskwalipika ito sa 2028 presidential elections, sa pagiging nangungunang kalaban sa pagka-pangulo. Malinaw aniya na hindi pinapansin…
Read MoreAyuda kapalit ng pirma itinanggi ng Kamara PONDO GUMALAW SA ‘IMPEACH SARA’?
(BERNARD TAGUINOD) MARIING itinanggi ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na may kapalit na ayuda sa pagpirma ng mahigit 200 Kongresista sa 4th impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Tugon ito sa isiniwalat ng chair ng Duterte Youth party-list na si Ronald Cardema na may pondo umano na ipinakita sa mga congressmen subalit ‘for later release’ o FLR kaya nagpirmahan ang mga ito sa impeachment complaint. “Ang balita ko may mga pondo na nakalagay for later release. Ibig sabihin it’s a conditional release of funds. So…
Read MoreBAGONG BFAR CHIEF, APRUB KAY YAMSUAN
KUMPIYANSA si Rep. Brian Raymund Yamsuan na paiigtingin ng bagong talagang national director ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mahigpit na pagtutok ng ahensya sa kapakanan ng maliliit na mangingisda at sa pagpapabuti ng kanilang kabuhayan. Ayon kay Yamsuan, chairman ng House Committee on Aquaculture and Fisheries Resources, nakikita niya kay BFAR Director Elizer Salilig ang tunay na malasakit at dedikasyon sa pagtulong sa mahigit dalawang milyong maliliit na mangingisdang matagal nang naipit sa gulong ng kahirapan. “Tinatanggap natin ang pagtatalaga ng Mr. Elizer Salilig bilang bagong…
Read MoreMga atat nasupalpal IMPEACHMENT TULOG MUNA SA SENADO
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TILA nasupalpal ang mga nagmamadaling mapatalsik si Vice President Sara Duterte matapos hindi muna aksyunan ng Senado ang impeachment complaint laban dito. Posibleng sa pagbabalik ng sesyon na idaos ang paglilitis laban sa Bise Presidente. Paglilinaw ni Senate Minority Leader Koko Pimentel, bagaman prayoridad ng Senado ang impeachment ni Duterte, hindi dapat minamadali ang proseso nito. Hindi na nabanggit sa plenaryo sa huling araw ng sesyon ang tungkol sa natanggap na articles of impeachment laban kay Duterte na mula sa Kamara. Paalala ni Pimentel, ang Senado…
Read MoreIMPEACHMENT NI VP SARA PANLIHIS SA KORUPSYON SA GOBYERNO – ATTY. RODRIGUEZ
NAGPAHAYAG ng pakikiisa si dating Executive Secretary Vic Rodriguez kay Vice President Sara Duterte at sa 32 milyong bumoto rito. Sa kanyang Facebook page, agad tinuligsa ng senatorial aspirant ang aksyon ng Kamara na pagpapatalsik kay Duterte. Para kay Rodriguez, malinaw na inililihis ng impeachment ang tunay na suliranin ng bansa at iniiwas sa atensyon ng publiko ang mga garapalang korupsyon. “Hindi lamang kaban ng ating bansa ang walang pakundangang kinukurakot ng mga tiwaling mambabatas kung hindi pati ang ating sagradong mandato na buong pusong ibinigay kay Inday Sara ay…
Read MoreImpeach Sara political persecution – Pulong NGITNGIT NG TAUMBAYAN MATITIKMAN NG MARCOS ADMIN
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MISTULANG binalaan kahapon ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang administrasyong Marcos Jr. sa aksyon ng Kamara na tuluyang i-impeach ang kapatid niyang si Vice President Sara Duterte. Ayon sa mambabatas, galit at nababagabag siya sa motibong pulitikal ng mga nagsusulong ng pagpapatalsik sa Bise Presidente. Giit niya, ang administrasyong ito ay gumagawa ng mapanganib na hakbang. Binanggit din niya ang kamakailang rally ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo. Kung hindi aniya natinag ang mga kontra kay VP Sara sa mahigit isang milyong taga-suporta…
Read MoreMGA MAGSASAKA, GURO, ESTUDYANTE SA AURORA INAYUDAHAN NG ATEACHER
PINANGUNAHAN ni ATEACHER Party-list nominee Virginia Rodriguez ang pamamahagi ng bigas, tubig at relief goods sa underprivileged families, mga magsasaka, guro at estudyante sa Maria Aurora, Aurora Province, bilang bahagi ng kanyang commitment na suportahan ang marginalized Filipino population. “My mission is to assist those who are overlooked by the government. This initiative provides significant support, as these individuals are in dire need of food and belong to the most impoverished communities,” ani Rodriguez. Katuwang niya si Maria Aurora Mayor Ariel S. Bitong sa distribusyon ng mga naturang ayuda para…
Read More