KABATAAN HINIMOK NA KUMUHA NG KURSONG MEDISINA

KASABAY ng kanyang pagbati sa 3,845 na mga bagong doktor ng bayan na pumasa sa October 2024 Physician Licensure Examination, hinikayat ni Senador Joel Villanueva ang kabataan na kumuha ng kursong medisina. Sinabi ni Villanueva na libre na ang pag-aaral ng medisina sa mga public Schools of Medisina dahil sa Doktor Para sa Bayan Act na kanyang iniakda at inisponsoran sa Senado. Sa kasalukuyan, may 23 mga SUCs na matatagpuan sa 15 rehiyon sa bansa ang mayroon nang school of medicine at anim na iba pang SUCs ang inaasahang makakapag-alok…

Read More

VP SARA NILAGLAG NG AFP SA USAPIN NG CONFI FUNDS

MISTULANG nilaglag ng mga opisyales ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Vice President Sara Duterte matapos itanggi ng mga ito na may natanggap silang confidential funds ng Department of Education (DepEd) sa kanilang Youth Leadership Summit (YLS). Sa pagdinig ng House committee on government and public accountability, pawang kinumpirma ng mga opisyal ng Philippine Army (PA) na sina Col. Manaros M. Boransing, Lt. Col. Carlos B. Sangdaan Jr., Col. Magtanggol G. Panopio at Maj. General Adonis R. Bajao na walang nakuhang intelligence funds para sa kanilang YLS activities…

Read More

Sa kabila ng kaliwa’t kanang ayuda GUTOM, KAHIRAPAN TALAMAK PA RIN

(BERNARD TAGUINOD) HINDI naiibsan ng mga ayudang ipinamumudmod ng pamahalaan ang gutom at kahirapan sa bansa. Puna ni dating Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, patuloy na nagdudusa sa gutom at kahirapan ang sambayanang Pilipino lalo na ang food producers sa Mindanao sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Binanggit niya ito sa paggunita sa World Food Day noong Miyerkoles. “The hunger crisis in the Philippines, especially in Mindanao, has been worsening,” ani Zarate base na rin sa mismong datos ng Philippine Statistics Authority (PSA). Inihalimbawa nito…

Read More

REWARD MONEY UGAT SA PAGPATAY KAY ESPINOSA?

KUMBINSIDO ang isang miyembro ng Quad Committee na ang reward money na makukuha ng mga pulis sa bawat drug suspect na mapapatay ang dahilan kung bakit pinatay sa loob ng kulungan si dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa. “Iyong puzzle po ninyo, kaya nag-apply sila ng search warrant para makapasok at mapatay nila iyong tao. May reward iyong patay, eh. Iyong buhay, wala, eh,” ani Antipolo City Rep. Romeo Acop. Ginawa ni Acop ang pahayag habang ginigisa sa Quad Comm investigation si dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region…

Read More

FOOD SECURITY NAMEMELIGRO SA PAGKAUBOS NG MAGSASAKA

KUNG hindi masusuportahan at mabibigyan ng subsidiya ang mga magsasaka ay nanganganib na tuluyan nang maubos ang mga nagsasaka sa Pilipinas at halos lahat ng kakainin ng sambayanang Pilipino ay imported o kakailanganin na angkatin na sa mga kalapit na bansa. Ito ang inihayag nina Senador Imee Marcos at dating senador Panfilo Lacson nang dumalo sa 10th World Pandesal Day sa 85-year-old Kamuning Bakery Café noong Miyerkoles. Ayon kay Marcos, habang sinasabing lumiliit ang unemployment rate sa Pilipinas at dumarami ang trabaho ay nauubos naman ang mga magsasaka dahil karamihan…

Read More

CIF INAABUSO; BATAS PINAREREBISA SA KAMARA

PANAHON na para rebisahin kung paano ginagamit ng mga ahensya ng gobyerno ang kanilang Confidential and Intelligence Funds (CIFs) dahil inaabuso na umano ito. Kasabay nito, pina-subpoena na ng House committee on good government and public accountability na pinamumunuan ni Manila Rep. Joel Chua ang anim na tauhan ni Vice President Sara Duterte matapos hindi dumalo sa pagdinig ng komite sa CIF ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd). Kabilang sa pina-subpoena sina Atty. Zuleika T. Lopez – Chief of Staff ni Duterte; Atty. Lemuel…

Read More

Referrals ‘di totoong inaksyunan lahat OVP PUMALAG; DSWD SINUNGALING?

(CHRISTIAN DALE) KINONTRA ng Office of the Vice President ang pahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na na-accommodate lahat ng referral mula sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte. Ayon sa OVP, hindi ganap na naipoproseso ang mga programa kaya nakaliligaw ang pahayag ni Sec. Rex Gatchalian. Ayon kay Director for Operations Norman Baloro, nagkaroon ng ilang pagkakataon na tinanggihan ang mga referral ng OVP. Ibinigay niyang halimbawa ang hininging tulong ng isang grupo na ang kabuhayan ay naapektuhan dahil sa African Swine Fever virus. Tinanggihan aniya…

Read More

WALANG BOTANTE MGA DUTERTE – GADON

HINDI dapat pangambahan sa darating na halalan ang kampo ng mga Duterte. Ito ang hayagang iginiit ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation (PAPA) Secretary Larry Gadon, patungkol sa mga pahayag na si VP Sara Duterte, ang mabigat na kandidato sa darating na presidential elections sa 2028. “The Dutertes are not major formidable political brand. Philippine politics is divided into two major groups – Marcos vs Aquino. Now is second generation rivalry, but while Marcos has heirs to the Marcos brand, the Aquino brand name only has closest kin Bam Aquino…

Read More

Iba’t ibang grupo dumulog sa SC PHILHEALTH FUND TRANSFER KADUDA-DUDA

(JULIET PACOT) DINALA kahapon sa Korte Suprema ng iba’t ibang grupo ang petisyon na kumukuwestiyon sa paglipat ng bilyong pondo ng PhilHealth sa national treasury. Ang pagharang ay ginawa ng mga dating opisyal ng pamahalaan, grupo ng mga abogado, pribadong sektor, mga lider ng simbahan at paaralan sa pamamagitan ng petisyon. Giit ng grupo sa kanilang petisyon, labag sa Konstitusyon at wala rin sa batas ang naturang plano lalo na’t pera ng mga manggagawa ang PhilHealth funds. Duda rin ang grupo sa naturang hakbang dahil tila gagamitin o magagamit lang…

Read More